Chapter 9: True Feelings Behind Words

Začít od začátku
                                    

"Don't you think it's too much?"

"Seriously El?! Your asking me that?! Ofcourse not! He deserve it anyway." She bitterly said.

"He doesn't! He's a good guy." I defend. He doesn't deserve what I did to him.

"Do you hear yourself Eleanor?! Good guy?! After what he did to me?!" She screamed over the phone.

"Maybe he didn't mean to hurt you." Mahina kong sabi.

"You have got to be fucking kidding me!? What the hell happened to you?! Why are you taking his side?! May gusto ka naba sakanya?!" She said accusingly. Hindi ako nakasagot. Kasi ako sa sarili ko naguguluhan sa nararamdaman ko.

"I can't believe this!" She said then hung up.

Napahiga nalang ako. I know galit na siya sakin. Napahilot nalang ako sa ulo ko. Masyado ng maraming nangyari ngayong araw kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang nakatulog na ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

3rd person's POV

Tatlong araw na ang nakakalipas ng mangyari yung sa greenhouse. Kahit masama ang pakiramdam at walang tulog ay pumasok si Eleanor. Bawat nakakasalubong niya si Prince ay hindi siya nito pinapansin. Nakaramdam siya ng sakit dahil linalagpasan lang siya nito na para bang hindi siya nag eexist. Kahit masakit ay inisang tabi nalang niya at pinilit na maging okay. Lagi niyang sinasabi na 'she deserves it'. Ang mas lalong nag pabigat ng pakiramdam niya ay pati si Irish hindi siya pinapansin. Sinusubukan niya itong kausapin pero hindi siya pinapansin.

"Bakit ba ang sakit na parang hindi mo ko kilala?" Tanong niya sa sarili nung minsa'y dinaanan lamang siya ni Prince.

Sa loob ng tatlong araw laging mag isa lang si Eleanor. Parehas siyang hindi pinapansin ng dalawang taong importante sakanya. Kapag walang klase ay pumupunta lamang siya sa rooftop at doon tahimik na umiiyak.

Biyernes at mag isang kumakain si Eleanor sa cafeteria. Nakaramdam ng awa si Chester nang makita niya si Eleanor na mag isang kumakain. Nakikita niya ang pag hihirap ng dalaga. Pagkatapos niya bumili ng pagkain ay umupo siya sa tapat na upuan ni Eleanor. Nagulat pa siya sa  pag dating ni Chester.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Eleanor sakanya.

"Sinasabayan kang kumain. Wag kana mag reklamo at kumain ka nalang muka ka ng buto sa payat mo." Sabi sakanya ni Chester sabay subo ng pagkain. Napanguso naman si Eleanor.

"Makabuto ka naman. Kumakain naman ako e." Sabi niya habang nakasimangot.

"Oo kunakain ka ng tinapay tapos kalahati lang. The rest tititigan mo lang." Singhal ni Chester sakanya na lalo namang nag pasimangot kay Eleanor.

"Pano mo nalaman yun?"

"Nakikita ko. Kaya kumain ka. Mamaya himatayin kapa sa gutom konsensya ko pa." Sabi ni Chester sabay abot ng lasagna at apple sakanya. Napatingin naman si Eleanor sa binigay ni Chester. Tututol sana siya pero hindi niya na tinuloy ng makita niyang ang sama ng tingin nito sakanya.

Sa di kalayuan ay nakatingin si Prince sakanila. Nakaramdam siya ng inis kaya pumunta siya sa harap ng table nila Eleanor.

"Oh Ches bat nanjan ka? Dapat hindi ka lumalapit sa mga manloloko." Parinig ni Prince kaya napatigil si Eleanor sa pag kain. Nainis naman si Chester sa sinabi ng kaibigan kaya agad siyang tumayo at sinamaan ng tingin si Prince.

"Kung mambibintang ka alamin mo muna kung ano ang totoo bago ka mag salita ng kung ano ano. At ikaw *turo kay El*, you should've told him the truth." Seryosong sabi niya kay Prince at tumingin kay Eleanor bago umalis.

Almost (Under Revision)Kde žijí příběhy. Začni objevovat