Chapter 48

2.6K 97 5
                                    

Chapter 48: Laenasthrielle

Everything went smooth after our mission in Azarela. Nakabalik na rin ako sa academy and now, every student here in ZLA is busy for the upcoming pageant. Actually, bukas na itong gaganapin.

Hindi nga kami halos nagkikita nina Nathan, e. Gustuhin niya mang makasama ako'y hindi p'wede. Ayos lang din naman.

"Waklush!"

At dinumog ako nang tatlo, kakarating ko lang.

"Alam mo ba, waklush? Super duper nakakairita si Stacey! Like, what the f! Bakit ba ang super duper ever flirt niya kay fafa Nate!" sumbong pa sa akin ni Jane.

"Oo nga! Like super lapit niya talaga kay fafa Nate! In our very own pretty naked eyes... nakita talaga namin kung paano niya haplusin—ugh, basta! May something sa touches niya! Gosh! Ang sarap sabunutan!" si Jace din na parang gusto nang manapak.

"Right! But Nate's trying to get rid of her naman..." natatawang pagsang-ayon ni Liza.

Natatawa na rin ako. Oo nga't may gusto na si Stacey kay Nathan noon pa. Tinatarayan nga ako nun, e. Pero I trust Nathan. Atsaka, wala pang kami so hindi dapat akong magseselos.

Pa?

Ay ewan.

"O to the M to the G, girl! Is it true na break na raw si Prince Landon and Princess Aila?"

"Saan mo na naman ba 'yan nasagap, girl?"

"For real! Nabalitaan ko 'yan kahapon! Hindi nga ako makapaniwala, e."

"So, totoo talaga?!"

"This is our moment to marry a Prince!"

"Seriously?"

Just like wildfire, indeed. Kanina pa 'tong mga usap-usapan ngunit hindi parin humuhupa. Sabagay, mga sikat 'yung pinag-uusapan dito.

"I really can't believe it..." saad ni Jane at napabuntong hininga ng malalim.

Wala akong alam. Hindi ko pa sila natanong. Wala ring kumpirmasyon galing sa kanila, ngunit parang totoo ito.

Tanungin ko nalang kaya si Headmaster Gray mamaya.

"Baka chance ko na'to?" tanong naman nitong si Jace. Jane rolled her eyes at sabay kaming napatawa ni Liza.

"Support ako," ani Liza.

"Asa ka pang bakla ka!"

Hindi pa nakuntento si Jane at inirapan pa ang baklitang si Jace. Matapos ay bumaling si Jane sa akin.

"Bakit naman kaya? May narinig ka bang away mula sa kanila?"

Umiling ako. "Ewan ko rin, e..." mahina kong sabi ngunit tama lang para marinig nila.

"Ang perpekto nilang tingnan. Nakakapanghinayang talaga." wika rin ni Liza.

Kahapon lang nakumpirma ang break up nung dalawa ayon sakanila. Nagulat nga rin ako, e. Hindi ko pa rin naman sila nakikita matapos ang misyon namin.

I looked at the wide quadrangle outside. By the way, nandito kami sa cafeteria.

"Pero si Aila... gusto mo ba talaga siya?"

"It's getting late, Elena. Let's rest now."

Kung totoong silence means yes, totoong iwasan means yes din. Tama si Yana. Tunay na may gusto si Elzefire kay Aila.

Speaking of Alyana, wala na akong balitang natanggap sa kanila matapos ang nangyari sa kagubatan ng Azarela. Tatanungin ko sana si Elzefire ngunit ang huling pagkikita namin ay 'yung gabi pa'ng 'yon. Mag isa nga lang akong pumunta rito sa academy. Sabi naman ni Lola ay nasa mahalagang misyon na naman ito kasama sina Aila, Aira, at Walter. Ewan ko rin kung bakit walang Lance na nabanggit.

Between Fire And IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon