Chapter 45

2.6K 80 2
                                    

Chapter 45: Traitor

"There has been a commotion..." seryosong saad ni Aira.

Kakarating lang nung apat at hindi ko gusto ang mga walang emosyon na mukha nila. Bigla akong kinabahan sa sinabing balita.

"Kalahati na ng Azarela ang naapektuhan, Elzefire. We have to do something!" dagdag pa nito at napa-upo habang hinihilot-hilot ang kanyang sentido.

"Calm down, Aira..." si Walter naman na halos magka linya na ang kilay. "Wala na talagang oras, Elzefire. Hindi na pwede'ng maghintay pa tayo sa susunod na bukas."

"Marami na ring namamatay..." saad ni Lance.

"Gosh! I can't really imagine Zaentha Liya without Azarela." said again by the most frustrated Aira.

Napatingin ako kay Elzefire. Lahat kami ay nag-aabang sa sagot niya. Malamig lang itong nakatingin sa'min habang nag-iigting ang panga.

Sa totoo lang, wala akong alam sa plano nila kaya nakakapagtataka rin kung bakit isinama pa nila ako rito. Hindi rin ako sigurado kung may maitutulong ako ngunit sana naman ay mayroon din. Nakakaawa ang mga pamilyang apektado rito sa Azarela. At kung sakaling mabubura sa mapa o masasakop ng mga dark mage ito, nanganganib ang lahat ng mga taga-Zaentha Liya.

"We'll do the plan tomorrow."

All eyes landed on Aila this time.

Tinanguan naman ni Elzefire si Aila. "Let's fucking kill them."

---

Bago pa sumikat ang araw ay gising na gising na ang lahat para sa misyon. Walang humpay pa rin ang pag mi-meeting nung lima, habang ako naman ay narito sa kusina tinutulungan si Nanay Ester. Nanghuhugas ako ng mga kagamitan sa pagkain, habang si Nanay ay nanghuhugas sa mga gulay na kakainin namin mamaya.

Nakakapagtataka kung bakit wala pa rin si Yana gayong kasali naman talaga siya sa misyong ito. Mas malakas pa nga siguro sa'kin 'yon, e. Mas may silbi at pakinabang dahil matagal niya nang nakasama ang royalties.

Sabi naman ni Nanay Ester ay may nagpadala raw ng sulat sa amin na hindi na makakapunta pabalik rito si Yana. Hindi ko rin alam ang dahilan dahil hindi ko pa nababasa ang sulat at wala namang nabanggit sa akin si Nanay Ester at ang royalties.

Sa ospiyal na pagtungtong ng araw ay napagpasyahan na naming umalis na. Emosyunal naman si Nanay Ester dahil sa lungkot at pangangamba na kanyang nararamdaman para sa amin.

"Mag-iingat kayo, mga anak..."

"Para ka namang just now, Nay. We never lose." biro pa ni Walter sa kanya.

"Nanay's just like that even before..." biglang saad ni Aira sa akin. Napatango ako sakanya.

"We'll see you in a bit, Nay." sambit ni Elzefire bago kami opisyal na tumulak na.

Nang makarating sa bayan ay napanganga nalang ako sa aking nakikita. Ang dating sinasabing magandang Azarela ay kabaliktaran na ngayon. Halos masakop na nga ng mga masasamang mage ang Azarela. Hindi p'wede 'to.

"I'll be with Walter in this side..." saad ni Aira at tinuro ang kaliwang bahagi. "Let's find that bitch and dispatch her."

My forehead creased. Sino?

Tumango si Elzefire at tiningnan ako. "I'll be with Aila. You go with Lance in the forest, Elena Snow."

I nodded at him. Hinawakan naman ni Lance ang aking kamay at nagsimula na kaming maglakad.

Bakit kaya hindi ako ang isinama niya? Ang tanong na bumabagabag sa isip ko matapos naming mapalayo sa kanila.

Sobrang nakakapagtataka. Baka talagang may gusto itong si Elzefire kay Aila ngunit ayaw lang nitong aminin? Kung oo, ba't ayaw niya namang aminin? Naduduwag siya? Torpe? Natatakot kay Lance?

Between Fire And IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon