Chapter 5

1.6K 53 37
                                    

That night we had dinner sa isang seafood restaurant malapit lang rin sa resort. Habang kumakain kami may napagtanto ako.

"Know what, if this is what we keep on doing everytime nagkikita tayo, tataba ako." I said as I finished my 2nd cup of rice. Bumaling ako sa waiter para humingi ng isa pang cup at agad niya namang ibinigay iyon.

"Good." wika niya. Kinunotan ko siya ng noo. What does he mean by 'good'? "You're so thin, you need to eat more." dagdag pa niya.

Ngumuso ako sa sinabi niya at nagpatuloy na lang sa pagkain. After eating, bumalik na kami sa baybay. It was already late by then kaya wala na masyadong tao. Iilang staff at turista na lang ang naglalakad.

Umupo kami sa isang kahoy na nakahulmang magmukhang upuan. It formed a circle with a big hole in the middle kung saan nakalagay ang isang camp fire.

Nag-usap kami hanggang tuluyan nang nasa tuktok ng kalangitan ang buwan. It was already past midnight.

I stretched my limbs habang hawak hawak ang jacket ni Kobe na ipinahiram niya sa akin. Nakalimutan ko kasing kunin ang jacket ko kanina sa room pagkatapos naming umahon mula sa dagat. At kanina'y gininaw ako lalo na't ang suot koy simpleng dress lang kasi nga light clothes lang ang nilagay ni Kara. He then gave me his jacket at nagpatuloy ang kwentuhan namin.

Tumayo siya and offered a hand kaya tinanggap ko iyon. Pumatong ako sa upuan para medyo mapantay naman ang height namin.

His hands wrapped quickly around my waist sinisigurong hindi ako mahuhulog.

"Why are we here again?" tanong kong muli.

Dahil nakatalikod ako sa kaniya ay iniharap niya ako. He had an amused look on his face as he sudied mine.

Nilapit niya ang kaniyang mga labi sa aking tenga at bumulong, "it's my birthday."

I gaped at him. Of all the things na pinag-usapan namin the past days hindi ko man lang natanong kung kailan ang birthday niya.

"Seryoso ka ba??" i asked him, still in shock.

"Yep." Sagot niya.

Nanlaki ang aking mga mata at hinawakan ko ang kaniyang balikat. I slightly shook him. "Bakit hindi mo sinabi?" I shouted in a whispery voice.

He chuckled lightly. "Kakasabi ko lang." He shrugged.

Pabiro kong hinila ang goatee niya but he only laughed more. He gave out a hearty laugh that I would've recorded kung pwede lang. I could listen to that all day.

"Paano na 'yan? Wala akong regalo!" nag-aalalang sabi ko. Siya pa naman tong may birthday tapos siya pa ang nanlilibre sa akin.

"I'm already satisfied." He said pagkatapos niyang tumawa. His cheeks still held a ghost of his smile. He glowed differently when he was happy.

Sasagot pa sana ako nang bumahing ako. It's always been like that ever since I was a kid. Kapag malamig ang lugar ay sinisip-on ako. That's why I have a love-hate relationship with traveling to other countries.

Buti na nga at naiwas ko ang pagbahing sa mukha ni Kobe. The ghost of his laughter quickly faded from his face m, it was replaced with concern. "What's wrong? Should I buy you medicine?" tanong niya. His gaze searching.

"I'm okay. Ganito talaga pag malamig. Itutulog ko lang ito and I'll be good bukas." sagot ko naman.

Inalalayan niya ako sa pagbaba at bumalik na kami sa beach house. Nasa loob na ako ng kwarto ko habang nakaabang naman si Kobe sa labas ng nakabukas kong pinto. "Are you really sure na hindi mo kailangan ang anumang gamot?"

A Game of Luck//Kobe Paras FFWhere stories live. Discover now