Chapter 1

11.9K 298 38
                                    

Chapter 1: Friendship

"Hay! Gusto ko ring gumaya sa kanila! Magkaroon ng napakagwapong mapapangasawa, magkaroon ng napakagandang kasal, magka-anak, at magkaroon ng napakaganda at malusog na pamilya!"

Sabi ng batang babae habang nakangiting nakatingin sa babaeng ikakasal ngayon. Dahan-dahan itong naglalakad kasama ang mga magulang nito patungo sa altar.

"Tsk. That's impossible." banat naman ng batang lalaking may pilak na buhok.

Nagsalubong ang kilay ng batang babae, "Anong imposible?! Posible kaya! Maganda naman ako, mabait ngunit kahit—"

"Bobo."

"Grabe mo talaga!"

Ngayon ay naiiyak na talaga ang batang babae ngunit pinili parin nitong maging matapang at tapatan ang batang lalaki.

"Pero basta! Alam kong makakahanap rin ako ng lalaking katulad ng mapapangasawa ni ateng bride ngayon."

"You don't have to search for it. It's already right here in front of you."

Kumunot ang noo ng batang babae at bahagyang nagulat, "Ikaw?"

"What do you think?"

"Paanong ikaw? Sobrang mapang-api mo kaya sa'kin! Ayoko sa'yo! Gusto ko 'yung gaya ni—"

"Baby you will never find someone because I'm going to kill every guy who blocks my way to you. If that happens, you're going to cry and come back running to me."

"Ano?! Baby mo mukha mo! Hindi na ako baby! Six years old na nga ako, eh! 'Tsaka, hindi kita maintindihan!"

"Tsk. Whatever, idiot."

Pinitik ng batang lalaki sa noo ang batang babae dahilan ng tuluyang pagiyak nito.

Idinilat ko ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay lalabas agad ang batang lalaki na may pilak (silver) na buhok at batang babae. Dalawang bagay lang talaga ang nasisigurado ako. Una, ako ang batang babae. Pangalawa, hindi ito panaginip ngunit mga ala-ala na may malaking parte sa buhay ko.

Napabuntonghininga nalang ako at isinirado ang libro sabay tingin sa labas ng bintana.

Magkahalong asul at kahel na ngayon ang langit. Sobrang refreshing tingnan. Sabayan pa ng malamig at sariwang simoy ng hangin.

I'm always in love with the cold. Is this because I'm an ice mage?

Siguro.

Napahinto ako sa pagmunimuni nang may biglang sumigaw.

"Bakla! Buhay ka pa ba dyan?!" rinig kong sigaw ni Jane mula sa labas.

Mahina akong napatawa bago sumagot sa tanong niya, "Oo po."

"Aba't mag handa kana, gurl! Baka pagalitan tayo ng baklita!"

Napatampal nalang ako sa aking noo at tumayo na. Naku, lagot!

"Oo nga pala!"

Matapos kong magayos ay agad kaming tumungo ni Jane sa cafeteria. Napakunot naman ang noo namin sa dami ng taong narito ngayon. Tila isa itong karagatan.

"Weird," bulong ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang marating na namin ni Jane ang madalas naming puwesto rito sa cafeteria. Grabe. Magkakaroon pa yata ng stampede rito.

Between Fire And IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon