Chapter 6 Itakas

0 0 0
                                    

Arnaldo's POV

"Ang ibig mong sabihin, may isa pa tayong kalaban?" Tanong ko kay Redentor habang nagpapagaling ng sugat niya.

Nagulat ako nang maka uwi siyang halos bugbog ang katawan at dahil daw ito sa ingkwentro nila malapit lang sa munisipyo.

"Hindi ko alam pero pangalawang beses na ito. Ang una ay yung may nag report sa Hacienda na pagtatangkang sunog at pangalawa yung kanina. Hindi namin namukhaan dahil naka tago ito sa parang." Maswerte pa din pala kami sa pagkakataong ito ngunit sino?

"Mabuti na lang at hindi ka napuruhan. Mukhang kailangan na nating palabasin muna ng bansa sila Papá." Hindi na ligtas dito at kahit madami kaming tauhan, walang kasiguraduhan ang mga buhay namin sa tuwing lalabas kami.

"Aalis? Hindi ako aalis." Narinig ni Papá ang usapan kaya nagmakaawa ako sa kanyang umalis na.

"Pero Papá, hindi ligtas dito. Magpapa book na ako ng flight ninyo bukas na bukas din. Kayo nila Elina at ng anak ko." Pag pupumilit ko. Matanda na si Papá at kung nagkataon, malaking gulo kapag pati sila madamay ulit.

"Hindi! Sila na lamang ang umalis dahil mas kailangan nila iyon. Maiiwan ako dito." Talagang matigas ang ulo ni Papá. Kung kailan tumanda ay kailan naman naging makulit.

"Papá, makinig ka na lang sa amin. Kami ang haharap sa kanila at dapat bukas na bukas ay naka lipad na kayo." Pagmamatigas naman ni Redentor.

"Laban ko ito, para sa tiya ninyo at kay Salve. Kaya ko pa at gusto kong ako mismo ang humarap kay Julio Cardinal!" May pag didiin ni Papá sa pangalan ni Julio Cardinal.

"Pero Papá, Tama sila kuya, Iwan niyo na lang ito sa amin. Padating na ang mga private army na pinatawag namin." Singit ni Diego na nakaupo na sa tabi ni Reden. Mukhang naalimpungatan sa sagutan namin dito sa sala.

"Sasama ka sa kanila, Diego. Ayokong pati ikaw ay madamay dito." Bata pa si Diego at malapit na din ang klase niya.

"Pero kuya?"

"Wala ng pero pero, Sasamahan mo sila bukas ng madaling araw pa maynila at gusto kong protektahan mo sila. Papá, Kung gusto mong maiwan then fine basta dito ka lang sa bahay. Kami nang bahala ni Redentor sa mga Cardinal." Pasensya na ngunit kailangan kong masunod sa araw na ito. Kailangan kong protektahan ang pamilya ko.

Madaling araw pa lang ay pinaalis ko na sila Elina kasama ng mga escort nila at si Diego. Doon na muna sila kina Mamá habang hindi pa maayos ang lahat. Hindi naman araw araw ay may gyera dito sa Del Fuego. Nagkakataon lang na tuwing nagkakasalubong ang pamilya namin ay siya ding banat nila sa amin. Malaya pa kaming nakakalabas ngunit doble ingat pero hindi na namin kailangang hintayin na may mawala ulit bago kami maging handa.

Kung aalis kami ay mababali wala lang ang pagkamatay ni Salve kaya pinagpatuloy namin ang trabaho dito. Minonitor ko ang Hacienda gaya ng bilin sa akin ni Papá samantalang inaayos na ni Redentor ang pag tatransfer ng mga titulo sa mga lupain namin dito. Ipinatuloy ko na din ang proyekto ko para sa mga mangagawa ng Del Fuego dahil sa ngayon, kailangan namin ng suporta mula sa taong bayan.

"Milagro ata, Hindi tayo binulabog ng mga Cardinal." Bungad sa amin ni Reden sa hapag.

Dalawang linggo mula nang nangyari ang ingkwentro ay walang paramdam ang mga Cardinal ngunit patuloy pa din ang kasong hinahain namin sa kanila.

"Nahabag na siguro ang buntot ng Julio na iyon." Dagdag naman ni Papá na mukhang kinatuwa pa niya.

"Wag tayong pakakasiguro, Tahimik sila dahil baka may pinaplanong iba. Reden, sabihan mo ang mga tauhan natin na higpitan ang siguridad dito sa bahay, sa proyekto natin, at sa mga Hacienda natin. Hindi pwedeng maging kampante ang lahat." Bilin ko.

Their EndWhere stories live. Discover now