Kabanata 9.

13.9K 618 59
                                    


DAWN:

MALAMIG na klima ang sumalubong sa amin nang makarating sa Hokkaido Japan. Kilala ito sa kanilang tourist spot gaya ng hot spring. Bukod sa malamig ang panahon dala ng pag-ulan ng yelo ay malapit kami sa bulkan.

"Nihon e yōkoso" Bati ng isang babae na ang ibig sabihin ay 'Welcome to Japan' nakasuot ito ng pormal at yumuko sa amin. Kaagad nitong itinuro ang silid na ipina-reserved ni Nessy. Si Nessy ang gumagawa ng reservation kapag may mga business trip si Jian. Hindi naman nagsalita si Jian at nag tuloy lang ito. Sumunod naman ako at sa likuran ako ay ang dalawang personal bodyguards n'ya.

Apat na silid ang kinuha ni Jian. Isa sa akin, sa kanya at sa dalawang bodyguards. Wala itong kibong pumasok sa kanyang silid habang nakasunod naman ang bellboy dala ang mga bagahe n'ya. Pumasok na rin ako sa loob at namangha ako dahil sa laki at ganda ng disenyo. Tinanggal ko ang dalawang magkapatong na coat ko at inilapag. May malaking bintana roon na natatakpan ng makapal na kurtina.  Lumapit ako at hinawi ito. Kitang-kita mula sa loob ang walang tigil na pag-ulan ng yelo.

Kahit may heater sa loob ay ramdam ko parin ang ginaw. Hindi sanay ang katawan ko sa ganitong panahon. Umunat ako dahil sa nananakit na likuran at balakang dala ng lamig. Nakita ko naman sa bandang kama ang isang magazine kaya't kinuha ko ito. May mga brochure rin ng hotel. Nakalagay doon ang pinakamalapit na hot spring sa kanila. Saglit kong itinabi ang mga 'yon para kunin ang maleta ko. Binuksan ko ito para ayusin ang mga damit na gagamitin para bukas. Isang maayos na business attire.

Matapos kong magpalit ng damit ay tumunog naman kaagad ang orasan. Pasado alas-tres na ng hapon. Kaagad ding nag-ring ang phone ko na ibinigay sa akin ni Jian kahapon. Dito raw n'ya kasi ako tatawagan tuwing may iuutos s'ya.

Sinagot ko agad ang tawag nang makita ang unregistered number.

"Bring me some coffee." Bungad nito sa kabilang linya. Tumugon naman ako at pinatay na n'ya ang tawag. Kaagad akong tumawag sa ibaba gamit ang telepono at nag-request ng kape. Ilang minuto lang at may kumatok na sa labas ng silid ko. Kaagad ko itong binuksan at pumasok ang isang babaeng may malaking cart na dala. Naroon ang iba't-ibang uri ng tea at kape. Sa ibaba naman ay mga kagamitang pang ligo gaya ng sabon, shampoo at towel.

Inilapag nito ang purong kape sa maliit na mesa at nag-request na rin ako ng tea at towel. Nang umalis ito ay kaagad akong nagsalin ng purong kape sa maiinit na tasa at hinalo ito. Ayaw ni Jian ng asukal kaya't hindi ko nilagyan. Lumabas na ako ng silid at kumatok sa kuwarto n'ya ilang saglit lang 'yon nang bumukas ito. Inihakbang ko naman ang aking mga paa papasok at nakita s'yang abala sa pag-aasikaso ng mga papeles. Napakunot noo ako nang isipin kung sino ang bumukas ng pinto dahil napakalayo nito sa akin.

Umangat ang tingin n'ya at tinanggal ang salamin. Sumenyas na ilagay ang kape sa gilid ng mesa n'ya. Lumapit naman ako roon para ilapag ang kape. Ramdam ko pa ang kirot ng binti ko dala ng insidente makailan lamang. Yumuko ako pagkatapos ilapag ang tasa at tumalikod na para lumabas. Bago ko ihakbang ang mga paa ay nagulat ako sa pag-ihip ng malakas na hangin na sing lamig ng yelo. Naiwan palang nakabukas ang bintana ni Jian sa loob. Akmang isasara ko na sana ito ngunit nagsalita s'ya kaya't napahinto ako.

"It's probably better that you don't close the window." Napalingon ako rito habang tahimik s'yang nakatingin sa tasa na may lamang kape. Kinuha n'ya ito at uminom. Hindi ko na lang pinansin iyon at hindi na isinara pa ang bintana.

Hinayakap ko ang sarili dahil sa lamig ngunit parang hindi naman ito naaapektuhan.

"If you need anything just call me, Mr. Sun." Sabi ko at umalis na. Ginaw na ginaw akong pumasok sa 'king silid habang pinapainit ang magkabilang pisngi. Kaagad kong binuksan ang fireplace at tumabi malapit dito. Habang papalubog kasi ang araw ay papalakas naman ang pag-ulan sa labas. Saglit akong sumilip sa bintana, nakita ko ang mga iba't-ibang ilaw sa di kalayuan. Marami ring mga taong nakasuot ng makakapal na kimono.

Napabuntong-hininga ako. Kailangan kong maligo kaya't pumasok na ako sa banyo at namangha ako. Kakaiba ang disenyo sa loob na mukhang nasa sinaunang panahon. Pinalakas ko rin ang heater at binuksan ang tubig sa malaking tub. Natuwa naman ako dahil mas mainit ang banyo kumpara sa labas nito. Tinanggal ko na ang pagkakatali ng aking buhok at damit. Kompleto ang kanilang kagamitan at mayroon pang aroma na s'yang nakaka-relax.

Kaagad kong ibinabad ang katawan sa tub matapos kong mag-shampoo at sabon. Nagtagal ako roon habang hinihilod ang braso. Natanggal ang pananakit ng aking likod at tagiliran. Pagkatapos ay kaagad na akong nag banlaw para linisin ang sugat ko sa binti.

Suot ang pantulog na ibinigay ng housekeeper ay abala ako sa pagpahid ng ointment sa sugat ko. Tinakpan ko na ulit ito ng benda at ibinaba ang mahabang pajamas. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko nang may kumatok.

"House keeping" Sabi nito. Kaagad ko itong pinag buksan at tumambad naman ang mga pagkain. Pasado alas-otso na nang makakain ako ng gabihan.

Matapos ang gabihan ay nahiga na ako sa kama at saglit na binuklat ang libro. Nakaugalian ko nang magbasa bago matulog. Tumunog naman ang laptop ko at tumatawag si Mei sa Skype. Kinamusta ko lang si Sean dahil patulog na si Mei. Humingi na rin ako ng paumanhin dahil sa nangyare sa asawa n'ya. Malawak naman ang pagkakangiti ni Mei at inanunsyo sa akin ang balak na pagkalas sa asawa n'ya sa legal na paraan.

"Mei." Wala akong ibang masabi nang sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kaibigan ko pero mas matutuwa ako kung itutuloy n'ya ang binabalak.

"Mag-usap na lang tayo pag-uwi mo. Enjoy ka d'yan best friend!" Nagawa pa nitong tumawa matapos sabihin ang mga katagang iyon. Pinatay ko na ang skype pagkatapos naming mag-usap ni Mei. Sumagi muli sa isipan ko ang ginawa ni Sean nang gabing iyon. Walang halong pagdududa, nakuha n'ya ang dugo ng kanyang ama.

Sinikap kong matulog dahil maaga ang meeting bukas. Nagpapalit palit na ako ng puwesto ngunit hindi talaga ako dinadapuan ng antok. Pinatay ko na rin ang lampshade at tanging buwan lamang sa labas ang nagsisilbi kong ilaw.

Napakamot ako sa 'king ulo nang hindi ako makatulog. Binuksan ko ulit ang lampshade at hinanap ko ang sleeping pills ko sa maleta. Hindi maganda sa 'kin ang pagpupuyat dahil baka sumumpong ulit ang migraine ko.

May mainit na thermos sa gilid ng mesa at isinalin ko iyon sa tasa. Naalala ko ang tea na ibinigay kanina ng house keeper kaya naisipan ko na itong inumin. Matapos kong isalin sa tasa ang tsaa ay hinayaan ko munang lumamig ito ng kaunti. Maya maya lang ay ininom ko na ang gamot kong pampatulog at humigop ng mainit na tsaa. Ayaw pa rin akong dalawin ng antok kaya nama'y kinuha ko ang makapal na coat at lumabas patungong balkonahe. Inilapag ko ang mainit na tsaa sa makapal na railing nito at tinanaw ang mga ilaw sa di kalayuan.

Muli akong bumuga sa magkabila kong palad habang nanginginig. Humigop muli ako ng tsaa at lumingon sa katabing silid nito kung saan ang pwesto ni Jian. Bukas pa rin ang ilaw n'ya sa loob maging ang bintana. Patuloy lang ang pagpasok ng malamig na hangin patungo roon.

Pinainit ko muli ang dalawa kong kamay at inilapat sa magkabilang pisngi ko. Namamanhid na kasi ito sa tindi ng lamig. Maya maya pa'y nagulat ako nang lumabas si Jian sa kanyang balkonahe. Para akong tuod habang pinagmamasdan ito sa suot n'yang pantulog na kulay puti. Payapa ang ekspresyon ngayon ng kanyang mukha habang nakatanaw sa buwan. Tinanggal ko ang mga mata sa kanya at itinuon sa iniinom ko. Humina ang malakas na pagbagsak ng yelo.

"Are you into this peaceful atmosphere?" Napalingon muli ako nang magsalita s'ya. Hindi n'ya tinanggal ang mga mata sa maliwanag na buwan. Matagal akong hindi nakaimik at muling napatingin sa hawak kong tasa. Isang puting nyebe ang dahan-dahang bumaba sa aking iniinom. Pinagmasdan ko lang kung paano matunaw ang yelo sa init ng tsaa.

"I can't sleep kaya lumabas ako saglit." Nakangiting sabi ko. Hindi na ako mapakali nang sandaling iyon.

Katahimikan ang namayani hanggang sa lumamig ang hawak kong tasa. Nang lingunin ko s'ya ay nakaupo na ito sa bakal ng balkonahe at nakataas ang isang paa habang ang kamay ay nakapatong doon. Ang aliwalas ng kanyang mukha ng gabing iyon.

"I love the rain Dawn." Nabitiwan ko ang hawak na tasa. Mabuti na lamang at makapal na yelo ang sumalo rito kaya't hindi nabasag.

"I love the rain."


ITUTULOY...

A/N: HALO GUYS! SORRY FOR THE SUPER LATE. MAY TRANGKASO AKO:( PLEASE GIVE ME MOTIVATION. VOTE AND COMMENT:)
100 COMMENTS FOR CHAPTER 10
LUV YAH ALL❤

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Where stories live. Discover now