Chapter 1

1K 40 5
                                    

AND THEY lived happily ever after..." pagtatapos ni Lola Asuncion ng pagkukuwento tungkol sa prinsipeng naging palaka at muling naging prinsipe dahil sa halik ng bidang babae.

Isinara nito ang librong pambata na kung tutuusin ay hindi naman naalis sa first page. Memoryado na nito ang alinmang kuwentong nakapaloob sa children's book na iyon na sintanda na ng panahon at nagpasalin-salin at nagkaroon na ng iba't ibang version.

Masuyong nginitian nito ang apong si Roni na nanatili pa ring nakaupo sa paanan ng rocking chair, nagbuntong-hininga at nangangarap.

In a couple of month's time she would be twelve. Kung tutuusin, ang mga ganoong kuwentong pambata ay para lang sa mga mas bata sa kanya. But she loved to hear stories with happy endings. Always believe in happy endings.

"Hija, kung umarte ka'y parang ngayon mo lang narinig ang kuwentong iyan. Napakaraming beses ko nang binasa ang kuwentong iyan sa iyo."

She wrinkled her nose. Tumayo at pinagpagan ng imaginary dust ang shorts at naupo sa armrest ng rocker. "Para pangatlo pa lang ito. Ang huli ay noong nasa Maynila pa kayo. Isa pa, you are best storyteller in the world, Lola, alam mo ba iyon?"

Tumawa si Lola Asuncion. "Alam ko, Miss Roni The Dreamer, dahil pansampung beses mo nang sinabi sa akin iyan."

"Lam n'yo, 'La, gusto kong maging writer balang araw..." aniya at nilaru-laro ang pusod ng kanyang lola. "Hindi ko nga lang tiyak kung gusto kong magsulat ng mga kuwentong pambata o ng mga kuwentong tulad ng..." She stopped in midsentence.

"Tulad ng sa Mills & Boon?" dugtong ng kanyang lola na masuyong tumawa. "Duda akong gusto mong gumawa ng mga kuwentong a-la Grimm Brothers. Kung hindi ko pa alam na itinatakas mo ang mga pocketbooks ng mama mo?"

Umiwas siya ng tingin. Hindi niya alam na alam na iyon ng lola niya. Sa tuwing nasa villa siya ay palihim niyang kinukuha mula sa attic ang mga nakatagong lumang pocketbooks ng mama niya.

Tumingala ang kanyang lola sa kanya. "I would have prohibited you from reading your mother's romance pocketbooks, Roni. Pero natitiyak kong mientras kitang aawatin ay lalo ka lang manggigil na basahin iyon. At hindi ko naman malalaman kung bibili ka ng mga iyon pagbalik mo sa Maynila."

"Eh, bakit n'yo naman ako aawatin magbasa ng mga romance pocketbooks, Lola?" She toyed with her fingernails. Hindi gustong salubungin ang tingin nito. She knew what she meant and pretend inocense.

Her grandmother sighed. "Hija, may mga eksena sa mga librong iyon na hindi dapat para sa batang tulad mo. Pero sabi ko nga, hindi kita maaawat doon. Kaya umaasa na lang ako sa mga pangaral namin ng daddy mo sa iyo."

"Oo naman." She shrugged her shoulders. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa armrest ng rocking chair at tinungo ang bintana. Mula roon ay natatanaw ang malawak na kagubatan. Alas-dos ng hapon at kainitan, gayunma'y tila hindi makalusot sa naglalakihang mga sanga ang sinag ng araw. Sa likod ng matatandang punong iyong ay ang ilog na siyang naghahati sa bayan ng San Fabian at ng Rosario.

Ang Rosario ay ang sinundang bayan at higit na malaki at maunlad kaysa sa San Fabian. But she loved this small town. Dito siya ipinanganak, sa mismong villa na pag-aari ni Asuncion Angeles, ang lola niya sa maternal side.

Anim na taong gulang siya nang umalis sila sa San Fabian at nanirahan sa Maynila. Bagaman masama ang loob niya ay nagsawalang-kibo siya dahil alam niyang para iyon sa mama niya na nang mga panahong iyon ay paroo't parito sa Maynila upang magpagamot.

Hindi niya nalaman kung gaano kalubha ang sakit ng ina malibang tuluyan itong maratay. She was almost eight when her mother succumbed to breast cancer, matapos ang dalawang taong pakikipaglaban.

Almost a Fairy TaleWhere stories live. Discover now