Chapter 28 Kampihan

0 0 0
                                    

Yael's POV

Dalawang araw mula nang insidente ay nagising na din si Tito Reden but I didn't manage to visit him dahil baka masama ang loob niya sa akin knowing my girlfriend is their mortal enemy. Ano namang mukha ang ihaharap ko sa pamilya ni Gab kapag pumunta ako doon. Ilang beses na din akong binalaan ni Dad na layuan si Margaux at lahat ng magandang bagay na nakita niya kay Margaux ay nawala na lang na parang bula.

Pumirmi lang ako sa bahay at nag hihintay ng update sa ospital. Tita Elina and Gab didn't left him unfortunately to Primo, He's in Switzerland for his Internship at hindi basta basta pwedeng umalis kaya hindi niya madalaw ang Dad niya but I know, alam niya ang nangyari.

Mabuti na lang at wala ako sa Ospital kundi makikita ko doon si Dianne. Nanay just updated me nang bumisita si Ninong Danillo sa ospital kasama si Ninang at si Dianne. She might curse me at ako ang sisihin niya kung bakit nangyayari yun kay Tito.

I just don't know what to do now at gusto ko na lang na iwan ang lahat at sundan si Margaux sa Batangas pero mukhang napaka selfish ko naman kapag ginawa ko iyon. We are in the middle of a war and yet I'll just leave like that? I'm not like Margaux who is very straightforward and knows what she really wants at kapag ayaw niya ay ayaw niya.

"Anak, mag kape ka muna." Napansin pala ni Nanay na nasa Nipa Hut ako sa labas habang nag iisip.

"Nay, Bakit ganoon? Bakit kailangang mangyari lahat ito?"

"Hindi ko din alam ang sagot diyan, Anak. Diyos lamang ang nakaka alam pero mag tiwala tayo sa kanya. Naaalala mo ba siya?"

"Sinungaling ako kapag sinabi ko pong hindi." She seat besides me.

"Minsan ang pag ibig hindi natin makokontrol. Hindi naman siguro niya intensyon na palalain ang sitwasyon pero kahit pa man hindi ninyo alam ang nangyayari, baka kailangan ninyong umiwas sa Isa't isa alang alang sa dalawang pamilya."

"Parang hindi ko po kakayanin, Nay. Napamahal na po sa akin si Margaux at alam niyo pong hindi siya katulad ng kapatid niya." Depensa ko.

"Alam ko yun, Anak pero kailangan mo ding isipin ang pamilya mo, ang sakripisyo ng Mamá at Papá mo para lang maging mapayapa ang buhay ninyo. Hindi masamang mag mahal pero kapag pamilya na ang naiipit dito? Minsan, kailangang magparaya." I was speechless about her advices at mas lalong nalito ang utak ko. Iniwan na muna niya ako dahil gusto ko din mapag isa at mag isip.

Napansin kong bumukas ang gate at niluwa nito si Gabriel na pumapasok sa bahay kaya agad ko siyang sinundan sa loob.

"Gab!" Mas lumapit pa ako para magka intindihan kami. "Kamusta na si Tito?"

"Ayun, Nagpapahinga. Baka mailabas na siya bukas o sa makalawa." Plain niyang sagot.

"Gab, Are you also affected of what happened?"

"Oo naman. Pamilya ko ang inaakusahan ng mga Cardinal and my father is in the Hospital. Hindi lang talaga ako makapaniwala na... Na Cardinal si Margaux."

"But, hindi naman siguro nag bago ang pag tingin mo sa kanya? Di ba? O baka galit ka na din sa kanya just like Dad and your father."

"I don't know, Dude. Big deal ang pamilya nila at mas lalo na sa'yo dahil sila ang dahilan kung bakit naulila ka sa Ina. Do you still want to continue this with her?" Mukhang bumabaliktad ang prinsipyo niya sa dating pagka hanga niya kay Margaux.

"I.. I know how painful it is na sila ang dahilan ng pagkamatay ni Mommy pero walang kinalaman si Margaux doon. You know her more than I do, Gab." He just sigh at hindi maka tingin sa akin.

"I don't know anymore. I knew her as Buenavista but not a Cardinal. One advice, Please, tapusin mo na lahat ng ugnayan ninyo and it might help us all to recover what happened here. Madami naman aiguro diyang iba kahit hindi na din si Dianne as long as walang sabit at hindi makakatapak ng pamilya." What?

Their Endحيث تعيش القصص. اكتشف الآن