Chapter 7

1.5K 51 16
                                    

Bumaba na kami mula sa aking sasakyan pagkatapos ko itong i-park. We were currently here in Araneta para suportahan ang UP against NU.

Roughly two weeks since that scene in the restau at simula nga noo'y sa malayo na kami kumakain ni Kara. And since then, there have been no unnecessary encounters post-game.

Nagpatuloy pa rin naman ang mga pagkikita namin sa campus pero once again, umiiwas na naman ako. I guess it's gonna be like that until we graduate.

Papasok na sana kami nang may kumalabit sa akin. I turned around to see a tall chinita girl. She looked so anxious habang may dala-dalang dalawang container ng marahil ay tubig.

Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala ang pangalan.

"Hi ate! Ewan ko kung naaalala mo pa ba ako kasi ang bata pa natin since last tayong nagkita but I'm Pia pala. Pia Ildefonso." she said smiling. Parang may light bulb na umilaw sa ulo ko. The Ildefonsos were a family friend pero dahil nga naging busy ang dalawang pamilya ay di na kami masyadong nagkikita pa. As far as I know, may pagkakataong nagha-hangout sila but hindi ako nakakasama.

"Ay oo nga pala! Ang taas mo na ha." ani ko.

Tumawa lamang siya sa sinabi ko at inabot ang dala. "Ate, pakibigay na lang po kina kuya oh. Nagmamadali pa kasi ako."

Mabilis kong kinuha ang inabot niya. "Sure."

"Thanks ate! See you some time!" nagmamadali ngang sabi niya bago tumakbo paalis.

"Hindi mo naman sinabing magkakilala pala kayo ng mga Ildefonso." ani Kara.

"Nakalimutan ko kasi. Hindi naman ako masyadong active sa mga gatherings nina mama at ng friends niya kasi nga maraming ginagawa." I shrugged.

Nang tuluyan na nga kaming makapasok sa loob ay nagwa-warm up pa ang dalawang teams. I spotted Kobe with the rest of his team. A part of me thinks that I'd never get over how sayang our friendship is.

Bumaling naman ako sa side ng NU. Nasa kabilang banda ng court si Dave kaya naman hinanap ko na lang si Shaun.

Ngayong malapit na ako sa kanila ay doon ko pa naisip ang posibleng hiya na matatanggap ko sa gagawin. I've always been a shy person pero kadalasan ay natatabunan yun ng aking galit.

"Sinong hinahanap?" I turned to the person who spoke na nakasuot rin ng jersey ng bulldogs. He had Clemente at the back of his shirt.

Lumingon ako sa kung nasaan si Kara para siya na lang sana ang magsasalita nang makitang wala na siya sa tabi ko. She was already sitting down on her seat habang nakalagay naman ang bag niya sa katabing upuan nito.

Hindi siya nakatingin sa direksiyon ko kaya sinundan ko kung asan siya nakatingin at nakitang sa gawi iyon ng Maroons. Kobe was also looking at her with eyebrows furrowed.

Bahagyang ngumisi si Kara bago tinuro ang direksiyon ko at nakita kong babaling si Kobe kaya agad akong humarap kay Clemente.

"Uhm—ano. Si Shaun or Dave sana." ani ko.

Dahil nga mas malapit sa amin si Shaun ay siya ang tinawag ni Clemente. Paglingon ni Shaun ay medyo nalilito pa siyang nakatingin sa akin pero nang nakita niya ang dala ko ay ngumiti siya, marahil ay nakilala ang lalagyan.

He jogged towards me at iniwan na ako ni Clemente, hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong magpasalamat.

"Pinapabigay pala ni Pia. Nagmamadali kasi." wika ko at inabot ang dala.

Kinuha niya ang aking inabot. "Buti naman at nakilala mo?"

Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha. See! This was what I was talking about! Nakakahiyang may nakakaalala sayo habang nakalimutan mo sila.

A Game of Luck//Kobe Paras FFWhere stories live. Discover now