Kabanata 20.

12.3K 463 85
                                    

A/N: Bago niyo basahin, gusto ko lang malaman niyo na binago ko ang storya mula kabanata 18. Maraming salamat sa pang-unawa.

You're the moon, illuminating the sky with your brilliance and I'm the beast, howling with longing for your soul.

SERYOSO ang mukha ni Liu dahil sa ibinalita ni Riku.

"We have to protect the prince." Suhesyon nito at tinapik sa balikat si Liu. Ayon kay Riku ay nakarating sa mga celestial ang tungkol sa 'kin. Itinago ako ni Liu sa matagal na panahon dito sa mundo ng mga tao. Napalunok ako sa takot na bumabalot sa 'king puso. Ang kauna-unahang prinsipe na isang hybrid, si Sean. Siya ang magiging pakay ng mga celestial.

Matagal na nagkatitigan ang dalawa na parang may binabalak. Hindi ako nakatiis at napatayo sa 'king inuupuan.

"Kailangan kong bumalik sa mundo na iyon. Hindi ako papayag na mapahamak si Sean." Bakas sa 'king mukha ang labis na pag aalala ng isang ina.

Tumayo si Liu at lumapit sa 'kin. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at pinahid ang ilang butil ng luha.

Yumuko si Riku habang ito'y nakapamulsa. Tila naghihintay lamang ng utos mula kay Liu.

"Walang lihim ang hindi nabubunyag." Pagbibitiw ng salita ni Riku. Napatingin naman dito si Liu at nanahimik. Tila nag-iisip o bumubuo na ng plano.

"Protect my family at any cost." Utos nito kay Riku.

"No! Alam ko na ang binabalak mo Liu. Wag mong gawing patibong ang sarili mo. We can make it together right?" Naluluhang sabi ko.

Hindi ito nag salita, sa halip ay hinalikan lamang ako sa 'king noo.

"May paraan para maisalba ang prinsipe." Sabi ni Riku.

"Riku stop." Para bang may hindi sinasabi sa 'kin si Liu at pinatitigil nito si Riku.

"Anong paraan? Riku sabihin mo ano?" Desidido na akong malaman.

"Mahabang panahong pagkakahimlay." Iyon ang mga salitang binitiwan nito. Nagpaulit-ulit ang bawat katagang iyon sa 'king isipan.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko. Hinawakan naman ako ni Liu sa 'king braso na tila pinapatigil na sa pagtatanong.

"Hindi, gusto kong malaman." Sabi ko rito.

May kung anong bagay na inilabas si Riku mula sa kanyang case. Isang kulay asul na likido na binabalot ng crystal.

"Ang likidong ito ang mag sasalba sa prinsipe. Mahihimlay siya sa mahabang panahon hanggang sa matapos ang ikalawang gera." Gera? Magkakagulo ang mga bampira at mga celestial?

Naputol ang aming pag uusap nang marinig ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si Sean habang seryosong nakatingin sa amin.

"Sean anak ano'ng ginagawa mo rito?" Bakas ang pamumutla nito na tila tinakasan na ng dugo. Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng ma-comatose si Mei at sa mahabang panahon ay hindi na nakakatulog ng maayos si Sean. Nakakunot ang noo nito na tila iritable.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Liu at nagsalita na ako.

"Lalabas na muna kami." Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Sean saka lumabas ng library room.

Habang kami ay naglalakad sa labas ay huminto si Sean at nag salita.

"I heard everything." Lumukso ang puso ko sa kaba nang sabihin niya iyon. Hindi pa buo ang desisyon ko para subukan ang likidong sinasabi ni Riku na siyang sasagip sa buhay ni Sean. Kasalukuyan kaming nasa hallway ng villa at tumingin ito sa napakalaking bintana.

"Sean you don't understand anak." Paano ko ba ipapaliwanag ang lahat sa kanya?

"Of course I can understand." Tulad ng dati ay para na talaga itong matanda kung mag-isip. Binuksan ni Sean ang pinto sa kabilang banda at doon nakaratay ang katawan ni Mei na natutulog. Marami pa ring mga aparatus ang nakadikit sa kanyang katawan habang siya ay nagpapagaling.

"Sean…" Hinawakan ko ang balikat nito habang ang kanyang mga mata'y may lungkot na bumabalot.

He wished Mei would wake up. Nararamdaman ko ang kanyang pangungulila. Hindi na ito nag salita pa at lumabas na ng silid at naglakad palayo. Nakatitig lamang ako sa likuran ni Sean hanggang sa mawala na ito sa 'king paningin. Isang malalim na pag hinga ang aking binitiwan at pumasok sa silid kung saan natutulog si Mei.

"Mei gising na." Pakiusap ko at hinaplos ang kanyang buhok. Aminado akong nakaka-miss ang maingay na si Mei. Ang lagi nilang pagbabangayan ng anak kong si Sean na parang mga aso't pusa. Halos ilang buwan na lamang at ganap ng isang taon itong walang malay.

Naupo ako sa gilid ng higaan nito at pinagmasdan si Mei. Payapa lamang itong nakapikit ngunit may napansin akong kakaiba. Mabilis ang pag haba ng kanyang buhok na para bang hindi normal. Napailing na lamang ako dahil sa kung ano ano na ang tumatakbo sa 'king isipan.

Inayos ko lamang ang kuwelyo ng damit nito at tumayo na ako. Naglalakad ako nang umilaw ang pulang luwanag mula sa medalyon na nasa aking bulsa.

"Kronos?" Nagtataka ako kung bakit? Hindi ko naman ito tinawag.

Inilapag ko saglit ang medalyon at ito'y nagkatawang tao.

"Kamahalan." Lumuhod ito sa 'king harapan at nagsalita.

"Ang mahal na prinsipe."

"Ano'ng ibig mong sabihin? Sino?" Hindi ko lubos na maunawaan ang ibig nitong sabihin.

"Ang unang prinsipe na may dugong hybrid lamang ang mag sasalba sa naliligaw na diwa ng tagalupa." At tumingin ito kay Mei.

"Kronos ano'ng ibig mong sabihin na naliligaw?"

"Kinuha ng isang diwata ang diwa ng tagalupa kaya ito'y hindi magigising hangga't hindi naililigtas ang kanyang kaluluwa." Napahawak ako sa 'king bibig sa labis na pagkabigla. Hindi ko akalain na matagal na panahon na palang kailangan ni Mei ng tulong. Ngunit naguguluhan ako sa 'king nararamdaman dahil mas natatakot ako kapag nawala si Sean sa akin.

Mabilis kong tinawag si Liu at Riku matapos ang aming pag-uusap ni Kronos. Naging pala isipan sa amin kung bakit nadamay si Mei sa suliranin na aming kinakaharap. Kaya ba mabilis ang pag haba ng kanyang buhok ay sumisimbolo ito na nasa mundo siya ng mga diwata?

"Ang lugar ng Agartha." Sabi ni Riku.

Ayon sa kanya na ang mundo ng Agartha ang kaharian ng mga diwata.

"Posible ba na mapuntahan natin ang lugar na 'yon?" Tanong ko ngunit napailing ito.

"Hindi ka makakatapak sa lugar na iyon hangga't may katawan ka."

"Ano'ng ibig mong sabihin Riku?" Seryoso akong nakinig.

"Tanging kaluluwa lamang ang kayang mag lakbay sa lugar ng Agartha."

"Pero bakit si Sean lamang ang sinasabi ni Kronos na makakapagligtas sa naliligaw na diwa ni Mei? Bakit?"

"Hindi mo pa ba napapansin? May espesyal na pagtingin ang prinsipe sa tagalupa." Ang katagang tumatak ng labis sa 'king isipan.

ITUTULOY...

HELLO PO! VOTE AND COMMENT NA KAYO PARA SA SUSUNOD NA KABANATA. MARAMING SALAMAT! MALAPIT NA ANG PAGTATAPOS NG IKALAWANG BAHAGI NG STORYA🤗

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن