"Whatever." at pumunta ako sa kaniya na nakatayo na sa harap nga ng guidance office na tinutukoy niya.

"Wala manlang thank you?" nakangiti parin siya sa akin.

"Wala! Keep your mouth shut Clevor." pagtataray ko't natawa lang siya sa akin.

"Yes Ma'am!" sumaludo siya sa akin. Hindi ko siya pinansin at akmang bubuksan na ang pinto nang hawakan niya ang kamay ko.

"You stay here." inunahan ko na siya.

Baka kung ano pa ang gawin niyang pagpigil sa makakausap kong dean. Baka pag nagtanong ako ay pagbawalan niya pa ako. Gusto kong makuha ang mga sagot sa aking katanungan na ako lang. Ako lang mag-isa ang gagawa. Tutal, wala naman akong mapapala sa kanila ni Mommy. They are hiding something from me and I knew it.

"Audrey.." gusto niyang sumama sa akin at nakikita ko iyon sa kaniya. Inutusan 'to ni Mommy na bantayan ako for sure.

"I can do it. Stay here." sabi ko't humarap na sa pintuan ng guidance office.

Huminga ako ng malalim. Why I have this feeling na parang may naghihintay na kung ano sa akin sa loob. Bigla tuloy akong kinabahan. Pero wala ng atrasan 'to. Ito ang school na pinahanap ko kay Mommy na gusto kong pasukan.

Carvs University.

Pinihit ko na ang pinto at bumungad sa akin ang isang malaking silid at---LALAKI?!

Nakayuko ito at hindi ko makita ang mukha. Teka--ba't ba ako nagulat eh natural may estudyante dito sa guidance.

"Miss Santiago!" medyo nagulat pa ako sa dean na nakangiting bumati sa akin.

Hindi ko siya nakita kanina. Ang lalaking nakaupo ang una kong nakita. Hayst.

"Goodmorning po!" hindi ako nakatingin sa dean ng school kundi sa lalaking parang bingi at walang naririnig. Ni hindi manlang siya tumitingin sa direksyon ko!

"Goodmorning! Come here. Umupo ka." nakangiti parin  siya't nasa late 50's na. Pero hindi parin halata. She's still pretty at halata mong maganda siya noong kabataan niya.

Lumapit ako sa kaniya. This is it!

Pinagmasdan ako ng matanda ng mabuti. Nagtaka naman ako sa inasta niya. Medyo nailang pa ako ng kaunti pero ngumiti lang ako sa kaniya. Natigil naman siya sa kakatitig sa akin.

"So Miss Chr--Audrey. Welcome to Vixen University." she said na parang natataranta but still, she manage herself to smile again. 

"Thank you Miss?" hindi ko pa alam ang pangalan niya.

"Just call me Dean Esmeralda."

Hmm.. Dean Esmeralda.

"So.. What's your strand?" habang nakatingin sa mga papeles ko.

Ano nga ba ang kukunin ko? Siguro mag ABM nalang ako. 'Yan ang unang pumasok sa isip ko eh.

"ABM. I want to take ABM." seryosong sabi ko.

Aksidenteng napalingon ako sa lalaking nakaupo. Hindi ko parin makita ang mukha niya. Nakita ni Dean Esmeralda ang paglingon ko sa lalaki kaya nagsalita siya.

"He's Stanley Javier." mahinang sabi niya sa akin. Ayaw sigurong iparinig sa lalaki.

Tumango nalang ako at ngumiti.

But wait--Stanley? Tama! Stanley 'yung mga naririnig ko kaninang binabanggit ng students. Famous? Siya ba 'yung tinutukoy nila?

Nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan si Dean Esmeralda. Sabi niya, siya na daw ang bahala sa papers ko. Napakabait niya makipag-usap. Halata mo rin sa kaniya na maawtoridad siya pero may limitasyon iyon. She really fits on her position as a dean of Carvs University.

IntricateWhere stories live. Discover now