Chapter 8

387 34 13
                                    

"NAIPAMIGAY na po namin ni Borj ang mga imbitasyon, Lolo... Lola," ani Missy, "kamakalawa pa."

"Mabuti naman," sagot ni Don Miyong. "Pag-isipan ninyo kung ano pa ang kulang. Ayoko nang kung kailan gipit ay saka biglang may lilitaw na aberya."

Tumayo si Borj mula sa pagkakaupo sa armrest ng sofa na kinauupuan ni Missy at tinungo ang bar. Bahagya na siyang sinulyapan ng kasintahan at muling nakuha ang atensiyon nito sa sinasabi ng grandparents niya at ng mommy nito.

Tinungo niya ang bar at nagsalin ng alak sa kopita at pagkatapos ay lumabas patungo sa likurang veranda na nakatanaw sa karagatan. Umuulan pa rin at sa dilim ay naririnig niya ang marahas na hampas ng mga alon sa batuhan.

Inilatag niya ang sarili sa rattan lounger habang banayad na sinisimsim ang alak. Kalahating oras mahigit ang nakalipas ay doon siya nalabasan ni Missy.

"Narito ka lang pala," banayad nitong sabi. "Kanina pa nagpaalam si Mommy."

Tumingala siya at nginitian ang kasintahan. "I'm sorry. Kailangan kong mag-isip?"

"Ano pa ba naman ang iisipin mo?" wika nito at naupo sa armrest ng lounger. "Nakahanda na ang lahat." Pagkatapos ay nilinga nito ang buong paligid at bahagya gininaw. "Hindi ka ba nalalamigan? Umaabot ang anggi ng ulan dito sa veranda, ah."

"Mainit sa katawan ang alak." He took another swallow.

Masuyong nilaru-laro ng kamay ni Missy ang buhok niya. "May problema ba?" malambing nitong tanong.

"What made you ask that?"

Missy sighed. "Borj, mula pa pagkabata ay magkakilala na tayo. Alam nating pareho kung may problema ang isa't isa. Mula kaninang dumating ka ay kakaiba na ang ikinikilos mo. Kahit nang nag-uusap-usap tayo nina Mommy at ng lolo at lola mo kanina sa hapunan ay alam kong wala sa amin ang isip mo."

Hindi siya sumagot, sa halip ay tumayo at dumulas sa ulo niya ang kamay ni Missy at halos hindi niya iyon napansin. Tumitig siya sa kadiliman. Maririnig sa paligid ang tikatik ng ulan, hampas ng alon sa batuhan, at ang tila konsiyerto ng mga palaka sa dilim at ulanan.

Sa pagkakaingay ng mga palaka ay may alaalang gustong bumalik sa isip niya subalit hindi iyon makapangibabaw.

He sighed deeply. Inubos ang natitirang laman ng kopita. Pagkatapos ay inilapag iyon sa pasimano. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay may babaeng gumulo sa isipan at damdamin niya.

At hindi si Missy iyon. In fact, hindi kailanman ginulo ni Missy ang isip niya sa ganitong paraan. Missy was a permanent fixture in his life. Sanay na siyang nariyan ito. He loved her and would protect her with his life. Tahimik at kontento siya sa damdamin niya para kay Missy.

Until Roni.

Ang pagpapakasal nila ni Missy ay inaasahan na ng mga magulang ni Missy at ng grandparents niya noon pa man. Naging magkasintahan sila may apat na buwan na ang nakalipas. Kung paano sila naging magkasintahan at naitakda ng lolo at lola niya at ng mommy nito ang kanilang kasal ay nakalilito pa rin sa isip niya hanggang ngayon.

Ang natatandaan niya'y dumating sa cottage si Missy at umiiyak. Nagkagalit ito at si Yuan, na kung tutuusin ay wala namang bago. Mga bata pa silang tatlo ay away-bati na ang dalawa.

Kung mayroon man siyang hindi maintindihan sa mga kababata niya ay iyong maiksi ang fuse nina Yuan at Missy pagdating sa isa't isa. Missy was a spoiled brat and a pain in the neck, was Yuan's complaint. And Yuan was a domineering, arrogant pig, was Missy's countercomplaint. Siya ang tumatayong referee sa pagitan ng mga kaibigan.

Ni hindi na nga matandaan ni Borj ang dahilan ng pinagkakagalitan nina Yuan at Missy nang araw na iyon. Ang natatandaan niya ay inaalo niya ito, katulad ng dati sa tuwing nagkakagalit ang dalawa. Nakayakap siya rito at hinahaplos ang buhok nito samantalang nakasubsob ito sa dibdib niya at umiiyak, which was nothing unusual for the three of them.

Almost a Fairy TaleΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα