Decisions

244 9 0
                                    


"Oh anak,akala ko ba pupuntahan mo ang boyfriend mong si Jimin?"

Napapabuntong-hininga na lamang si Taehyung sa tanong na yun ng kanyang ina.

"I don't know if he wants me there,Mom. Tawag nga po ako ng tawag wala namang sumasagot. Baka galit na saken ang family niya"

"No sweetie,don't assume anything yet. Well you wouldn't know if nandito ka lang diba? Puntahan mo siya"

"Mom...pa'no kung makipaghiwalay na siya saken?"

Tumingin siya sa kanyang ina,waiting for her reactions. She flinched,as if hindi nito alam kung pa'no sasagutin ang tanong niya.

"Mom--

"K-Kung ano man ang mapagdesisyunan niyo pareho...wala na talaga siguro tayong magagawa para baguhin ang mga nangyari na,tama?"

"So...okay sa inyo na makipaghiwalay siya saken?"

"I...i don't make decisions for you,son. Ano man ang maging kakahinatnan ng relationship niyo ni Jimin...susuportahan lang kita"

"Really?"

Tumango ito sa kanya bilang sagot,yet he wasn't satisfied on that. Maging siya ay hindi mapalagay sa kung ano na ang mangyayari sa kanila ni Jimin.

"Mhm..I think,i should go and talk to Jimin. I'll see you later Mom"

"Okay..uwi ka nalang ng maaga o kaya pwede mo ding isama si Jimin para makasalo ang Daddy mo for a dinner"

"I'll ask him.. Bye Mom"

"Bye,Son..take care and i love you"

Tumango lang siya at humalik sa pisngi nito bago mabibigat ang mga hakbang na lumabas na siya ng bahay ng parents niya.

Di niya alam kung uuwi muna siya sa condo niya para makaipon ng madaming lakas ng loob para harapin ang pamilya ni Jimin or didiretso na siya kay Jimin..

Sa huli,napagdesisyunan niyang magtungo na sa bahay ng mga Park,bahala na kung ano mangyari basta ang importante,makausap niya si Jimin. Di kasi pwede na wala siyang gawin at basta maghintay kung kailan handa si Jimin na kausapin siya ulit.

Nang makarating sa bahay ng mga Park,tanging ang mga kasambahay at kuya ni Jimin ang kanyang nadatnan.

"Kuya Jihyun,si Jimin? Gusto ko sana siyang makausap"

"Sa totoo lang naiinis ako sayo Taehyung. Pero kahit kapatid ko si Jimin,wala pa din akong karapatan na mamagitan sa relationship niyo"

"Kuya,let me explain please--

"Save it,wag ka saken mag-explain Taehyung kundi sa kapatid ko. And wala siya ngayon dito,he's with Jungkook and baka sa mga oras na'to nasa hospital na sila"

"H-hospital? Bakit Kuya?"

Mataman itong tumingin sa kanya na tila nagdadalawang isip pa kung sasagutin siya o hindi.

"For a check up,ang taas kasi ng lagnat ni Chimchim. And may appointment na talaga siya today kasi nakahanap na ng donor si Jungkook for my brother's eye surgery"

"D-donor?"

"Tch,wala kang alam noh? Aynako ang sarap mong upakan,daig ka pa ng best friend samantalang ikaw ang boyfriend. Si Jungkook lang naman ang nag-effort para maghanap ng donor for Jimin para muli siyang makakita"

"I-I'm sorry Kuya"

Lalo tuloy siyang nahihiya dahil sa mga nalaman. Oo nga naman,buti pa ang ibang tao---si Jungkook na kaibigan lang ay nagagawa ang mga bagay na siya dapat bilang boyfriend ang gumagawa.

Kookmin's Love Is BlindWhere stories live. Discover now