Kabanata 21. End of book 2

15.1K 397 65
                                    


Two sacred souls
And their love predates
Time
Intertwined
Destiny meets fate
Celestial seeks sky
I search for you
Like the Sun
Looks for the Moon.

DAWN:

"NGUNIT hindi ba masiyado pang bata si Sean para kay Mei?" Hindi ko lubos maisip kung paano nangyari ang lahat ng ito.

"Bata ang kanyang katawan ngunit hindi ang edad Dawn. Naiiba ang lahing bampira sa mga tao iyan ang iyong tatandaan." Nagulat ako sa mga salitang binitiwan ni Riku. Tahimik lamang si Liu habang nakaupo sa kanyang swivel chair.

Isang katok mula sa pinto ang nagpatigil ng aming pag-uusap.

"Auntie." Sumilip muna si Auntie Celda sa pinto bago ito tuluyang pumasok. Yumuko ito kay Liu at nag-salita.

"Young Master mawalang galang na ngunit kailangan n'yo itong makita." Bakas sa mukha nito ang kaba. Agad naman kaming sumunod patungo sa pinto kung saan ang silid ni Mei.

Pagkabukas ng pinto'y amoy ng bulaklak ang bubungad sa'yo. Nag-react agad ang katawan ni Liu sa mga bulaklak na nakapaligid sa higaan ni Mei na tila ito'y nanghihina.

"Put them away!" Utos nito kay Auntie. Maging si Sean ay hindi makapasok sa loob dahil sa amoy ng bulaklak na tila humihigop ng kanilang lakas.

"Yes my lord." Mabilis agad ang responde ni Auntie at ito'y nataranta. Bago lamang sa 'king paningin ang uri ng mga bulaklak na ito na bigla na lamang nagsipaglabasan sa higaan ni Mei. Tumulong akong alisin ito isa-isa.

"Maging maingat ka hija. Mapanganib ang mga tinik nito at baka ikaw ay masugatan." Paalala sa 'kin ni Auntie. Maging si Riku ay tumulong na rin upang maitapon ang mga bulaklak. Matapos ang lahat ay muli kaming bumalik sa loob ng library room. Nakahawak si Liu sa kanyang ulo at alam kong hindi pa ito tuluyang nakaka-recover dahil sa mga bulaklak.

"Riku bakit may mga bulaklak na biglang naglabasan?" Kunot-noong tanong ko dahil siya lamang ang mas nakakaalam ng mga ganitong bagay.

"Hindi ko alam ang pakay ng mga diwata na ito. At kung bakit pinoprotektahan nila ang katawan ng tagalupang ito sa mga bampira."

"Ang bulaklak na iyon ang nakakalasong uri para sa mga bampira."

"Kung ganon, paano maililigtas ang kaluluwa ng kaibigan ko?" Maging ako'y naguguluhan kung bakit si Mei ang kanilang pakay. Bakit nga ba nila pinoprotektahan laban sa mga bampira ito?

"Hindi kaya..." Napatigil si Riku. Alam kong may nabubuong sagot sa kanyang isipan.

"Ano? Sabihin mo Riku."

"Reincarnation." Iyon lamang ang mga salitang lumabas sa mga bibig nito.

"Huh? Papaanong nangyari iyon?"

"I don't know Dawn. Pero alam kong may sagradong libro ang pupwedeng makasagot sa lahat ng ating mga katanungan."

"Pero bakit si Mei pa? Bakit kailangan niyang madawit sa mundong hindi niya kinabibilangan?" Naguguluhan na ako.

"There's always be a reason why." Sagot nito.

"Sa tingin ko ay kailangan nating pumunta sa kabilang mundo." Suhesyon ni Riku. Napatingin naman dito si Liu.

"No. There's nothing we can do for now." Sabi ni Liu.

"Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang kaibigan ko Liu." Bakas sa mukha nito ang di pagkagusto.

"Magtiwala ka kay Liu Dawn. Sa ngayon ay wala pa tayong magagawa. Kahit ang prinsipe ay hindi makakatapak sa Agartha dahil sa proteksiyon na inilagay ng mga diwata."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Where stories live. Discover now