Gustong mapangiti ni Haley. Her girl friends were right! Ang mga katulad ni Gideon ay hindi agad kakagat. Alam niyang hindi niya ito ganoon kadaling mapapaikot sa mga kamay niya.

He's a challenge for her.

And she loves it!



"I CAN see that you're alone," bungad ni Haley kay Gideon nang makita niya itong mag-isang nakaupo sa isang lamesa. Halos lahat ng tao ay nagsasayawan puwera sa bago at batang vice-mayor ng Amora.

Tahimik lang itong nakaupo habang umiinom ng red wine na sine-serve sa mga bisita. Patingin-tingin lang rin ito sa paligid. For Haley, it's the perfect timing para masolo niya ang binata.

Napatingin ito sa kanya nang maupo siya sa bakanteng upuan sa tabi nito.

"You want to dance?" aya niya pa rito.

Inilapag nito ang wine glass sa lamesa. "Sorry. I don't dance," pormal na pagtanggi nito.

Napaismid siya at napahalukipkip. "Sabihin mo, ayaw mo lang ako kasayaw. Almost all of the men here asked me to dance..." Bumaling siya rito. "Maliban sa'yo. Bakit kaya?" nagtataka pang tanong niya rito.

"Because I don't dance."

"Or you're afraid to dance with me?" tuya niya rito.

Naisip ni Haley, kung hindi siya mapapansin nito sa mga simpleng pagpapakita niya ng motibo- dahil siguradong iignorahin lang siya nito, mabuti pang mag-iba siya ng technique. Kay Gideon, she needs to be more full of herself. She must be fearless and bold kung gusto niya itong maakit.

Napakunot ang noo nito sa sinabi niya. "Bakit naman akong matatakot na isayaw ka?"

Kinuha niya ang wine glass nito at ininuman iyon. "Oo nga. Tell me, vice-mayor. Why are you afraid to dance with the new governor's daughter?" Nanunuksong nginitian niya pa ito.

Napailing-iling ito at napasandal sa kinauupuan. Nilayo nito ang tingin at hindi na siya pinansin.

Sandali siyang napasimangot. Nakakaasar! Kung hindi lang talaga siya interesado rito ay nunca na pansinin niya ito at bigyan ng atensyong binibigay niya rito ngayon.

"So... you're not married, obviously," pag-iiba na lang niya ng usapan. Wala siyang nakikitang kahit anong singsing sa daliri nito. "Do you have a girlfriend, perhaps?"

Napabaling ulit ito sa kanya. "If I answered, 'yes', will you leave me alone?"

"No," nakangiti pang sabi niya. Wala kasi siyang pakialam kahit pa may girlfriend ito. Mas makakadagdag iyon sa thrill niya. She can take Gideon away from his girl, kung meron man. "But, if you'll dance with me, hindi na kita kukulitin."

"Bakit ka ba makulit?" tila naiiritang tanong nito. First emotion that she saw from him that night.

"Eh, bakit ang sungit mo sa'kin?" nakalabing balik tanong niya sa binata. "Did I do something wrong?"

Tila saglit itong natigilan pero maya-maya ay napapailing na lang. "Makulit kang bata ka."

She creased her forehead. "Hindi na 'ko bata."

"I can have a girlfriend on my last year in elementary while you just came out from your mother's womb. Bata ka pa para sa paningin ko."

Napakunot-noo siya lalo. Hindi siya makapaniwala! She's a full grown woman with a perfect body that every man would wish to make love with! Tapos ang tingin nito sa kanya ay isa lang bata? Twelve years nga siguro ang agwat nila pero hindi na siya mukhang bata! What the hell?!

Haley, calm down. Calm down. Agad naman niyang nakalma ang sarili at hindi na napakita ang pagka-asar. Matatalo siya rito kapag ganoon.

"Okay, fine. Then, just dance with a cute kid like me," sinadya niya pang gumamit ng pambatang tono.

Napabuga ito ng hangin at saka napatayo. And when he offered his hand, she knew that she won tonight.

***

NATAPOS NA ang unang kanta ngunit hindi hinayaan ni Haley na makawala sa kanya si Gideon. He's a liar! Marunong itong sumayaw at minsan pa ay nadadala siya nito. Talagang gumagawa lang ito ng dahilan para hindi makipagsayaw sa kanya.

Sa loob-loob ni Haley ay ngiting-ngiti na siya. Kaya siguro nagsinungaling ang lalaki dahil natatakot itong makipagsayaw sa kanya. Gideon must have sensed that she's a temptress and he wanted to avoid her. May epekto rin pala rito kahit papaano ang charms ng isang "bata" na katulad niya. Who could ever resist a Haley Carissa Gonzaga?

Because of her youth, beauty, and charm, kaya niyang kunin ang lahat. Even Gideon.

"Sabi ko nga nga ba, ayaw mo lang ako makasayaw kaya tanggi ka nang tanggi sa paanyaya ko," tuya niya rito na hindi lang nito pinansin at nakipagsayaw lang sa kanya.

Isang slow at sweet music ang sumunod na tugtog kaya naman siya mismo ang nagdala ng isang kamay nito sa mababang parte ng likod niya, kung saan naka-expose pa ang kanyang likod. Mainit ang mga palad nito.

Mula sa balikat naman nito ay pinagapang niya pataas ang kamay hanggang sa batok nito. They clasped their free hands and she moved her body closer to his as they swayed. Sinadya niya pang idikit ang dibdib niya sa dibdib nito, tumingala siya at pilyang hinalikan ito sa pisngi.

What she did- it didn't make her look like cheap and desperate, but naturally sophisticated and sweet.

"What are you doing?" salubong ang mga kilay na tanong nito.

Nginitian niya lang ito ng matamis. "I like you, Gideon," she frankly said. Marahang hinilot-hilot niya pa ang batok nito.

Lalong nagsalubong ang mga kilay nito ngunit tinignan lang siya.

Hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kamay na nasa batok nito kanina. Dumaan sa mga labi nito ang mga daliri niya at tinitigan iyon. Then, she bit her lower lip. Gideon's lips looked soft and sexy. She wanted to taste those lips. Sigurado siyang masarap itong humalik lalo na't more experienced ito sa lahat ng bagay dahil sa edad nito.

"I like you..." bulong niya pang muli sa sinabi kanina at saka tiningala ito. At ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib niya nang makitang nakatingin din ito sa mga labi niya at tila may pag-aasam sa mga mata.

When he met her eyes, pilit ibinalik ni Haley ang sarili sa matuwid na pag-iisip. If she'll play her seduction game, she must be on head with it.

She naughtily smiled at him and quickly brushed her lips to his.

"I want you, Gideon," anas niya. Akala niya ay malapit na siyang magtagumpay lalo na ng bahagyang umangat ang gilid ng labi nito.

Napalunok siya dahil lang sa napakatipid na ngiting iyon na nagpagulo na naman sa loob ng dibdib niya.

Mas hinapit siya nito at tinapat ang mga labi sa kanyang tainga. "I know what you're doing, Haley," bulong nito na nagdala ng kilabot sa buong katawan niya lalo na ng sambitin nito ng mariin ang pangalan niya.

"G-Gideon..."

"Just a little tip," he whispered, his hot breath tickling her ear. "Never play with a broken-hearted man, Haley. Kids shouldn't play with fire."

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon