Chapter 10

409 31 9
                                    

ANG PLANO ni Roni na umalis na at tumuloy sa San Fabian ay hindi nangyari. At hindi rin niya makuhang bumalik na lang sa Maynila. Mahigpit ang anyaya ni Donya Seling na manatili na muna siya sa Mansiyon habang hindi pa tiyak kung maaari nang tawiran ang tulay.

"May tatlong palapag ang mansiyon, hija, at marami ang silid na hindi nagagamit. Kung privacy lang ang kailangan mo'y walang aabala sa iyo sa bahay. Maaari kang mamili ng silid na gusto mo."

"Pagbigyan mo na si Lola Seling, Roni," nakangiting sabi ni Missy. "Bibihirang magyaya ng bisita sa bahay iyan." Nilingon nito si Borj na pababa ng hagdan. "Let's go, Borj. Baka nainip na si Madam Soller sa atin. Ngayon ang final fitting ng damit ko."

Kinuha ni Borj ang susi ng Expedition sa ibabaw ng coffee table at sinulyapan si Roni. But she refused to meet his eyes. "Nasa ibaba na ang kotse mo. Inihatid kanina ng latero," wika nito. Tumango siya at umusal ng pasasalamat pero hindi tumingin dito.

"Iniimbitahan ko siyang sa bahay na manatili, apo," ani Donya Seling. "Habang hindi pa natin natitiyak kung walang pinsalang ginawa sa tulay ang nagdaang baha."

From the corner of her eyes, Roni saw him stiffen. Then, "Hindi natin dapat abalahin si Roni, 'La. Baka may iba siyang plano. Pauwi siya sa San Fabian."

"Nariyan lang ang San Fabian, hijo," mabilis na sabi ng matanda. "And how could you have let her stay in this cottage alone, Borj."

"Katunayan ay nagpapasalamat po akong nakatuloy ako rito, ma'am," she said quickly. "At kung nasa ibaba na ang kotse ko'y maaari na akong bumiyahe pabalik sa Maynila..."

"That's nonsense! Bakit kailangan mong putulin ang plano mong pagtungo sa San Fabian dahil lang sa inapawan ng tubig ang tulay na bukas-makalawa'y huhupa na? At sa loob lamang ng kalahating oras ay nasa San Fabian ka na."

At bago pa ma'y makatutol ay agad nitong dinugtungan ang sinabi. "Lumakad na kayong dalawa at baka nainip na ang modista sa inyo. Maiwan na kami rito ng lolo mo, Borj. Isasama na namin itong si Roni pauwi sa mansiyon."

"Oh, please, I don't want to impose on---"

"It is not an imposition, Roni," giit ni Donya Seling. "I am inviting you as my guest. Hindi araw-araw ay nakakadaung-palad ko ang aking hinahangaang manunulat sa television. Hindi ba, Miyong?"

"Don't break her heart," amused na sabi ni Don Miyong, then wicked at her. "She's a fan. Noon pa man ay pinupuri na niya ang magandang kasaysayang pinapanood niya sa television. At nang manalo ang kuwento mo bilang best story ay ganoon na lang ang tuwa niyang esposa ko."

Missy laughed softly, "Not to mention that I am a fan, too, Roni. Gusto kong magkaroon pa tayo ng mahabang pagkakataong makapag-usap, kaya sana'y pumayag ka na sa imbitasyon ni Lola Seling."

Napatingin siya kay Borj na nakatitig sa kanya. Pero walang emosyong ibinabadya ang mga mata nito. Muli niyang tinitigan si Donya Seling na umaasam ang mga mata.

"Kung... kung hindi makakaabala sa inyo."


HINDI man aminin ni Roni ay nalula siya sa karangyaan sa mansiyon. Sa kanyang palagay ay mas bagay ang bahay sa naglalakihan at eksklusibong subdivision sa Maynila at karatig-pook. Nasisiyahang binigyan siya ng short tour ni Donya Seling sa buong mansiyon. Ayon dito ay pag-aari pa ng lolo nito ang bahay at dalawang renovation na ang dinaanan.

Sa ikatlong palapag ay may dalawang silid na may common toilet and bath. Isa roon ang ipinagamit ng donya sa kanya. Lumipas ang maghapon na hindi nakita ni Roni si Borj. Hanggang sa makakain ng hapunan ay hindi pa rin ito dumarating.

Pagkatapos ng hapunan ay sinamahan niya ang donya sa video room na manood ng telenovela na kinatha niya. Ang telenovela na malapit nang matapos ay kailangang tapusin na rin niya ang kasunod na istorya.

Almost a Fairy TaleWhere stories live. Discover now