Chapter 8

1.5K 42 13
                                    

Habang hinahanap namin ang mga magulang ng bata ay mabilis na muna akong nagtipa ng text at ipinadala iyon sa mga pamilya kong nabalitaan na siguro ang sunog. I also sent one to Kara.

The place was a step away from being a market.  May mga batang umiiyak sa gilid ng kanilang mga kasama habang may mga nakatulala naman. Some were not so fortunate as us. May mga na-rescue na duguang ipinasok sa ambulansiya. Some adults were also crying habang hinahanap ang iilang mga kakilala.

I was also a step away from breaking down. Pakiramdam ko ay bibigay ako kung hindi lang ako okupado sa paghahanap ng mga magulang ng bata.

"Ma!" pagtawag ng bata at tumakbo sa isang babaeng mugto ang mga mata sa kaiiyak. She was so relieved when she saw her son.

Mas lalong lumakas ang kaniyang hagulhol habang yakap ang anak. Matapos niyang kinausap ang anak ay niyakap niya rin ako bilang pagpapasalamat. I told her it was okay at umalis na nga.

Hindi pa pinapayagan ng management na kunin ang mga sasakyan sa ilalim dahil delikado raw kaya wala na akong ibang magawa.

Tumawag muli si Mom kaya sinagot ko. She was hysteric habang kinukumusta ako. I felt the tears try to get away dahil sa paghi-histerya ni Mom. Ito kasi ang pinakahindi ko gusto, ang mag-alala siya.I wrapped my arms around myself dahil sa ginaw.

Nakita kong papalapit ulit si Kobe sa akin. Bakit nandito pa siya? Hindi ba't umalis na siya?

May dala siyang damit sa kaniyang kanang kamay. Mabilis siyang nakarating sa harap ko at nang makitang may kausap ako sa phone ay hindi na muna ako inistorbo.

"Ano bang klaseng kind of manging iyan! Kilala mo ba ang manager at nang makausap ko!" Nagagalit na si Mom kaya hinilamos ko ang aking mukha. I felt my top rise at nakita ang puson ko kaya agad ko itong binaba lalo na nang nakitang nakatingin si Kobe.

His eyes turned more menacing.

"My naman! Kumalma ka muna, I'll let you choose kung saang condo ako titira next time depende kung saan ka panatag but kumalma ka muna please! Baka anong mangyari sayo." I said frustrated.

Naglilitanya pa rin si mama but I let her be. Mas mabuting nilalabas niya ang galit ngayon kaysa naman mas ma stress pa siya sa mga susunod na araw.

Naramdaman ko ang kamay ni Kone sa aking siko. He tugged at me gently kaya nilingon ko siya, eyebrows raised.

He looked at me, exasperated. Diretso niyang isinuot ang dalang sweater sa aking ulo. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa gulat but he only ignored me. Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay na walang hawak na phone at inilusot iyon sa kaliwang butas.

Wala sa sarili kong kinuha ang phone para maipasok na naman ang kanang kamay ko. I don't even understand why I'm letting him do this when kaya ko naman!

Dahil sa laki nito, it covered half of my thighs pero nahuhulog naman ang sa balikat na bahagi at nag mimistulang off-shoulder sa isang bahagi. I was thankful dahil mas mataas pa ang sleeve nito kaysa sa haba ng arm ko kaya natatabunan ang aking kamay na nanlalamig na rin.

Natulala ako habang nakatingin kay Kobe as he eyed what I was wearing now. "Cieraphine! Nakikinig ka pa ba?" malakas na tawag ni Mom.

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil sa gulat. "Yes my, nakikinig pa ho." wala sa sariling sabi ko.

Ipinagpatuloy ni Mom ang mga sinasabi habang tinitingnan ko naman si Kobe na tinitingnan ng masama ang suot. Is this not enough? Komportable na naman ako ah?

He groaned in frustration at kinabahan pa ako kasi baka narinig ni Mom pero hindi naman sya tumigil. Sinubukan niyang itinaas ang bahagi ng balikat ng sweater na nahulog at ipinatong iyon sa aking balikat pero nahulog ang kabilang bahagi.

A Game of Luck//Kobe Paras FFWhere stories live. Discover now