Chapter 6

337 30 1
                                    

RONI opened her mouth to say something and then closed it again. Mula sa matandang babae na sa wari ay nasa sinkuwenta ang edad ay bumaling siya kay Borj. He was smiling deviously that she wanted to scratch the smile off his face.

"At nakapag-almusal ka na pala!" bulalas uli ng matanda nang makita ang pinagkainan nila. "Mabuti naman. Nagustuhan mo ba ang tapang baka at daing na pusit?"

"Manang Medel," ani Borj sa matabang na tinig, "gusto mo na namang makarinig ng papuri sa homemade tapa at daing na pusit mo. Kitang-kita namang nasarapan ang pasyente natin..." Nilinga nito ang mesa. "Hayan at halos naubos ang inihain mo."

Malapad na ngumiti ang matandang babae at nilapitan siya. "Ako si Manang Medel, ineng." Nilabhan at napatuyo ko na sa dryer ang damit mo." Nilingon nito ang laundry basket na inilapag sa sahig, naroon ang mga damit niya.

"S-salamat ho."

Iwinasiwas ng matanda ang kamay. "Paplantsahin ko na lang nang magamit mo..." tinitigan siya nito, may disgustong umiling. Pagkatapos ay binalikan ang laundry basket at binitbit. Muli siyang nilapitan at hinawakan sa braso.

"Tara sa itaas. Ku, batang ito. Sana'y hinintay mo na lang ako at nang nakapagbihis ka bago ka bumaba. Hindi iyang..." ibinitin nito ang sinabi saka muling umiling.

"K-kayo ho ba ang nagbihis sa akin kagabi?" She turned to look Borj who was smiling smugly.

"Pinabihisan ka sa akin ni Borj at basang-basa ka nang iuwi ka niya kagabi. Alalang-alala ang pobre na baka kung napaano ka na." Sinulyapan nito ang noo niya. "Kahit paano'y hindi nangitim ng husto iyang noo mo. Pinadampian niya sa akin ng mainit-init na tuwalya."

Muli niyang nilingon ang kinatatayuan ni Borj pero wala na ito roon. Ni hindi niya napuna ang paglabas nito. She sighed her humiliation. Sa itaas ay hindi na niya pinaplantsa ang pantalong maong niya sa kabila ng pagtutol ni Manang Medel. At ang T-shirt naman niya ay hindi na kailangang plantsahin.

"Kung may kailangan ka sa akin ay nasa kusina lang ako at maghahanda na ng para sa tanghalian. Ano ba ang gusto mong kainin?" tanong ni Manang Medel nang nasa pinto na palabas.

"Hindi na po, Manang Medel. Alas-diyes pasado na at halos tanghali na rin naman ang kinain ko. Isa pa'y aalis na rin ho ako. Pagkabihis ko'y magpapaalam na ako kay... Borj. Salamat po sa lahat ng ginawa ninyo sa akin."

Kumunot ang ang noo nito. "Naku, eh, baka hindi pa mabuti sa iyo ang umalis kaagad, ineng. Alalahanin mong naaksidente ka. Baka mapaano ka sa daan."

"Salamat, pero hindi naman malubha ang pagkakaumpog ko sa manibela." "Niyuko niya ang strappy sandals niya na nasa paanan ng kama at isinuot.

"Kausapin mo si Borj, ineng. Siya ang magpapasya kung papayagan ka niyang umuwi." Tumingin ito sa bintana, patuloy pa rin ang mahinang ulan.

Bakit naman hindi ako papayagan? Ang nasa isip niya pero hindi niya isinatinig. Sa halip ay nginitian niya ang matanda at tinungo ang tokador kung saan naroon ang shoulder bag niya.

"Huwag kayong mag-alala at magpapaalam ako sa kanya."


NANG makalabas siya ay hinanap niya si Borj at nakita niya itong nakatayo sa balkonaheng kawayan. Nasa pasimano ang umuusok na mug ng kape, na marahil ay pangatlong mug na nito. Nakatingin ito sa mga African lovebirds na nasa malaking hawla katabi ng mga hanging plants.

Nilapitan niya ito. Lumingon si Borj at sandaling humagod ng tingin sa kabuuan niya. "Bihis ka na pala."

She took a deep breath. There was something about those dark-brown eyes that lingered on her explicitly. "I'm... sorry."

Almost a Fairy TaleWhere stories live. Discover now