Chapter One

Depuis le début
                                    

"Ang bata pa niya." Matagal na sa politika ang kanyang ama at sanay siyang nasa forties ang mga humahawak sa malalaking puwesto sa Amora.

"Oo nga. Pero gustung-gusto siya ng mga tao. Sabi nga ng ilan ay siya daw ang susunod sa trono ng Papa mo. He and your father have the same principles and they love serving the people," imporma pa ng ina na halata ang pagkagiliw sa bagong vice-mayor. "Napakalakas din ng charm ng binatang iyon. I think magugustuhan mo siya, hija."

Napangiti siya. "Really, Mama? Parang sa kinukuwento niyo naman ay ganoon talaga siya kaguwapo." Hindi niya alam kung exaggerated lang ang sinasabi ng ina o totoo talaga ang sinasabi nito.

"Aba't totoo naman, Haley, anak. Ang problema lang sa kanya ay laging tipid ang mga ngiti. But nevertheless, kahit nakasimangot siya, he could easily charm anyone," biro pa ng ina.

"Suplado?" Lihim siyang napangiti. Sabi ng mga kaibigan niya sa Manila, mahirap bihagin ang mga supladong lalaki. Makakasakit daw sa ego ng mga babaeng gustong magpapansin, dahil nunca na mamansin ang mga ito. It's a thrilling challenge for her!

"Hindi naman. Masiyahin siyang lalaki noong councilor pa lang siya. Nag-iba lang talaga siya mula noong nakaraang taon. Makakausap mo naman kahit anong oras si Gideon. Hindi lang talaga siya palangiti ngayon."

Napataas siya ng kilay. Her interest was fully caught. "Anong nangyari sa kanya last year, Mama?"

"Gov, I'm sorry I'm late!"

Sabay pa silang napalingon ng ina sa lalaking may buo at mababang boses na tumawag sa pansin ng ama.

Mahinang napasinghap si Haley at tila natulos sa kinatatayuan nang makita ang isang guwapong lalaki na naglalakad palapit sa gawi nila. By the way he walked with that formal look on his face... it already shouted a lot of confidence, power, and strength.

"Gideon! Mabuti at nandito ka na. Congratulations ulit sa pagkapanalo, hijo." Inabot ng ama ang kamay nito sa binata.

"Congratulations, too, Gov. You were the one who helped us all in our partylist."

"Nah! You charmed the people, no doubt!" sabi pa ng ama. "By the way, ipapakilala ko pala sa'yo ang nag-iisang anak ko."

Kahit hindi pa siya pinapalapit na ama, ay mabilis na kumilos na si Haley palapit sa mga ito. "Hi!" nakangiting bati niya kay Gideon.

Napatingin ito sa kanya at nagsalubong ang mga tingin nila. And, oh gosh! Haley wanted to scream like a teenager when she felt a tickle in her heart. Tingin pa lang nito ay ganoon na agad ang epekto sa kanya! Her mother wasn't exaggerating earlier. Sa tingin pa nga niya ay tila kulang pa ang salitang "guwapo" para sa lalaki. Gideon was oozing with sex appeal and boy, he's gorgeous with a capital G!

"Good evening," bati nito pabalik na may tipid na ngiti sa mga labi.

"She's Haley, my lovely daughter," pagpapakilala sa kanya ng ama. "She just graduated this year from college. Kaya naman ngayon lang siya nakauwi rito sa Amora."

Tumangu-tango si Gideon at inabot ang kanyang kamay. "Nice meeting you, Haley." Akmang bibitawan na nito ang kamay niya ngunit mas hinawakan niya iyon ng mahigpit.

Halatang nagtaka ito sa ginawa niya pero nginitian niya lang ito ng matamis. "More enchanted to meet you, Gideon," aniya na sadyang pinapahalata ang interes rito. Matapang na sinalubong niya rin ang mga tingin nito.

Gideon definitely sensed it. Mas may puwersa na nang bawiin nito sa kanya ang kamay.

"Well, Gov, I'll just mingle around the place. Maiwan ko na po kayo," paalam nito na hindi na muli pang tumingin sa kanya bago umalis.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHROù les histoires vivent. Découvrez maintenant