Chapter 31 Luciano Vs. Arnaldo

0 0 0
                                    

Yael's POV

May ngiti sa amin na bumalik sa Mansyon at masaya pa ding nag kumwentuhan sila Tito Benjie at Dad.

"Well, Well, Well. Totoo nga ang sinabi sa akin ni Luis." Lahat kami ay nagulat nang maabutan namin sa sala ang Kuya ni Margaux at mukhang ito na ang Tatay nila. May kasama pa silang sampu na sa tingin ko ay mga tauhan at may kanya kanyang sukbit na baril.

"Ku.. kuya? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Tito Benjie.

"Bakit Benjamin? Ikaw lang ba ang may  karapatan sa pamamahay na ito? At bakit mo kasama ang mga Ortaleza na yan?!"

"Luciano." Mahina ngunit rinig ko ang boses ni Dad.

"Arnaldo Ortaleza." Nabigla kami dahil tinutok niya ang baril kay Dad.

"Kuya!"

"Hindi ko aakalain na makaka tapak ka sa pamamahay namin! Hayop ka! Ang lakas din ng loob mong pumunta dito at sinama mo pa yang anak mo!" Kita ko ang galit sa pamumula ni Señor Luciano.

"Bakit Luciano? Kinakabahan ka ba?" Kalmado lang ang tatay ko.

"Hahaha! Bakit ako kakabahan kung ang taong gusto ko nang patayin ay nasa harap ko na!" Mas lalong humigpit ang hawak niya sa baril na any time pwede niyang iputok.

"Anak! Wag!" Pigil ni Lolo.

"Papá! Bakit niyo hinahayaan na mang himasok ang mga Ortaleza? Hawak na natin sila pero hindi niyo pa pinapa patay! At ikaw Caleb! Bakit ka pa kasi nanggulo sa bahay ng mga Ortaleza nang kukunin nila ang kapatid mo?! Hindi sana mapapahamak si Margaux at si Luis!" Ngayon, si Kuya Caleb na ang sinisisi nila.

"¿Perdoné Papá? 
Bakit ako ang sinisisi ninyo? Bakit hindi yang magaling ninyong anak na sumugod basta basta kasama ng mga tauhan niya. Maayos akong pumunta sa mga Ortaleza para sunduin si Margaux at sumulpot na lang sa parang yang si Luis. Nang gulo pa at may nadamay na tao!"

"Shut up, Cale! Kinakampihan mo pa sila?! Anong klase kang kapatid? Papá, tapusin na natin ito. Nasa harap na natin sila!" Maktol naman ni Luis.

"Nakakatawa ka, Luciano. Matapang ka lang pag may baril. Bakit hindi ka lumaban ng patas?" Dad! Wag ka na mang hamon. Pinapahamak mo lang sarili mo e.

"Sinong duwag?" Binaba niya ang baril at hinamon sa labas si Dad.

"Papá! Wag!" Halos nakikiusap na kaming lahat pero wala silang pinakinggan.

"Walang makekealam. Laban namin ito!" Nag start na silang mag sparing position at naunang nanuntok ang Señor at tinamaan si Dad sa labi.

Nabawi naman kaagad ni Dad at pinaulan niya din ng suntok ang Señor.

Hindi naman kami maka awat dahil napapalibutan sila ng mga kasamahan niya na anytime pwedeng mag shoot to kill dahil nga dapat walang makekealam

"Arnaldo! Luciano! Tama na yan!" Pag mamakaawa ng matanda pero walang nakikinig.

"Sa tingin mo talaga Luciano ay makaka ganti ka na?!" Sinapak ito ni Dad sa tagiliran.

"Demonyo ka, Arnaldo! Mamamatay muna ako bago ka mag tagumpay!" Sinapak naman ito ng Señor.

"Demonyo? At ako pa ang demonyo ngayon? Sinong dahilan ng pagka wala ni Tiya Irma? Ang pagkamatay ng aking asawa? Ang kahihiyan ng pamilya namin? Ang pagkamatay sa sakit ng loob ng aking mga lolo at lola?! Sabihin mo ngayon kung sino ang demonyo sa atin!" Nainis ang Señor kaya bumunot siya ng baril na mabilis naman naming napagitnaan dahil mag papatayan na sila. Inawat namin amg bawat isa bago pa may mangyari.

Their EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon