Chapter 10

1.6K 39 7
                                    

Nang makarating kami sa Davao ay agad akong nagpadala ng text kina Kara at Mommy na kakarating na namin. Habang hinihintay ang mga gamit namin ay binuksan kong muli ang phone ko para mag livestream sa laro.

4th Quarter na but UP was trailing DLSU by a few points. Kahit wala doon ay kabang-kaba pa rin ako. Naramdaman ko ang paglapit ni Kuya sa akin, na-curious siguro sa tinitingnan ko.

"Sigurado ka bang basketball ang tinitingnan mo, Cie o ang players?" panunusko niya.

Inirapan ko siya. "Kuya! It's my school, I have to support them ano ba." Natatawa akong umiling sa sinabi niya. Kung alam mo lang kuya, kung alam ko lang.

Tied na ang laro with less than a minute to remaining. Ang ingay na rin ng crowd na dinig na dinig sa livestream. Hawak na ni Jun ang bola at ramdam ko ang kaba ng lahat ng mga nanonood. Nag bounce pass siya and then the ball was immediately in Kobe's hand at nag dunk siya.

Napasigaw ako sa tuwa. Because of that, nakuha nila ang lead! I heard Kuya murmur his approval of that move habang tinitingnan namin ang replay nito sa iba pang angle.

In that moment I received a text from Kara.

Kara:

KITA MO YON?! ANG GALING NG KOBEBE MO!!

I cringed inwardly at the word "Kobebe". Ang weird talaga nitong si Kara! Dahil ginagamit ko ito habang dumating ang text ay nakita ang preview ng text sa taas ng vid.

Agad akong kinabahan nang maalalang nakatingin pala si Kuya. "Gaga talaga tong si Kara," I nervously said. Mukha namang naniwala siya sa sinabi ko dahil pinalampas lang niya kaya nagkibit balikat na lang ako.

Dumiretso na nga kami sa tutuluyan namin para sa gabing iyon. Hindi ko na pinansin pa ang aking cellphone the rest of the night. Nakinig ako sa instructions ni Kuya who acted as the leader of our group. Sabi niya'y iisa-isahin raw namin ang evacuation sites and na we'd cover as much as we can. Bukas umano'y babiyahe kami papuntang Cotabato, which is the most heavily-affected area.

Sa gabing iyon, binasa ko ang texts ni Kara bago pa ako matulog. Pero pinagsisihan ko ring ginawa ko iyon dahil nahirapan tuloy akong makatulog.

Kara:

I ate at a nearby restaurant, okay lang naman kasi wala ka dito :(
HSJDDNG nandito UPMBT
Hanggang ngayon hinahanap ka pa rin ni Kobe
Ayan na tumayo na papunta rito magtatanong na
Tinawag na ako, ayan na!!
Hindi niya tinuloy ang tanong
Ingat ka diyan Cie!

It was a Tuesday at pupunta kami ngayon sa Tulunan para magbigay ng tulong sa mga taong bumalik na sa kanilang mga bahay. Ayon pa sa mga nakausap namin na hindi na raw madalas ang lindol sa mga nagdaang araw kaya bumalik na ang iilan sa kanilang mga bahay.

Maraming mga gusali at bahay ang nasira o bahagyang nagkaroon ng crack. We settled near the outskirts of the town at doon na muna nagpahinga at nag breakfast. Eksaktog alas nuebe na ng umaga nang nakareceive ako ng request to FaceTime mula kay Kara.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko pa ba but in the end, sinagot ko rin.

Pumasok ako sa tent na nakaset-up at nilagay na muna ang phone sa mesa. Inabot ko ang tali sa buhok at nilagay ang buhok sa isang bun. Hindi ko na inisip na hindi ito naayos at may mga parte pa ng buhok kong hindi nasali.

Mainit kasi at basang basa na ako ng pawis.

Kinuha ko na ang cellphone ko at bumungad sa akin ang mukha ni Kara. Once again, she was grinning like an idiot. In that moment, alam ko na kung bakit FaceTime ang gamit niya.

"Hi Cie!!" halos isinigaw na niya. Niliitan ko siya ng mata. Her greeting is never this cheerful na para bang ilang taon na kaming hindi nagkita.

"Ba't napatawag ka?" suplada kong sinabi.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon