Chapter 13

1.6K 43 10
                                    

Kara, Kobe and I were eating our lunch in a cafe. Kanina pa nga nagrereklamo si Kara kasi ayaw na ayaw niya raw na magmukhang third wheel pero wala siyang choice dahil gusto niya akong makausap.

Magkatabi kami ni Kobe habang nasa harap ko naman si Kara. Hinihintay na lang naming matapos siya kumain bago umalis.

"Uuwi kang Batangas, Cie?" tanong ni Kara.

I felt Kobe shift in his seat pagkatapos ay tiningnan niya ako. "Oo, Sunday pa siguro ang uwi ko. Kayo?"

"Uuwi rin," Kara answered.

"What about you Kobs?" I turned to look at Kobe na hindi pa rin pala natatanggal ang tingin sa akin.

May nakita akong dumi malapit sa labi niya kaya hindi na ako nagdalawang isip pang pagpagin ito. For a second, he looked surprise bago ako tinaasan ng kilay as if teasing me dahil nahawakan ko ang labi niya.

"Kinilig ka na niyan? So nangisay ka siguro sa kilig nung hinalikan mo ako weeks ago?" dire-diretsong sabi ko.

Nabulunan si Kara sa kinakain habang ako nama'y pulang pula na. Kobe's ears turned pinkish at unti-unti na ring pumupula ang kanyang mukha. Cute.

I internally slapped my sefl. Of all the things na pwede kong sabihin bakit iyon pa?! I didn't even include that sa kwento ko kay Kara kaya gulat na gulat siya ngayon!

"You what?!" eskandalosang pagsigaw ni Kara.

Uminom ng tubig si Kobe at unti unti nang nawala ang pamumula. He cleared his throat.

"Sa gilid lang naman ng labi, Kara." I tried to say. Alam ko kasi ang takbo ng isip ni Kara. By now, she was probably naming the grandchildren of my grandchildren with Kobe. Such a good friend.

"Bakit sa gilid lang? Ang slow pala ng manok ko!" She exclaimed habang tinuturo-turo pa si Kobe na para bang may kasalanan talaga itoz

Lumingon si Kobe sa akin at bumaba ang kanyang tingin sa aking mga labi. Napalunok ako dahil sa kaba. "Babawi ako next time," mahina niyang sabi.

Kung pwede lang na lamunin ako ng lupa ay matagal na akong nagpalamon. Kara was laughing so hard right now, kinikilig habang ako nama'y hiyang hiya na. My heart was beating so hard as if it was also anticipating for that next time.

"Next time mo mukha mo," I said. "So saan ka nga? Uuwi ka ba?" Kitang kita na I was trying to change the topic. Buti na nga at hindi na umangal ang dalawa.

"I'll be staying here, may training kami," sagot niya naman. Tumango ako sa sagot niya. Their next games will be very crucial kaya siguro mas grabe na ang training ngayon.

Tumunog ang aking phone, hudyat na may text akong natanggap.

Mom:

Hi Cie! Bumili ka ng groceries before ka umuwi ha! Thanks!

Ngayong hapon kasi ako babiyahe at kung maggro-grocery oa ako ay kailangang pumunta na ako ngayon para makauwi pa sa condo para kunin ang sasakyan.

Schedule kasi ni Kara ngayon na sunduin ako at sa ibang araw naman ay sasakyan ko ang gamit.

"Nag text si Mom, pinapabili ako ng groceries. Una na ako." Tumayo na ako pagkatapos magpaalam. I turned to look at Kobe na tumayo na rin.

"Samahan na kita," he offered. Inabot niya ang bag kong hawak ko na sana.

"Wala ba kayong training?" I asked. I really don't want to get away with his passion for playing kaya sinisigurado kong hindi niya binabalewala ang mga plano para lang masamahan ako.

A Game of Luck//Kobe Paras FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon