Kabanata 13.

14.5K 706 170
                                    

Souls tend to go back to who feels like home.

BUONG detalye kong ikinuwento kay Mei ang panaginip kong iyon. Ipinatong ko ang hawak na tasa na may lamang tsaa sa gilid ng bintana at hinarap ito. Gaya ko, punong-puno ng katanungan ang mga mata nito.

Hinawakan ko ang aking leeg at ipinikit ang mga mata. Sariwa pa sa 'king pakiramdam ang pagbaon ng kanyang mga pangil. Hindi ito ang unang beses. Muli kong iminulat ang mga mata ko at nakitang nakatingin lamang si Mei na nagugulumihanan.

"Magpahinga ka muna." Pag-aalala nito sa 'kin.

"Hindi ako mapapanatag. May kung ano sa akin Mei ang kulang." Hindi ko maipaliwanag sa kanya ang pakiramdam. Alam kong hindi iyon basta-bastang panaginip lamang. Pumikit ito at bumuntong hininga.

"Okay. Simula nang makita ng dalawang mata kong balian ng kamay ni Sean ang asawa ko I knew there's something wrong." Sabi nito. Ang mga mata ni Mei ay hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin. Alam kong mahirap paniwalaan ngunit lahat sa mundong ginagalawan namin ay posible.

Umupo ito sa sofa malapit sa bintana at malalim ang iniisip. Hinintay ko lamang ang kanyang sasabihin dahil alam kong unti-unti na s'yang naniniwala.

Tumingala ako sa ulap bago ko isara ang bintana. Binago ko na lang ang aming pag-uusap nang magsimula nang bumuhos ang malakas na ulan.

"Nagpunta nga pala ulit si Riku dito kanina sabi ni Auntie Celda." Sabi ko.

"Hindi ba nakapag-usap na kayo?" Tanong ni Mei. Naglakad ako papalapit sa kanya at naupo sa kabilang sulok ng upuan. Itinungkod ko ang kanang kamay bilang pag alalay at napaisip muli kung ano ang sadya ni Riku sa akin.

"Oo nakapag-usap na kami kahapon. S'ya na rin ang nag udyok sa 'kin para kumalas sa Sun Group." Seryosong sabi ko.

"Pero para bang may mali." Nakinig lamang sa 'kin ito. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat matapos kong mag-resign bilang sekretarya ni Jian. Pati na rin ang biglaang pagbabago ng panahon.

"Baka naman nagkataon lang ang pagsama ng panahon?" Sabi nito. Tumango na lamang ako dahil sa pag-iisip nang kung ano-ano.

"Pero mabalik tayo. Dawn kung hihingiin mo ang opinion ko?" Tanong nito. Tinignan ko naman s'ya sa sasabihin.

Tumango ako para hingin ang opinion ng kaibigan ko.

"Alam mo mas mabuti na rin na kumalas kana sa Sun Group. Mas makakabuti na rin sa 'yo ang pagputol ng koneksyon sa lalaking kamukha ng asawa mo." Napahawak ito sa kanyang mga labi at nagulat.

"Sorry Dawn. Hindi iyon ang ibig kong iparating sa 'yo." Alam kong nag aalala lamang si Mei sa kalagayan ko tulad ni Riku para sa kanyang kapatid. Ngumiti naman ako at pinitik ng mahina ang kanyang noo.

"Ano ka ba. Naisip ko na 'yan. Salamat… salamat dahil palagi kang nariyan para sa amin ni Sean at handang makinig." Bilang magkaibigan, hindi likas sa amin ni Mei ang mag drama kaya't muling naiba ang aming pag-uusap. Sinikap kong ibaon na lang sa limot si Jian dahil alam kong nakikita ko lang sa kanya si Liu.

Maya maya lang ay tumila muli ang ulan ngunit hindi parin nagliliwanag ang kalangitan. Nagpaalam na rin si Mei dahil may mahalaga s'yang pupuntahan. Hindi ko na rin naitanong kung ano iyon dahil sa sobrang pagmamadali nito.

Pagkaalis nito'y bigla na lamang akong nagulat nang may maaninag na anino sa likod ng kurtina. Pinakatitigan kong mabuti ito na para bang rebulto ng tao. Napalunok ako at napaatras dahil sa napakapaki nito na tila papalapit sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng dapat na gawin. Nanghihina ang mga tuhod ko nang may madinig akong boses. Tinig ng lalaki ito. Malalim at buong buo.

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon