Best friend

19 5 0


"Good morning Chimchim!"

"Good morning beautiful"

"Good morning love"

Di niya mapigilang matawa sa pagkakasabay-sabay pang bati sa kanya ng kapatid niya,Papa at ni Taehyung. Naramdaman pa niya ang mga kamay na humawak para alalayan siya sa paglakad.

"Good morning din po sa inyong lahat"

"Good morning love"

Isang mabining halik pa sa kanyang pisngi ang naramdaman niya which he now knows kung sino ang umaalalay sa kanya bukod sa kanyang ina.

"Morning din Taetae..ang aga mo yata?"

"Oo gusto kong makasama ka eh. Day off ko kasi so i wanna spend my whole day with you"

"Aww ang sweet naman. Ang mabuti pa let's eat breakfast na hm"
Sabad ng kanyang ina na sinang-ayunan nilang lahat.

Inalalayan pa siya ng kasintahan na makaupo at sabay-sabay na kumain habang nagkukwentuhan most specially about him and his best friend. And speaking of Jungkook,

"Mama,tumawag na po ba si Kookie? Sabi niya sasamahan niya ako sa café ngayon"

"Oo nak,nagpunta pa nga siya dito kanina e kaso tulog ka pa. Gigisingin dapat kita but he stopped me saka pinagdala ka lang daw niya ng food. Pinapasabi din niya na may pupuntahan siya ewan ko lang kung saan kaya di ka niya masasamahan today"

"Ah ganun po ba? Sa'n naman kaya punta ng lokong yun?.."

He's kinda disappointed na hindi pala siya nito masasamahan pero naiintindihan naman niyang hindi maiiwasan na maging busy si Jungkook lalo't malapit na nitong palitan sa pagiging president ng company ang Daddy nito na pag-aari ng pamilya Jeon.

"Don't worry love andito naman ako eh hm? Sasamahan kita sa work mo"

"T-Thank you Taetae"

Nakangiting hahalikan sana siya nito subalit,

"Ehem,not infront of my salad love birds.Honey,I'll go to the restaurant now. Hoy Taehyung wala munang ano,bata pa yang anak ko-

"Papa!"

Natawa lang ang mga magulang niya pati na ang kapatid,saka yumakap pa muna sa kanila ang Papa niya bago umalis na para magtrabaho sa restaurant na pag-aari ng pamilya nila.

Their family is in the middle class--hindi sa sobrang yaman nila at hindi di naman mahirap. Ang Mama niya ay pinagkakaabalahan ang clothing boutique nito na naipluwensyahan ang kapatid niya sa pagkahilig sa mga fashion styles at ito na din ang nagma-manage ng isa pang branch ng botique ng Mama nila. At siya naman,na-inspired sa pagluluto ng Papa niya kaya kahit 20 palang siya sinuportahan siya ng mga ito na magpatakbo ng café since pinakapaborito niyang gawin ang pagbe-bake ng pastry foods.

"Iba talaga pag si Papa ang bumanat haha. Pupusta pa'ko na hindi pa kayo nagki-kiss ni Taehyung sa lips noh?"

"Kuya isa ka pa!"

"Ano tama ako diba? Hahaha"

"Mama oh,paalisin mo na po si kuya"

Naiinis na sumbong niya sa Mama nila na nililigpit ang kanilang mga pinagkainan. Napipikon na tinapos na niya ang pagkain at akma ng tatayo but a gentle hand held him on his wrist to stop him from walking out.

"Nagbibiro lang si Kuya,love. Wag ka na mapikon hm?"

"Ewan ko sa inyo"

Nasira na talaga ang maganda niyang mood,dagdag pa na wala ang best friend niyang si jungkook para ipagtanggol siya sa bully niyang kuya.

Kookmin's Love Is BlindWhere stories live. Discover now