Unexpectedly

30 3 4


Ilang araw lang matapos ang kanyang operasyon,pinayagan na din makauwi si jimin para patuloy na pagilingin ang kanyang mga mata.

Hindi na din masyadong namumula ang mga mata niya kaya pwede na din siyang wag ng magsuot ng eyeglasses.

And since the day he confessed to his family about sa mga hinanakit niya sa mga ito,hindi pa din niya kinikibo ang family niya kahit pa sinusubukan ng mga ito na mag-make ng conversation with him. Iwas pa more siya dahil kahit ayaw niyang maging cold sa mga ito ay hindi pa talaga niya mapilit ang sariling kalimutan na lang ang lahat and pretend na wala siyang inamin sa mga ito.

Lagi din siyang pinupuntahan ni Taehyung pati na ang bagong dating mula sa canada na kaibigan niyang si jhope na isang dance choreographer. Hindi naman sa pakikipagbalikan ang intensyon ni Taehyung sa kanya kundi isang tunay na pagkakaibigan which he really like kasi parang ngayon palang sila totally nagkakakilala ng lubusan.

Inaabala na din niya ang sarili sa pag-aasikaso niya sa café niya para di niya masyadong naiisip si Jungkook. Sobrang miss na miss na niya ito,na huling tumawag sa kanya nung dalawin siya ng ninang niya na mommy nito sa hospital.

Muli niya itong pinakiusapan na bumalik na subalit hindi daw nito magagawa yun dahil sa isang dahilan na ayaw nitong sabihin. Maging ang kanyang ninang ay tumangging magsalita kaya naman he would die to know what's going on to Jungkook.

Malakas talaga ang kutob niya na may itinatagong lihim sa kanya ang mag-ina. Dumagdag din pa ang kakaibang ikinikilos ng pamilya niya. Hindi na binabanggit ng mga ito si Jungkook kapag nakaharap na siya which really makes him have a peculiar feelings about it.

"Chef magsasara na po ba tayo?"
Untag sa kanya ng waitress niyang si Samantha.

"Sige Sam. Late na din naman and we're all tired"

"Okay po Chef"

Tumango na lamang siya,preparing to leave too. Nang matapos nilang makapagligpit,sabay-sabay na silang lumabas sa shop and he made sure na naka-locked na yun ng mabuti.

"Sabay na po kayo samin Chef"

"Sige una na kayo Tintin,darating si Taehyung para sunduin ako"

"Yiehh,kayo na pa ba ulit Chef?"

"Pftt,no Bryan. We're a great friends,alam niyo naman din na hinihintay ko lang ang sir Jungkook ninyo"

Lalo lang siya tinukso ng mga workers niya,pero imbes na mainis napapangiti pa siya.

"Bagay na bagay po kayo si sir Jungkook,chef..Nasaan ba siya?"

Bago pa man siya makasagot sa tanong na yun ni Samantha,

"Hi Chimchim..sorry ngayon lang ako"

"It's okay Taetae,sakto lang dating mo ngayon palang kami uuwi"

Ngumiti ito sa kanya saka humalik sa pisngi niya. Magalang naman na nagpaalam ang mga workers niya.

"Oh by the way I'm with Hopi"

"Really?"

Tumingin siya sa sasakyan ni Taehyung kung saan nga ang kaibigang si Jhope na nakasandal sa pintuan ng kotse at nag-wave pa sa kanya.

Bahagya siyang ngumiti dito habang lumalapit. Agad naman siya nitong niyakap,bilang pagbati.

"Hi Ji,nag-dinner ka na?"

"Nope,not yet Hopi..ikaw?"

"Kumain na kami ni Yoongi sa labas kanina kaya di pa'ko gutom"

Kookmin's Love Is BlindWhere stories live. Discover now