Chapter 24 A Buenavista in an Ortaleza's House.

0 0 0
                                    

Luis' POV

"Mga Inutil! Tonto! Nasaan si Tres?!" Halos sumabog akong parang bulkan nang makumpirma ko na tauhan ni Tres ang nag surveillance kay Margaux. Nag iwan pa sila ng kalat!

"Boss, Pasensya na. Hindi ko alam na papalpak ang tauhan ko." Nag dilim ang paningin ko at nilapitan siya. Binigyan ko ng suntok sa sikmura para mag tanda.

"Tres! Alam mo ba ang ginawa mo? Muntik niyo nang ilagay sa alanganin yung kapatid ko! Sinabi ko sa'yo na dalhin ninyo siya na walang gasgas pero yang tatanga tanga mong tauhan, nandamay pa ng iba! Dispatsyahin mo yung mga tao mo bago pa sila mahuli ng mga pulis at kung hindi mo magagawa yun, ako mismo ang tatapos sa'yo. Tonto!" Hindi pa ako nakuntento at pinag sisipa ko si Tres. "Tinuringan pa kitang Tres kung ganyan din lang ang trabaho mo!" Iniwan ko na sila at kailangan ko ng puntahan si Margaux.

I felt the guilt nang marinig ko ang boses niyang takot na takot sa nangyari at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Baka ako pa ang mapatay ni Papá kapag nagkataon.





Yael's POV

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tanging puting dingding at paligid ang nakikita ko.

"Nasaan ako?" Tanong ko. Nararamdaman ko pa din yung sakit ng braso ko pero hindi na gaya ng dati.

"Nandito ka na sa hospital. Sinugod ka namin kanina ni Onyx kung naalala mo?" Tila gumaan ang pakiramdam ko nang malaman kong ligtas siya.

"Mabuti na lang at ligtas ka. Si Onyx? Nasaan siya?"

"Bumili lang ng makakain. Don't worry, may mga bantay tayong pulis at hindi na tayo masusundan. May gusto ka ba? May masakit sa'yo? Gusto mong tumawag ako ng doktor?" Napangiti ako ng bahagya kasi ang kyut niyang mag alala.

"Relax. Okay na ako tsaka daplis lang ito. Gagaling din ako after several days." Assurance ko.

"Gusto mo bang itawag ko sa Daddy mo?"

"No, Please. Ayokong mag alala sila at may sakit sa puso ang Dad. Anytime, pwede siyang mag panic at atakihin. I'll be fine, Margaux, Ipapahinga ko na lang ito." Hindi nila pwedeng malaman at masama kay Dad iyon at baka sumunod pa si Dianne kung sakali dito sa ospital.

Inasikaso ako agad ni Margaux nang dumating si Onyx. I am just amaze how she takes care for me at lagi siyang nag aalala kung may nararamdaman ba ako o kung gusto niya akong magpa tingin sa doktor.

"Kayo, May hindi kayo sinasabi
Magkasama pala kayo kagabi at sa iisang kwarto pa? Ang lupet mo din, Bossing." Nasamid tuloy ako nang pakainin ako ni Margaux. I look at her at pulang pula na ang pisngi niya. Marahil, nasabi niya ito.

"Shut up, Onyx. Ano naman sa'yo?" Banat ko.

"Yiee.. Ano Ms. Margaux? Magaling ba?" Aba't ibabato ko na yung plato sa kanya e.

"Wag ka ngang bastos, Onyx! Kita mong may babae e. Palibhasa, Sanay ka na." Buwisit na taong to. Imbes na makatulong, nakaka dagdag pa ng sakit.

"Margaux? Margaux!" Isang lalaki ang bigla na lang pumasok sa kwarto namin at nilapitan si Margaux. Sino naman ito?

"Kuya!" Tinigil niya ang pag susubo sa akin at niyakap agad ang kapatid niya. Malamang, Siya yung tinutukoy niyang sundalong kuya niya.

"Damn it! Ayos ka lang? I'm here now." Kita ko ang takot sa kinilos ni Margaux at ang pag alala ng kapatid niya makes me envy them for not having someone who will also care for me like a brother.

"I'm fine, Kuya. Si Yael, Siya yung natamaan ng bala that night." Turo niya sa akin.

"Yael, Yael, right? Thank you for saving my sister pero paano mo nalaman na may sumugod kay Margaux?" Patay! Nag tinginan kami ni Onyx at hindi ko alam ang sasabihin.

Their EndDonde viven las historias. Descúbrelo ahora