Chapter 10 Isang Linggong Pag-Ibig I

0 0 0
                                    

Yael's POV

"Man! Ang sakit ng ulo ko, may pain reliever ka ba diyan?" Iyan na nga ba sinasabi ko e. Ipinahanda ko na ang Kape, Pain Reliever at malamig niyang tubig bago pa siya nagising at may lakad daw ang buong Ortaleza mamaya.

"Here, ipinahanda ko na. Get up, breakfast is ready any minute now. May lakad tayong lahat." Balita ko. Wala naman akong hang over since di naman talaga ako mainom so I settled just for 2 cans.

"Say, What? Saan daw? Ayokong lumabas ng bangag, dude." I know, me either.

"Bilisan mo na diyan, mauuna na akong bababa." I left him after I do my daily morning routine. Naabutan kong palakad lakad mula sa kusina si Tita Elina then to the dining area. Is she cooking?

"Tita mommy, Bakit kayo ang nag luluto?" When I was Five, I thought she was my mommy kapag nakikita ko ang solo picture niya sa photo Museum namin but my dad always insist that she is my aunt so I decided to call her Tita Mommy kapag umuuwi sila and that is fine with her hanggang ngayon.

Sabi nga ni Dad na siya daw ang nag alaga sa akin when I was one hanggang mag two years old ako bago sila umalis ng Del Fuego to live in Manila kaya no wonder that I still have an attachment of her being one of my parents way back.

"Gising ka na pala. Yes, I am cooking, nakita mo ba si Gab?"

"Yup. Sa kwarto ko po natulog. Hmmm..." I smell something coming out from the kitchen.

"Pancakes, Bacon, Eggs, and your all time favourite.." pagmamalaki niya wearing her beautiful smile.

"Vegetarian Dumpling and Chinese Fried Rice." Pag tutuloy ko. Hindi talaga siya nakaka limot and guess what? She is the best cook ever. Kung nandito si Mommy, siguro magka sundo sila.

"Hon, Bakit ikaw ang nag luluto? Yael, Where's your maids?" Gising na din pala si Tito Reden.

"Hon, Ako may gusto nito. Come, join us for breakfast." He sigh and grab a newspaper instead. Bumaba na din sila Primo at Gab na mukhang masakit pa ang ulo nung isa.

"Uhmm, Where's Dad?" Hindi ko siya namalayang bumaba.

"Nauna na. May inasikaso for our investors. By the way, I want you all to prepare dahil may pupuntahan tayo. Primo, make yourself appealing and fine dahil madaming tao ang makaka kilala sa iyo and good start yan for your candidacy next year." Utos ni Tito Red habang nag babasa ng diaryo. Kahit kelan talaga, di mo makitang ngumiti ang tiyuhin kong 'to. No wonder that Primo is his great replica.

"Yes, Dad." Kalmado niyang sagot. Mukhang tuloy na tuloy na ang pag takbo ni Primo.

After the breakfast, We prepare ourselves sa hindi ko alam na dahilan. They didn't even told us where to go. I just texted Dianne good morning and I'll make up to her later after ng kung ano mang lakad ito. Kailangan kong sulitin ang isang linggo niya.

I and Gab share in my car at sa kanila naman sila Tito. Hindi ko na pinag maneho si Gab dahil baka sa langit pa kami mapunta. Hindi ko man alam ang pupuntahan, basta sumusunod na lang ako kina Tito and that explains where we will go.

"Fiesta pala dito e." After a twenty minute ride, We attended a Fiesta from other barangay kung saan nakatira sila Billy.

Dumeretso agad kami sa venue ng fiesta at ito ay ginanap sa isang rancho na pagmamay ari ng kooperatiba. Madaming taong nag kumpulan at nag hihintay sa harap ng entablado bago mag simula. Maraming naka tayong bilihan, banderitas, mga palaruan at kung ano ano pang tipikal na makikita kapag piyesta.

Their EndWhere stories live. Discover now