Chapter 29 Miguel Atienza

0 0 0
                                    

Yael's POV

Dad's keeps on bugging me simula nang umalis ako sa bahay. Alam kong nag aalala na din aiya but I just texted him I'm fine.

Sa ngayon ay dito muna ako pansamantala habang gumagawa ng paraan si Sir Caleb na makumbinsi ang pamilya niya but he needs to be careful.

Hindi na din mahirap sa aking makihalubilo sa Lolo niya and he even asked me to call him "Lolo" dahil sooner or later naman daw ay sinisiguro niyang ikakasal kami ni Margaux kapag naayos na ang lahat.

Nakilala ko din ang mga tao sa bahay nila and even the two guards of Caleb pero hindi ko masasabing nagkaka intindihan na kami ni Caleb dahil hindi kami nagkaka imikan sa hapag kainan tuwing mag kikita kami.

"Lo, I'll just go to Luis and check on him. Baka kasi biglang dumating dito at ma byuda ng maaga si Margaux."

"Kuya!"

"I'm just kidding. Got to go, bye."

"Yael, Pag pasensyahan mo na si Caleb pero mabait yan. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nagawa ni Luis iyon sa inyo. I can see my son in him." Nakwento na din namin lahat ng nangyari at kahit yung pagkaka kilala namin ni Margaux. He might be shock pero we insisted to tell him para hindi na siya nag tatanong kung ano ba ang nangyari.

Nakwento na din niya ang mga pangyayari between our families at nagugulat ako sa mga kaya nilang gawin noon just for the reputation of the family. Ganoon naman di ba? We'll do everything just to make them safe.

"I understand, Lolo." Sambit ko.

"Lo, Tutal nasabi na namin sa inyo at hinihintay na lang natin sila Papá na uuwi, sana mag pagaling kayo dahil gusto ko kumpleto tayo sa kasal namin."

"Oo naman. I'll promise, nandoon ako sa kasal ninyo at kahit sa pag papalaki sa bulilit ninyo."

"Señor, Nandiyan na po sila Sir Benjie." Dumating na din ang bisita na kanina pa namin hinihintay.

"Tito!" Bati nito nang marating namin ang Sala nila. Ako na lang ang nag boluntaryo na alalayan si Lolo para hindi mahirapan si Margaux.

"I heard what happened. Ayos ka lang ba? Nag alala kami ng Tita Grace mo."

"Ayos lang po ako, Tito, Tita."

"Arnaldo?" Saakin naibaling ng tiyuhin niya ang atensyon. He knows my Dad?

"Tito, Yael po ang pangalan niya."

"I'm Sorry, I just thought... Kamukhang kamukha niya si Arnaldo." He knows my father then. "You must be his son. Hi, I am Benjamin Buenavista and this is my wife, Graciana Buenavista." Pakilala niya at tinanggap ko naman ang kamay niya.

"Glad to meet you, Sir."

"Tito, I have a question in my mind na matagal ko nang gustong itanong pero nakakalimutan ko. How did we became a Buenavista in the first place? I knew about us being a Cardinal."

"Hmmm... You might want also to ask kung paano naka survive ang pamilya natin noon. Yael, If you don't mind?"

"Ituloy niyo lang po. It's fine with me." Sagot ko.

"Okay then. It was May 23, 1980 nang nahatulan sila Papá ng tatlumpong taon sa kulungan same with your father at dadalhin na sila sa Muntinlupa para doon ma detain pero natunugan ko ang gagawin ni Redentor Ortaleza na papatayin niya sila Papá so I didn't let it happen. May mga taong tumulong sa akin para itakas sila and that midnight, inambush nila ang police station at tinakas sila Papá. Nagka habulan pa noon hanggang sa entrada ng Del Fuego but unfortunately, sumabog ang sasakyan na sinasakyan nila Papá but I didn't know it was just a trap. Naplano ang lahat and I was shocked nang makita sila sa daungan na pinag usapan namin where your mom and your brothers are. Tumakas kami at nag tago sa Malaysia pansamantala habang inaayos ang titirhan namin noon sa New Zealand at para naman sa safety ng pamilya natin, We change every names and identity that we have bago pa malaman ng mga Pulis na buhay tayo. Good thing at hindi alam ng mga Ortaleza na nag eexist pa ako kaya malaya akong nakaka kilos unlike Papá and Kuya Luciano." Woah, That was one big revelation for us. Awkward man na nandito ako but atleast I knew what happened back then. "I met a good Lawyer at inasikaso lahat ng Identity natin at nag bayad ng malaki para mabura lahat ng files natin sa Pilipinas at mamuhay na ng payapa. Your Dad's real name is Luciano and not Carlos. Your Mom's name is Camilla and not Calixta at hindi na namin binago ang pangalan ng mga kapatid mo dahil hindi naman sila kilala ng mga Ortaleza but your real name is just Clarisse not Margaux. They took it from the combination of your brother Luis and Caleb." Clarisse?

Their EndWhere stories live. Discover now