Chapter 23

1K 35 1
                                    

That night tumawag si Mom sa akin. I nervously answered her wondering if may sinabi na ba si Kara.

"Hi anak! How are you?" Nakahinga ako ng mabuti dahil sa tono niya. She sounded unproblematic kaya tinupad nga ni Kara ang usapan namin.

What she meant by saying na sasabihin niya kapag may hindi kaayaayang mangyayari still remains as a big question for me.

"Ayos lang naman, mom. I was wondering kung kailan ako pwedeng bumalik na?" Ang iilan ko kasing kaklase ay nag-aapply na sa iilang mga kompanya. Mom told me naman na kapag ga-graduate raw ako ay tutulungan niya akong maging familiar sa kompanya namin.

This time, she chuckled nervously. "May konting inaayos pa ako dito, I'm just confirming some stuffs about someone at pagkatapos nito'y pwede ka ng bumalik. I can't wait to have you back!"

Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Mom until we both decided na kailangan na nga naming magpahinga. Dahil medyo napuyat ako ay late na akong nagising. Mag-aalas dose na sa tanghali at mas lalo pa akong natagalan dahil wala pa palang nagluto ng tanghalian dahil lahat sila ay may lakad.

I had to rush everything para makaabot ako sa covered court ngayon. Sa pagkakaalam ko kasi, may game ang mga kasali sa basketball clinic ngayon.

The covered court was already packed nang makaabot ako. Punong puno na iyon ng mga tao while the players were already warming up. Dahil wala rin naman talaga akong naging close noong College ay medyo nahiya ako nang nakatayo lang ako sa gilid habang naghahanap ng mauupuan.

I spotted Kobe on the other side of the covered court, may nagpapapicture sa kanya at in-entertain niya nga sila. Nang makita niya ako ay nagpaalam siya sa mga fans at sinimulan na ang paglalakad.

May biglang humarang sa aking paningin and I looked up to see na si Theo pala iyon. He didn't have the usual smile that he had on his face every time we see each other.

"Hi Theo! Maglalaro ka? Good luck!" I said pagkatapos kong makita na nakasuot siya ng jersey.

"Totoo ba?" Diretsong tanong niya.

Kunot noo ko siyang tiningnan. "Anong totoo?"

"Kilala mo pala si Kobe?" he asked me directly. Nang tumango ako ay mas lalong kumunot ang kanyang noo.

"I didn't really know na kilala ko pala siya. I just remembered when I saw him," I explained. My amnesia wasn't a secret in this place kasi. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pang sabihin iyon.

He took a gulp before he leaned in slightly at gulat naman akong napahakbang pabalik. "Kayo ba?" He asked.

"Cañeta! Bumalik ka na sa team mo!"

Kobe's deep voice rumbled dahil sa ginawa niyang pagsigaw. He was still halfway through the court kaya medyo marami rin ang nakarinig sa sinabi niya.

Theo turned red before heading over back to his team.

Bumaling ako kay Kobe na nagpatuloy sa paglalakad palapit sa akin. Dahil tuloy sa ginawa niya ay mas marami na ang nakatingin.

"Why did you have to do that?" I whisper-shouted at him. Pwede niya naman kasing maayos na sabihan si Theo na bumalik but instead ay sumigaw pa siya at napahiya pa tuloy si Theo.

Nagtitimping nakatingin si Kobe sa kinaroroonan ni Theo na pasimple pa ring lumilingon sa direksiyon namin habang ipinapatuloy ang pagwa-warm up.

"He violated your personal space! What was I supposed to do? Just watch?" matigas niyang ani.

I folded my arms habang sinasalubong ang masamang tingin niya. "Well, I have a vague memory na ikaw pa nga ang palaging nang vi-violate ng aking personal space." I said smugly.

A Game of Luck//Kobe Paras FFWhere stories live. Discover now