Kabanata 1.

24.8K 784 75
                                    

Un-edited

EVENFALL: MY ALOOF HUSBAND 2

Dawn:

"DO YOU REALLY NEED THIS JOB MRS. VAN SHEN?" Kunot noong tanong ng sekretarya ni Mr. Sun. Kasalukuyan akong nasa harapan nito para sa interview. Humugot ako ng malalim na hangin bago nagsalita.

"Yes Ms. Talavera." Chineck nito ang lahat ng nasa resume ko habang tahimik naman akong nakaharap sa kanya. 6 am pa lang ay nakapila na ako para sa interview. Ako ang pangalawa sa huli bago ma-cut ang pila. Pasado alas-tres na ng hapon at kasalukuyan akong nakaupo, hinihintay na lamang ang resulta.

Habang nasa labas ng opisina ni Ms. Talavera ay naramdaman ko na ang pag kalam ng sikmura ko. Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko. Nakita ko namang si Mei ang tumatawag kaya dali-dali kong sinagot ito.

"Dawn asan ka? Kinukuha ng mga talent scout si Sean para maging model pero kailangan ng waver at pirma ng gardian." Bungad nito. Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi nito hanggang sa muli s'yang magsalita.

"Dawn?" Doon lang pumasok lahat sa utak ko.

"Talent Scout? Nag-aaral pa si Sean Mei. At nasaan kayo?"

"Hay nako babae ka. Nasa mall kami ng anak mo. Kasalanan ba ng bata maging sobrang gwapo?" Napahilamos na lang ako sa sinabi ni Mei. I know my son, bukod sa bata pa ito ay mailap s'ya sa tao. Alam kong hindi n'ya papasukin ang showbiz.

"Can I talk to my son?" Sabi ko sa kabilang linya.

"I don't think so Dawn… pinagkakaguluhan s'ya ng mga talent scout."

"Mei naman. Alam mo namang bata pa si Sean. Kung nandiyan lang ako e."

"E pano nga wala ka naman dito? Asan ka ba kasi?" Natigilan ako nang tawagin ni Ms. Talavera ang pangalan ko.

"I'll call you later Mei. Wag mong pipirmahan ang waver." At ibinaba ko na ang tawag. Tumayo na ako at hinarap ito. Nakangiti s'ya sa 'kin habang may hawak hawak na puting folder.

"Eto ang kontrata mo sa Sun Group." Nakangiting inilahad ang folder.

"You mean?" Hindi ako makapaniwala.

"Yes, the CEO wants you. You're hired."

Lutang ako hanggang sa makauwi ng villa. Naabutan ko naman si Mei at anak kong si Sean na kumakain.

"Dawn! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba kasi galing?" Tanong nito.

"Ah nag-apply lang ako ng trabaho." Napatayo si Mei at sumalubong sa 'kin. Sumunod naman si Sean at nakakunot ang noo. Pinag-krus nito ang magkabilang braso at nagtanong.

"Ma why do you need a job? I can make money." Nagkatinginan kaming dalawa ni Mei sa binitiwang salita ni Sean. Sa edad niyang pitong taong gulang ay mature na ito kung mag-isip.

"Anak someday you can make money for yourself. Hayaan mo muna akong alagaan ka." Nakangiti kong sabi.

"Sean pwede mo ba muna kaming iwan ng Tita Mei mo?" Hindi naman ito nagsalita at naglakad papunta ulit sa hapagkainan. Doon ko na hinila si Mei sa labas.

"Mei ano'ng sabi mo? Kinukuhang model si Sean at wala ka man lang ginawa? Alam mo namang ayokong pumasok sa magulong showbiz ang anak ko."

Napangiti naman ito.

"Pwede ba Dawn mag-chill ka nga. Hindi ko pinirmahan ang waver okay? Eto ang calling card. Mas maganda nang ikaw mismo ang kausapin nila."

"Hindi ako pumapayag sa gusto nilang mangyare. Maghanap na lang sila ng ibang talent." Walang nagawa si Mei sa desisyon ko. Iniba na lang nito ang usapan tsaka ako hinila sa garden at naupo sa duyan.

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon