More than this

17 2 0


"Oh hi anak,Jungkook. Si taehyung,di niyo yata kasama?"
Bungad sa kanila ng kanyang butihing ina na siyang nagbukas ng gate sa kanila ni Jungkook.

"Ano kasi auntie,nagwalk--

"Nagpaalam na po siyang may gagawin pa about sa work. Buti nalang po dumating si Kookie kaya pinahatid na lang ako ni taehyung sa kanya"

Naramdaman niya ang mahinang pagpisil ni jungkook sa kanyang balikat habang inaalalayan siya sa paglalakad,as if he's best friend asking kung bakit mas pinili niyang pagtakpan ang boyfriend niya.

"Ah ganun ba? Nag-dinner na kayo?"

"Di pa po auntie~"

Bahagya siyang natawa sa tila nahihiya pang sagot ni Jungkook sa kanyang Mama.

"Pinagalitan ko na nga po Mama eh,ang lokong 'to palagi nalang nakakalimutang kumain sa oras"

"I'm really sorry,promise di na talaga to mauulit,mochi. Naging busy lang talaga ako ngayong araw"

"O siya tama na yan,sakto ipaghahanda ko ng makakain ang Papa mo nag-shower lang siya at kadarating lang din niya"

"Tulungan ko na po kayo Mama,magbibihis lang ako"
Boluntaryo niya sa ina na nag-hum bilang sagot saka sa tingin niya kinuha nito ang kamay niya na hawak pa din ni Jungkook.

"Maupo ka muna Kookie,saglit lang kami ni Chimchim"

"Opo Auntie"

Pagkuway inakay na siya ng ina paakyat sa kanyang kwarto.

"You really look good together,anak"

"Po?"

Hindi siya sigurado kung ano o sino ang tinutukoy ng Mama niya na inabutan pa siya ng maisusuot na damit na mas komportable.

"Si jungkook ang tinutukoy ko at hindi si Taehyung"

"Ma"

"O? Sorry 'nak,no offense but mas panatag ako kay Jungkook. And the way he stares at you,i know and i can feel that he really cares for you. Sayang hindi mo lang nakikita yun. Hey hindi sa di ako boto kay Taehyung at gusto ko din ang batang yun kaya lang...aish di kasi tama na saken na manggaling 'to"

"Ma,di ko po kayo gets"

Dinig niya ang mga yabag nito papalapit sa kanya at tinulungan pa siyang isuot ang sweater niya.

"Just...nevermind. Lika na,baka gutom na si Jungkook,kawawa naman"

"S-sige"

Confuse man,he chose to just shrug it off saka magkahawak-kamay silang mag-ina na bumaba para maghanda ng kanilang late dinner.

Nadatnan nilang tila may kausap si Jungkook na nabosesan niyang ang Papa at kuya niya na tila masayang nagkukwentuhan at kulitan.

"Hi anak"

"Hello po Papa,hi kuya"

"Hello. Maupo muna kayo ni Mama dito may sasabihin daw si Jungkook"

Nagtatakang naramdaman niyang may humawak sa kabila niyang kamay which is hindi siya magkakamaling si Jungkook yun at inalalayan silang makaupong mag-ina.

"Anong sasabihin mo sa kanila,Kookie?"

"Ahh,yung magandang balita kanina"

Gets na niyang yun yung magandang balita na pwede pa siyang makakita ulit. Nakangiting tumango siya dito,bilang pagsang-ayon sa nais nitong sabihin sa pamilya niya yun.

Kookmin's Love Is BlindWhere stories live. Discover now