Chapter 2: Erebus

Start from the beginning
                                    

"Hindi Clovis!" nabigla ako sa biglang pagtakbo ni Piper papunta kay Clovis ngunit bigla itong lumipad sa ere at tumilapon sa damuhan dahil sa ginawa ni Erebus sa kaniya.

Nang maiangat na ni Erebus si Clovis habang sinasakal ay nakangiti ito. Pilit namang tinatanggal ni Clovis ang kamay ni Erebus sa kanyang leeg ngunit hindi niya ito nagawa. Bago umpisahan ni Erebus ang kaniyang maitim na plano ay tumingin muna ito sa akin.

"Manood kayo!" malakas na sabi nito.

Unti unti niyang ibinuka ang kaniyang bibig pagkuway may itim na bagay siyang hinihigop na nagmumula sa mukha ni Clovis.

"Hindi! Bitawan mo siya!" sigaw ni Piper habang umiiyak.

Napatakip na lamang ako ng aking bibig ng masaksihan ko ang unti-unting pagkulubot ng balat ni Clovis hanggang sa itoy maging abo na.

"Ahhmmm...hmmmm ang sarap ng kaluluwa at kapangyarihan ng inyong kaibigan," saad nito kasabay ng paglipad ng abong katawan ni Clovis sa ere. "Hanggang sa muli nating pagkikita mga binibini." saad niya bago maglaho.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Piper. Umiiyak ito dahil sa pagkawala ni Clovis. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Lumuhod ako sa damuhan para mapantayan siya.

"P-Piper? P-pasensya na kung hindi ko nailigtas si Clovis." mahinang sabi ko sa kaniya. Kaagad niya akong niyakap. Nabigla ako sa kaniyang ginawa. Naramdaman ko ang kaniyang luhang tumutulo sa aking balikat.

"Pagbabayaran ni Erebus ang kaniyang ginawa sa kaibigan mo, ipinapangako ko 'yan sayo." saad ko sabay tapik tapik sa kaniyang likod.

Naririnig ko ang kaniyang mga mahihinang paghikbi. May kasalanan din ako sa nangyari kay Clovis...hindi ko siya nailigtas. I am a useless demigod.









Austin's POV

"May balita na ba sa pagkawala ni Secretary Lacy?" tanong ni Ethan sa akin.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa aming klase. Its 7:00 am, mataas na ang sikat ng araw. Dumadampi sa aming balat ang mainit na liwanag nito.

"Hindi pa siguro, mukhang wala naman ata silang balak na imbestigahan ang nangyari." sagot ko kay Ethan.

Sa hindi kalayuan ay nakita kong nakatambay si Luke sa labas ng aming classroom. Binilisan namin ni Ethan ang aming paglalakad.

"Hey Austin kamusta yung kagabi?" malakas na tanong ni Luke. Kaagad ko siyang pinandilatan ng mata baka marinig kami ng Council. Napatakip naman siya ng bibig.

"Opppsss...sorry so ano na?" mahinang tanong nito sa akin.

"Negative no clues and no suspect parin." sagot ko sa kaniya.

"Hey guys." nakangiting bati sa amin ni Thalia na kararating lang.

"Hey Thalia, where did you go last night? Bakit bigla kang nawala?" usisang tanong ni Annabeth.

"Ay oo nga! Iniwan mo lang kami doon sa likod." dagdag ni Luke.

"Guys I have something to tell you and I guess kailangan 'tong malaman ng presidente natin." saad ni Thalia. Napatitig ito sa amin.

"And what is it?" tanong sa kaniya ni Ethan.

"Nakapasok si Erebus sa loob ng akademya." mabilis na sagot ni Thalia.

"Ano?!" halos sabay naming tanong sa kaniya. What the...paano naman nakapasok ang matandang iyon dito?

"Hindi lang iyan, one of the student from section Demeter ang pinatay niya kaya ako nawala kagabi dahil I tried to help them." malungkot na pagkwento sa amin ni Thalia.

"Kailangan na talaga malaman ng council ang mga nangyayaring ito sa atin." giit ni Luke.

"Buti naman at hindi ka napahamak Thal." saad ko.

"I guess Erebus is also responsible sa nangyaring kay Secretary Lacy." saad ni Annabeth habang nag iisip.

"No, hindi si Erebus ang may sala sa nangyari kay Secretary Lacy may ibang salarin sa kaso ni Lacy at natitiyak ko iyan." giit ni Thalia.

"Kailangan nating masulusyunan ang problemang ito bago pa lumala ang lahat. Kung hindi gagalaw ang council tayo ang kikilos!" wika ko.

"Let me join your plan guys mukhang nakalimutan niyo na atang nandito pa ako." malambing na wika ni Kayla sa amin.

"Kayla I miss you!" bati ni Annabeth sa kaniya tsaka ito niyakap.

"Hi Kayla long time no see huh." sabi naman ni Luke.

"Alam mo naman, lumabas lang ako ng academy saglit namiss ko lang yung labas ng academy." pagkwento niya sa amin.

"Guys si Charles." mahinang wika ni Ethan sa amin. Napatingin kami sa direksiyon ni Charles na papalapit sa amin.

"Pinapatawag tayo ni President ngayon sa office niya, she will discussed some important matters about what happened last night. Hope you will come." sabi nito sa akin.

"Sige susunod na lang ako doon, salamat." sabi ko sa kaniya bago ito naglakad paalis. Inihatid ng aming paningin si Charles hanggang sa ito ay makalayo.

•••

St. Achelous Academy: The Hidden School For DemigodsWhere stories live. Discover now