Chapter 3

370 32 9
                                    

Thirteen years later.

NANANAKIT na ang mga mata ni Roni sa matagal na pagtitig niya sa monitor ng computer niya habang iniisip kung paano sisimulan ang unang chapter ng nobelang isinusulat niya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pagkatapos ay naglabas ng hininga. Marahas niyang itinulak papasok ang keyboard table sa kalagayan nito. Pabagsak na ini-recline niya ang sarili sa swivel chair at tumitig sa kisame. Pagkatapos ay bumaba ang mga mata sa ibabaw tokador. Naroon ang dalawang tropeo na tinanggap niya may isang taong mahigit na ang nakalipas. Ang isa ay pinanalunan niya bilang isang mahusay na scriptwriter at ang isa ay ang mismong kuwentong kinatha niya na nanalo rin bilang best story sa magkasabay na parangal na iyon para sa television.

Four years ago, sinalihan niya ang isang scriptwriting contest ng isang kilalang scriptwriters sa movie at television. Isa siya sa mga pinalad na manalo. Iyon ang simula ng lahat. Bukod sa pagiging mahusay na manunulat ay isa rin siyang mahusay na scriptwriter.

At nitong nakalipas na taon ay dalawa sa mga kuwento niya ang binili ng Channel 6 at ginawang telenovela na naging hit sa mga televiewers. Siya na rin ang scriptwriter ng mga iyon dahil iyon ang hininging deal sa management ng TV station ng stepmother niya na siya mismong agent niya. At ito ay si Malou Blanco Salcedo.

At hindi lang iilan ang nagtatanong kung bakit hindi siya pumasok bilang artista gayong taglay niya ang lahat ng pisikal na mga katangian ng isang movie star.

I am too old for that, she had said. She would be twenty-five next month and she considered herself ancient, kompara nga naman sa mga kabataang nagsusulputan ngayon sa television. Besides, being in the limelight wasn't her cup of tea.

And then lately, dahil in-demand ngayon ang mga love stories, isa sa pinakamalaking producer sa bansa ang nakipag-usap sa kanya upang piliin ang isa sa mga nobela niya at gawing pelikula.

Kung ang career niya ang pag-uusapan, wala na siyang mahihiling pa. She was successful and a celebrity in her own right. The television station she was currently working for had just offered her a lucrative contract.

But not her love life.

Hindi niya malaman kung iiyak siya na siyang dahilan kung bakit sa nakalipas na tatlong linggo ay wala siyang mabuo kahit na anong kuwento. Isang buwan na ang nakaraan nang mag-break sila ng boyfriend niyang si Basti.

Ten months na ang relasyon nila at masasabi niyang matibay. Isa si Basti sa mga scriptwriters ng Channel 6. Katunayan ay doon niya ito nakilala nang subukan niyang mag-submit ng script sa TV station two years ago.

Huli na nang mapansin niyang nagkakaroon sila ng gap dahil sa pag-angat ng kanyang propesyon. At nitong tanggapin niya ang dalawang awards mula sa pretihiyosong award-giving bodies na pang television, at ang pagkakabili ng nobela niya para gawing pelikula, ay nakita niyang unti-unti ang pagiging unreasonable ni Basti.

Ang paghihiwalay nila ay nakita niyang hindi maiiwasan. Kaya nang sabihin ni Basti na cool off muna sila ay gusto niyang tumanggi, na kaya pa nilang tapalan ang anumang punit sa relasyon nila. But she had her pride to take care of.

She sniffed. Nararamdaman niya ang pagnanais ng mga luha niyang makakawala. Pero bago may luhang malaglag ay bumukas ang pinto ng silid niya at sumungaw ang stepmother niya. Ni hindi niya narinig ang pagparada ng sasakyan nito gayong hindi naman nakabukas ang air conditioner niya.

"I just know it. Nagkukulong ka rito!" dramatikong wika ni Malou, clasping her chest.

Nilinga nito ang computer screen niya. Ang makikita roon ay ang screen saver. "Have you been crying?" she asked suspiciously looking at her.

Almost a Fairy TaleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang