Kabanata 7.

15.2K 801 166
                                    


INAKAY nito ang matanda patayo. Hindi nagbitiw nang kahit anong salita si Jian sa matanda. Tahimik lang n'ya itong tinignan habang si Celda ay hindi parin makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Auntie nagkakamali po kayo." Pinilit na tumayo ni Dawn kahit na namamanhid ang bahaging binti nito. Naroon parin ang pagkahilo n'ya kaya't hinapit naman ni Jian ang beywang nito upang makatayo ng tuwid. Nanonood lamang ang batang si Sean habang malalim ang iniisip.

Kaagad na umiwas si Dawn kay Jian. Hinarap nito ang matanda at saka nagpaliwanag.

"Hindi s'ya si Liu. Matagal nang patay si Liu, Auntie." May pait ang mga mata n'yang sabi sa matanda. Marahil ay napagod na si Dawn sa pagbabakasakaling si Jian at Liu ay iisang katauhan lamang. Namutla nang husto si Celda sa sinabi ng kanyang pinagsisilbihang si Dawn. Naglaro sa isip ng matanda kung sino nga ba ang lalaking nakatayo mismo sa harapan nila.

"Ah Auntie samahan n'yo muna ako sa pharmacy. Naibigay na sa 'kin ng doctor ang reseta." Sabi ni Mei at sumenyas kay Dawn na s'ya na muna ang bahala sa matanda. Hindi naman sila nahirapan dito at sumama rin kay Mei sa labas. Naiwan naman ang tatlo sa loob. Si Dawn, Sean at Jian. Inakay ni Sean ang ina para bumalik sa higaan. Naging kaswal lang ang usapan ng tatlo. Wala nang iba pang binanggit si Dawn kundi pasasalamat kay Jian sa agarang pagdala rito sa ospital.

SAMANTALA…

"Auntie kanina pa kayo tulala d'yan." Lumapit si Mei sa matanda hawak ang mga gamot na nireseta ng doctor sa kaibigan nitong si Dawn. Kasalukuyan silang nasa tapat ng pharmacy dito sa ospital.

Hindi parin makapaniwala ang katiwalang si Celda. Bakit gano'n na lamang ang lukso ng kanyang pakiramdam nang makita ang kamukha ng yumaong alagang si Liu. Iba ang pakiramdam ni Celda. Sa halos 50 years n'yang nanilbihan bilang tagapag-alaga sa Young Master ay parehas ang nararamdaman n'yang lukso ng dugo kay Jian. Para bang iisa lamang ang dalawa.

Ang agam-agam ng matanda ay napawi nang maramdaman ang mainit na palad ni Mei na dumapo sa balikat nito. May pag-aalala sa mga mata ng dalaga.

NAUPO naman si Jian sa sofa habang pinagmamasdan ang mag-ina na si Dawn at Sean. Dumating naman kaagad si Mei ngunit hindi na kasama ang matanda.

"Mei si Auntie?" Tanong ni Dawn.

"Pinauwi ko na muna sumama raw ang pakiramdam n'ya e. Eto ang mga gamot mo lalo kapag kumikirot ang mga sugat mo. Sabi pala ng nurse twice a day kang iinom ng antibiotic kasi kapag nawala na ang pangpamanhid hihilab na raw ang kirot ng sugat lalo kapag malamig ang panahon." Ibinaba isa-isa ng kaibigan ang mga hawak na gamot sa katabing mesa ni Dawn.

"Bumili na rin ako sa canteen ng mainit na sopas. Kumain ka muna bago uminom ng gamot."

"Salamat talaga Mei at dumating ka. Hindi ba ako abala sa 'yo? Baka hinahanap ka na ng asawa mo?" Hindi na umimik si Mei.

"Walang pakialam sa 'kin si Jian. He only cares about the money. Ang mamanahin lang n'ya ang mahalaga sa kanya." Napatingin si Dawn sa gawi ni Jian. Kapangalan kasi nito ang asawa ni Mei.

"Uy oonga pala Jian katukayo mo ang asawa ko. Pero mas gwapo ka naman di hamak dun." Nakuha pang mag biro ni Mei kahit na sa mga mata nito ay may lungkot.

Hindi naman umimik si Jian hanggang sa tumayo na ito.

"I need to go back to the company. I still have a lot of work to do. If you ever need anything I'll immediately send my driver here." Paalam ni Jian at kinuha ang coat. Tumayo naman si Sean at yumuko bilang pasasalamat dito. Lumingon si Jian at ngumiti sa bata. Nagulat si Dawn at Mei dahil hindi naman kakikitaan ng gano'n si Jian. Hinawakan nito ang buhok ni Sean tsaka muling nagsalita.

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Where stories live. Discover now