Chapter 2 Cardinal

5 0 0
                                    

Julio's POV

"Kuya, narinig mo na ba ang balita? Nag balik na daw ang mga Ortaleza at sabi sa akin ng iba nating trabahante na nagkasiyahan daw sila Kagabi sa Mansyon ng mga Ortaleza. Ano pang ginagawa natin? Hindi ba natin sila reregaluhan ng paunlak o pwede nilang ika gimbal?" Hawak ang baso ng serbesan, Napa ngisi na lang ako sa balita ni Enrique.

"Enrique, Hayaan mo lang silang magpaka saya dahil huli na iyon. Nag deklara sila ng gyera simula nang tumungtong ulit sila dito kaya iyon ang ibibigay natin sa kanila. Naalala ko tuloy ang ginawa ko sa kapatid ni Sandro na si Irma, mas masahol pa ang gagawin ko sa pamilya nila. Walang pwedeng mag lapastangan at mag maliit sa mga Cardinal. Enrique, gusto kong mag hanap ka ng taong pwede nating gawing espiya sa mga Ortaleza, kailangan kong malaman ang bawat kilos at galaw nila at sa paraang iyon, pipilayan natin sila isa isa para malaman nila na mali ang binabalikan nila." Utos ko. Alam kong bumalik ang mga iyon para mag higanti at inaasahan ko na iyon.

"Masusunod, Kuya. Paano si Luciano?"

"Matalino si Luciano. Magka abirya man ay hindi tayo pababayaan ni Luciano kaya wag mo na siyang intindihin, ka alyansa pa din natin hanggang ngayon ang gobyerno."


Matagal kong hinintay ang pag tutuos namin ni Sandro. Matanda man ako ngunit gagamitin ko lahat ng lakas ko para lang iparating sa kanila na ako si Julio Cardinal at walang sino man ang bumabangga sa akin at kung mayroon man, gagawin kong impyerno ang buhay niya kasama ang pamilya niya.


"Papá!" Naudlot ang pag uusap namin ni Enrique nang biglang may pumasok sa aking silid.

"Benjamin!" Naguhit ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko si Benjamin kaya't sinalubong ko siya ng yakap at ganoon din si Enrique. "Hindi ka nag pasabi na darating ka, sana ay nasundo ka namin sa paliparan."

"Hindi na Papá, malaki na ako at kaya ko namang umuwi and besides, alam ko namang busy ang mga tao dito." Kita mo itong batang ito.

"But not me, Hijo." Singit naman ni Enrique.

"Tiyo Enrique talaga. Nga pala, may mga bitbit akong mga antique para sa inyo Tiyo, tignan mo na lang sa maleta ko mamaya. Kamusta naman ho dito Papá? Winter at off na din namin doon kaya umuwi muna ako para magpa init man lang, masakit sa ulo ang lamig ng Amerika." Kwento niya. Isang taon din kaming hindi nagkikita ng bunso kong anak at Oo, doon siya sa Amerika naninirahan at nag tatrabaho bilang Arkitekto ng isang malaking Realty Company.

"Hindi ba nasabi ng kapatid mo? Nag balik na ang.." Hindi ko pinatapos si Enrique at binago ang usapan.

"Nag balik na ang mga lakas ng mga kabayo natin. Pwede mo na ulit silang masakyan lalo na si Leon." Kita ko ang tuwa sa mga mata niya dahil paboritong paborito niya ang pangangabayo.

"Ganoon ho ba? Mabuti naman po kung ganoon pero baka sa mga susunod na lamang na araw, Papá. Magpapahinga na muna ako dahil napagod ako sa biyahe. Mabuti na lamang at pumayag ang boss ko na mag leave ako ng kahit isang buwan."

"Bakit ba kasi hindi ka na lang dito at tulungan ang Papá mo sa negosyo ninyo? Sayang naman ang Hacienda Cardinal at ang..."

"Ang alin? Yung bentahan natin ng mga bala't baril? Granary at Factory? Tiyo naman, hindi ko linya ang pag nenegosyo pero maaasahan ninyo ako sa pag dedevelop ng mga negosyo natin." Hindi na nga talaga nag babago ang desisyon niya.

"Nagbabaka sakali lang kami ng Tiyo Enrique mo. Matanda na ako anak at ikaw na lamang ang inaasahan ko dahil iba din ang ginagawa ng kapatid mo." Pakiusap ko noon hanggang ngayon. Kaya ko namang ipasa kay Luciano lahat ng ito kung ayaw talaga ni Benjamin ngunit may balak pang tumakbo bilang gobernador si Luciano at hindi niya mahaharap ang lahat ng ito. Mabuti na nga lamang at nandirito ang kapatid ko.

Their EndWhere stories live. Discover now