Chapter 47

2.4K 92 3
                                    

Chapter 47: Questions

"Ikaw si Elena Snow..."

"Huwag kanang matakot, nandito kana sa harap ng bahay niyo. Shhh. Tahan na..."

"Basta'y huwag mong hubarin ang kwintas na ito, ah? Bigay ito ng iyong Mama. Magagalit 'yun kapag tinanggal mo ito. Mahal na mahal ka nun..."

Nagising ako sa memoryang iyon. The very first day I stepped outside the Fireasthrielle Palace, hinatid ako ng isang babae na ngayon ay hindi ko na natatandaan ang kanyang hitsura. Gusto pa naman sana siyang makilala nina Lola. Ang tanging nakikita ko rin sa aking isip ay ang kurbado niyang labi na kinulayan ng madilim na lila.

Napabangon ako't pumunta sa malaking bintana ng aking kwarto. I looked at the black velvet skies filled with stars as the moon's shining. Nandito ako ngayon sa Fireasthrielle. Ewan. Dalawang araw raw akong walang malay. Sobrang nag-aalala sa'kin sina Lola kaya sa susunod na bukas pa ako papasok sa Academy.

Ayos narin ang pakiramdam ko. Wala na rin ang mga pasa at sugat ko at nakakalakad na ako ng maayos.

Noon, lahat ng oras ko ay nandito lang ako sa aking silid. Naglalaro at iba pang gawain para hindi boring. Ayaw rin makigpaglaro sa akin ni Elzefire. Nagiging exciting lang ang araw ko nun pag nandito ang iba ko pang mga pinsan.

Ngayon na nakakalabas-masok na ako ng palasyo ay unting-unti nawawala ang aking kasiyahan. Habang ako ay palayo nang palayo rito, mas lalong nadadagdagan ang mga tanong sa isip ko.

Saan ba talaga ako magsisimula? Sino ang uunahin ko? Responsibilad ko ba talaga ito? Ang daming tanong ngunit walang sagot. Nakakabaliw.

Si Elzefire at Aila.

Sabi ni Yana, si Aila talaga ang gusto ni Elzefire. So, ano 'yung mga narinig ko? Atsaka, 'yung sinabi ni Aila?

Baka naman talaga ay gusto ni Elzefire si Aila pero hindi niya lang ito masabi. Ano naman kaya ang dahilan? Natotorpe siya?

Pero imposible naman 'yun! Kilala ko si Elzefire. He's a very straightforward guy. Atsaka, pag may gusto siya, gagawin niya ang lahat para mapa-sakanya.

Si Lance. Kung nirerespeto niya bilang kaibigan si Lance, ba't siya pumayag sa alok ni Aila?

Talagang gusto ni Elzefire si Aila ngunit hindi niya ito masabi. Alam ko na kung bakit.

Pride. Pride ba talaga iyon? Ay ewan. Ewan ko na talaga!

Sinabunutan ko ang sarili ko.

May katapusan rin ang lahat ng ito, Elena Snow.

Akmang aalis na sana ako rito sa gawi ko nang madatnan ng aking mata ang hardin. Madilim ang hardin. Tanging ang buwan lang ang nagbibigay ng liwanag rito. Pero ngayon, may iba. May maliliit na maliwanag sa mga halamanan.

Is it a glowing snowflake?

"Puntahan ko kaya..." bulong ko.

Pero bago paman ako makahakbang ay may maliit na lumitaw sa aking harapan.

"Gosh! You scared me!" I said. Napahawak ako sa dibdib. Frost is here!

"Hello, my lady! Sorry for disturbing!"

I chuckled. "What are you doing here?"

"Binisita ka namin ng boss ko!" maligaya niyang sagot.

Napakunot ang aking noo. "Sino ba talaga 'yang boss mo? Hmm. Baka magalit na ako n'yan, ha. I find him creepy. Is he stalking me all the time?"

Between Fire And IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon