Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oy! Hindi ako naghihilik ah!" Pero hindi ko na maiwasan ang pamumula ng mukha ko. Ang alam ko hindi pero kung totoo man, nakakahiya! 

"Whatever. Deny all you want. Gusto mo pa bang marinig ang kwento ko or what?" 

"Ang taray. Wag kang mag-alala next time ako naman ang mang-aasar sayo." 

"Ha. You wish." 

"Geh na. Proceed." 

"Noong narinig ni Sophia si Jace na tumawa kulang na lang magkaheart-attack na ang babaeng yun. Ewan ko, O.A lang siguro. Pero sabi ko sa kanya na masanay na sya dahil normal na pangitain na lang iyon lalo na kung palagi ka nyang kasama." 

"Dramatic." 

"Yeah right." 

"Tapos?" 

"Ginigising ka ni Jace pero ayaw mong bumangon. Pumwesto ka na nga roon na akala mo higaan mo yun eh. Pero since gabi na at pauwi na rin tayo, ayaw ka nyang gisingin kaya binuhat ka na lang nya. Bridal style pa nga eh. Haba ng hair!" 

"Dapat nagpabuhat ka rin kay Souta para masaya." biro ko sa kanya

"Nagpapiggy back na lang ako. Pero binuhat nya ako ng parang sako kagabi kasi nag-asaran na naman kami. Bwisit nga yun eh. Panira ng moment." 

Natawa ako sa sinabi nya pero nagpaalam rin sya agad. Atleast, alam kong hindi na ako nakidnap.

Lumabas ako ng kwarto at may naamoy ako na parang may nagluluto. Dumiretso ako sa may kusina. Kinukusot kusot ko pa ang mga mata ko habang humihikab. Naabutan ko si Jace sa harap ng stove na abalang nagluluto. 

"Good morning." may matamis syang ngiti sa labi nya. Sa kamay nya ay ang isang pinggan na puno ng ham at itlog. Ipinatong nya ito sa mesa sa tabi nya. 

"Tutulungan na kita." 

Pumunta ako sa harap ng mga drawers para manguha ng pinggan pero hinarang nya ako. 

"Hindi, ako na. Umupo ka na lang jan. Matatapos ko na rin ito. Isasangag ko na lang itong kanin." 

Hindi ako umupo tulad ng sinabi nya. Tumayo ako sa tabi nya at pinagmasdan ang ginagawa nya. 

"Marunong ka pa lang magluto?" nakapangalumbaba kong tanong. Ang sarap kasi nyang pagmasdan sa ginagawa nya. Ang gwapo gwapo talaga nya kahit kailan. Kung sya lang ang tititigan forever, masaya na ako.

Sa mukha nya ngayon para syang chef na seryosong seryosong nagluluto. Sa totoo lang ngayon ko lang sya nakitang gumagawa ng mga gawaing bahay tulad ng pagluluto. 

"Ang gwapo gwapo talaga ng polar ko." 

Hindi ko napigilan ang sarili at nangigigil syang kinurot sa pisngi. Kaso hindi ko namalayan na sinasagot nya na pala yung tanong ko kanina. Hindi ko tuloy naintindihan yung sinabi nya.

"Ano ulit?" Natatawa na lang ako.

"Kapag nakatira kang mag-isa. Matuto't matuto ka."

"Ahh. Di ba may maid kayo? Bakit hindi ka magpaluto sa kanila?" Iniabot ko yung maliit na platito ng sibuyas. 

"Mas gusto ko na ako ang nagluluto para sa sarili ko para mas alam ko kung ano ang kinakain ko." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon