Chapter 2

370 31 7
                                    

BINITIWAN ni Roni ang binatilyo nang ang tubig ay hanggang sa kalahati na ng binti niya dahil nahihirapan na siyang hilahin ito patungo sa batuhan.

"Nasa mababaw na tayo..." humihingal niyang sabi at pagkatapos ay humakbang patungo sa malaking bato at pabagsak na naupo.

Naghahabol ng hiningang nilingon niya ito nang pagapang nitong tinungo ang tuyong bahagi ng mga batuhan at saka inilatag ang sarili isang hakbang mula sa paanan niya.

Tumaas-bumaba ang dibdib nito sa paghahabol ng hininga. His eyes were tightly closed. May ilang sandaling nanatili ito sa ganoong ayos bago itinaas nito ang kanang kamay at inihilamos sa mukha upang hawiin ang tubig doon. Nang mahismasmasan ay bumangon ito at inayos ang sarili sa paupong posisyon sa mga batuhan. Itinukod ang mga braso sa mga tuhod. Tila ito sisiw na naulanan.

"Hindi ka ba tagarito at hindi mo alam na mababaw lang ang ilog sa bahaging iyon?" Naiirita niyang tanong, nabasa siya nang wala sa oras.

"Na...nabigla kasi ako..." sagot nito at nilingon ang ilog. She saw him shiver as if in horror. Pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa kanya. "Thank you."

"Anong 'thank you'!" singhal niya. "Alam mo bang dahil tatanga-tanga ka'y nakatakas ang palaka ko?"

Napakunot-noo ito sa tono niya. "Well, I'm  so--rry, pero hindi ko naman ginustong madulas at magmuntik-muntikanang malunod," sarkastikong tugon nito.

"Hindi ka malulunod dahil mas mataas ka pa kaysa sa lalim ng tubig!" Padabog siyang tumayo. "Diyan ka na nga!" Pairap at naaasar na tinalikuran niya ito. Susubukan na lamang niyang hanapin ang palaka. Baka sakaling makita pa niya iyon.

"Hey, sandali!"

Lumingon siya. Tumayo ito at humakbang palapit. "Thanks uli," anito kasabay ng pagsuklay ng kamay nito sa basang buhok patalikod. "Na... nakakahiya mang aminin ay talagang natakot ako at hindi ko na naisip na mababaw lang ang bahaging ito ng ilog." Sandali nitong nilingon ang kinabagsakan at muling ibinalik ang mga mata sa kanya at ngumiti.

Natigilan si Roni nang matitigan ito nang husto sa unang pagkakataon. She wasn't even a teen yet and honestly not interested in boys. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi siya marunong kumilatis ng magandang lalaki kapag nakakita siya ng isa.

And here was one-good-looking boy. Guwapo at maganda ang mga ngiti na lalong nagpa-cute rito at napansin niyang may dimple rin ito.

Tagasaan ba ito? Bakit sa nakalipas na halos dalawang buwang pagbabakasyon niya'y hindi na niya ito nakatagpo? Taga-Rosario ba?

"Hindi ba't nagpasalamat ka na?" Bumaba ang tinig niya.

At ang isang bagay na napansin niyang maganda sa mukha nito ay ang mga mata nito, na hindi niya namamalayang kanina pa niya tinititigan nang matagal. She had never seen such gorgeous, dark brown eyes. Come to think of it, this boy had dark brown eyes. Kakulay ng tsokolateng inihahain sa kanya ng lola niya kapag hindi pa nalalagyan ng gatas ng kalabaw.

"Eh, mukhang hindi mo gustong tanggapin ang pasasalamat ko," he said with a shrug. Sandaling tila pinag-aralan nito ng tingin ang buong anyo niya.

"Dayo ka lang sa San Fabian, no?" Isinatinig nito ang ganoon ding hinala niya rito. Kung sa kabilang ibayo ito nanggaling ay malamang na taga-Rosario nga ito.

Nang bigla'y bumalik sa isip niya ang palakang nakawala. At higit na mahalaga ang palaka kaysa gandang lalaki ng kaharap niya. Muling gumuhit ang iritasyon sa mukha niya.

"Paano ko namang tatanggapin ang pasasalamat mo gayong dahil sa iyo ay nakatakas iyong nahuli kong palaka."

"Eh, ikaw pala, eh," naiirita na ring sabi nito. "Kung ganoon naman pala at hindi maluwag sa dibdib mong sagipin ako, di sana'y hinayaan mo na lang akong malunod! Kaysa sisisihin mo ako sa pagkawala ng palakang kokak mo!"

Almost a Fairy TaleWhere stories live. Discover now