Chapter 4

364 28 13
                                    

MALAKAS ang ulan nang makapasok si Roni sa bayan ng Rosario. Kung wawariin ay matagal nang umuulan sa lugar na iyon dahil sa nagpuputik na kalye. Naisipan niyang huminto muna sa natatanaw na McDonalds's dahil kanina pa siya nagugutom.

She smiled. May McDonald's na rin pala sa Rosario. Kunsabagay, kompara sa San Fabian ay mas matao ang Rosario dahil sa mga beach resorts nito at puting baybayin. Besides, ang bayang ito ang pinakasentro ng kalakal ng mga nakapaligid na bayan.

Ipinarada niya sa bakanteng espasyo ang Toyoya Echo niya di-kalayuan sa McDonald's. Sa loob na muna siya magpapatila ng ulan dahil kapag ganitong napakalakas ng ulan ay mahirap makita ang daan.

Alas-singko ng hapon sa relo sa dashboard. Naisip niyang sana pala ay maaga siyang umalis ng Maynila nang sa gayon ay hindi siya inabutan ng gabi sa daan. Halos isang oras na lang at nasa San Fabian na siya. Pero kapag ganitong malakas ang ulan ay hindi siya makakapagpatakbo nang matulin dahil sa mga sharp curves.

Nang makababa ay mabilis siyang tumakbo papasok sa McDonald's.

Kalahating oras na siya roon at nakakadalawang softdrinks at large fries na siya pero bahagya lang humina ang ulan. Ipinasya niyang umalis na bago pa siya abutan talaga ng pagdilim. Kung tutuusin ay talagang madilim na dahil sa sama ng panahon. Nang tumayo, bitbit niya pareho ang natirang French fries at ang plastic cup ng soft drink.

Palabas na siya nang mabunggo siya sa balikat ng isang lalaki na kasabay niyang lalabas. Sa kabila ng maagap niyang pag-atras ay inabot pa rin ng natapong soft drink ang laylayan ng blusa niya. Subalit, mas marami ang tumapon sa lalaking nakabangga sa kanya, halos kalahati ng laman ng plastic cup.

"Shit!" the man said angrily. Niyuko nito ang sarili. Nabasa ang ibabang bahagi ng sports shirt nito.

"Don't shit me!" singhal niya. "Hindi ka tumitingin sa ---" Naputol ang kasunod na sasabihin niya nang humarap sa kanya ang lalaki "-- dinadaanan mo." Bigla ang pagkambyo ng tinig niya patungo sa mas mahinahon.

The man was gorgeous!

"Miss, if you notice, sa akin nabuhos ang lahat ng laman niyang baso mo," he said iritably, mas rumehistro sa pandinig ang singhal kaysa sa biglang pagbaba ng tono niya.

Dumukot ito sa bulsa ng pantalong maong at inilabas ang panyo at pinunasan ang suot na puting sports shirt sa bahaging nabasa.

"Oh, I'm soo---rry," aniya sa pagkukunwaring paumanhin. "Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko!"

Hindi nito pinansin ang sarkasmo niya, patuloy ito sa naiiritang pagpupunas sa sarili, pababa hanggang sa nabasang harapan ng pantalon nito.

Kusang sumunod ang mga mata ni Roni sa pinupunasan nito ---- sa bulgy part. Sa di-mawaring dahilan ay nag-init ang mukha niya.

"At ikaw, saan ka naman tumintingin?"

Napasinghap siya at tiningnan ito. His well sculpted lips were twitching in a sarcastic smile. Roni's lips parted with shock. Tila binuhusan siya ng balde-baldeng yelo at tinupok ang mainit na bagay na sandaling sumanib sa kanya.

What had gotten into her? Talagang nakatitig siya sa namumukol na bahaging iyon ng katawan nito.

Tila siya teenager na noon lang nakakita ng magandang lalaki. Sa TV station ay araw-araw niyang nakikita ang mga lalaking artista, pawang nagpapaligsahan sa gandang lalaki. But this man was more than just handsome. He seemed to be well-endowed.

The man's dark-brown eyes were suddenly fixed on her parted lips. Mula sa kasuluk-sulukang bahagi ng isip niya ay may alaalang gustong mangibabaw sa pagkakatitig niya sa mga mata nito, subalit hindi iyon makaahon. Then his white teeth flashed her a leering smile.

Almost a Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon