Nakakatuwa lang na tinatarayan niya ako without knowing na mas mataray pa ako sa kanya. And oh! One more thing ay ex-girlfriend na niya ako kaya ako ang nauna. Huwag siyang magpahambog baka suntukin ko siya.

"Skray. Let's go" Malamig na sabi ni Skiel sa kanya.

"Babe naman," padabog na sabi ni Skray.

Really huh? Ganyan ba siya sa bago niya? Ang sama ng ugali. Tinalikuran na kami ni Skiel at agad na lumabas ng cafeteria. Si Skray naman ay nakatingin sa akin ng masama at tinalikuran na ako. Anong problema niya?

"Dalhin na natin si Gabriel sa clinic" biglang sabi ni Angel at agad naman kaming pumayag.

Agad naming dinala si Gab sa school clinic. Pagkapasok namin ay inaasikaso agad kami ng nurse tsaka pinaupo si Gab sa upuan.

Tinanong kami nang nurse kung ano ang nangyari sa kanya at agad ko naman kinuwento. Chismosa naman ang nurse na 'to. Hindi ba pwedeng igamot niya nalang ang nagdudugo niyang labi?

"Ayos kalang ba talaga?"

"Oo, Lhiane. Ayos na ako rito"

"Sino ba ang may kasalanan?"

"Hm, pareho kami. Hindi namin nakita ang isa't isa kaya kami nagkabanggan na dalawa"

"Liar..."Biglang bulong ko at ngumiti sa kaniya.

Nakita ko pa kung paano dinidikit ng nurse ang dibdib niya kay Gab at agad naman akong nainis. Potek. Nang-aakit ba siya o gumagamot?

Napatingin ako sa orasan at laking gulat ko na oras na pala nang klase namin.

"Mauna na kayo. May klase pa. Dito lang ako" sabi ko kina Leoren at agad naman silang ngumiti at tumango.

"Sigurado ka? Baka mamiss mo ang mga quizzes mamaya"

Aypotek. Oo nga pala. Tumango lang ako kina Leoren at agad naman silang lumabas. Excuse lang muna ako. Baka maiintindihan naman siguro ng prof. namin ang reason kung bakit.

Napatingin ako kay Gab na sa ngayon ay nakatingin na sa akin. Ngitian ko siya at lumapit sa kanya.

"Ano? Ayos kana ba?" Nag-aalala kong tanong. "Ilang tanong mo na 'yan, ha?" Mahina siyang tumawa ngunit hindi ako nadala.

"Gab?"

"What?"

"Ano...wala" Tanga mo naman, Lhi.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin. Walang emosyon ang
mukha niya.

"I'm scared," biglang sambit niya.

Nagtataka ako kung bakit. Natatakot ba siya kay Skiel? Bakit niya sinabi iyon? Duwag ba si Gab? Don't tell me na naduduwag si Gab ha?

"Huh?"

"Nothing." sagot niya at naghalukipkip nalang siya.

Umupo ako sa bakanteng upuan. Babalik lang raw ang nurse dahil may nakalimutan siyang kunin. Kahit na huwag na siyang bumalik. Naiinis ako sa babaeng yun.

"Sana hindi ka nalang pala namin dinala dito. Sa hospital nalang sana. Bwesit!" Napasinghal ako sa inis. Inis sa nurse na yun

"Why?"

"Bwesit ka kasi eh. Alam mo namang dinidikit na nang nurse yung dibdib niya sa yung katawan. Alam mo ba yun?" naiinis kong sabi at tinignan siya.

Nakatingin lang siya sa akin. Tinignan ko rin siya pabalik. Matira matibay. Akala mo ha.

"Nagseselos ka?" bigla siyang ngumisi sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Ako? Naseselos? Ewan ko.

Umiling lang ako. Grabe naman 'to. Concern lang kaya ako kay Gab.

"Bakit nga pala kayo nagsuntukan kanina ni Ski?" Tanong ko kay Gab.

"I already told you the exact reason, Lhiane."

"Nagsisinungaling ka. Palagi kang nakatingin sa dinadaanan mo," Prangka na tugon ko kaya naman napabuga siya ng hangin at sinabi ang totoong dahilan. Ilang segundo pa siya tahimik hanggang sa sumagot siya. Nakinig lamang ako sa kanya.

"Kukuha sana ako ng tubig natin pero mukhang hindi ako nakita ni Skiel dahil nagkukulitan sila hanggang sa nabangga ako ni Ski at napaupo siya sa sahig. Ang lakas kaya ng impact ng pagkabangga ko sa kanya. Hindi ko rin siya nakita eh. Totoong hindi namin nakita ang isa't isa"  Paliwanag niya at tanging tango lamang ang sagot ko sa kanya.

So wala palang may kasalanan sa kanilang dalawa. Bakit galit na galit sila sa isa't isa?

Ilang oras na kami sa clinic at mamaya pa palalabasin si Gabriel dahil sa sugat niya. Ang lakas pala magsuntok si Skiel kaya napuruhan ng husto si Gab.

Nagpaalam muna ako sa kanya na bibili lang ng makakain namin kaya pumayag naman siya. Iniwan ko siyang mag-isa sa clinic at pumunta na sa cafeteria.

Nang nakarating na ako ay pumasok ako sa loob at tinignan ang paligid. Tanging ako lamang ang estudyante dito. Pumunta na ako sa counter. Nag-order ako ng lunch namin at hinihintay ko nalamang iyon.

Ilang minuto pa ang hinihintay ko hanggang sa binigay na sa akin ito at agad naman akong lumabas. Pero pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Skiel na malamig ang tingin niya sa akin.

Napalunok ako dahil sa sobrang kaba kaya aalis na sana ako pero agad niya akong hinihila sa braso. Nagsitayuan ang mga balahibo kaya tinignan ko siya ng masama.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Alam mo ba ang ginawa ng boyfriend mo sa akin?" Tanong niya at tinuro ang kaliwa niyang mata. Oo nga, nagkapasa ito.

"Oo. Bakit?" Nagtataka kong tanong at nakita ko na kinagat niya ang labi niya. Naiinis siya.

"Pagbayaran niya ito" Saad niya at nilagpasan na ako. What the hell?

Pinagbantaan niya ba si Gab? Childish namin ni Skiel. Mukhang naiinis na rin ako sa kanya. Tama na yung ginawa niya kay Gab. Sumosobra na si Skiel ha.

Aalis na sana ako pero natigilan ako. May sinabi pala siya sa akin na nagpatawa sa akin. Boyfriend ko si Gab? Natawa ako baka ano na ang iniisip ng lalaking 'yon. Umiling nalamang ako at bumalik na sa clinic. Tawa pa rin ako ng tawa dahil sa sinabi ni Skiel. Boyfriend ko si Gab. Asa pa.

Mukhang may gustong iba si Gab. Malabong maging kami. Dahil kapatid lamang ang tinuring niya sa akin. Nang makapasok ako ay naabutan ko ang nurse na natatawa at hinahampas pa si Gab sa dibdib. Chansing talaga.

Mabilis ko silang nilapitan at hinawakan si Gab. Tinignan ako ng masama nang nurse na yun at tinasaan ko siya ng isa kong kilay.

Mukhang nabitin yata ang paglalandi niya sa kaibigan ko? Ngumiti ako ng matamis kay Gabriel at nilahad ko sa kanya ang plastic na dala ko. Nakita ko rin na mukhang nagtataka si Gab kung bakit ako ngumingiti. Oh well. Pagtripan nga natin.

"Gab kainin mo na yan. Nagtatampo ako ngayon" Malamig na sabi ko at nakita kong natigilan siya.

"Nurse. Excuse us" Sambit ni Gab at agad namang umalis ang nurse. Pero bago siya umalis ay tinignan niya ako ng masama.

Aba sinusubukan niya ako! Sana niyaya niya nalang si Gab sa hotel at doon sila maglandian. Nakakainis.

"Anong problema, Lhi?" tanong niya sa akin.

"Just kidding" Natatawa kong sagot at napasimangot naman siya.

Tumawa lang ako at ginulo ang buhok niya. Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at hindi ko yun binitawan. Narinig ko ang reklamo niya dahil ang sakit pero hindi ko iyon pinansin. Nakatingin lang ako sa labi niya. Ang ganda ng labi niya. Tinignan ko ang mga mata niya na sa ngayon ay nakatingin na siya sa akin.

Ilang segundo na kaming nagkatinginan at hindi ko alam na malapit na pala ang mukha namin sa isa't isa.

Ohmygosh! Hahalikan niya ba ako? Napapikit ako sa ramdam ko na ang hininga niya. Malapit na talaga ang mukha niya sa akin. Isang galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.

Minulat ko ang mga mata ko ay napaduling ako. Ang lapit na niya. Napapikit siya at ito na nga.

"Lhiane!"

Shit.

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now