GREEN

430 9 0
                                    


Sabi ng mga kaibigan ko,


"The grass is always greener on the other side."


Eh, ako namang walang pake sa kung ano 'yung nasa other side,

palaging isinasantabi ang katagang 'yan.


Ngunit nung nakilala ko siya,



Peste! 

Hindi na umalis sa isip ko.


Love?  'Yun ba 'yung meron sa kabila?


-----


Pangalan ko'y Rose.

Oo, hango sa bulaklak na kilala ng lahat.


'Yung bulaklak na maganda pero may angking talim.


'Yung bulaklak na kinahumalingan ko mula pagkabata.

'Di ko inasahan 'yun ang magiging dahilan ng aking pagsinta.



PAGSINTA KO SA ISANG HAMPASLUPANG HINDI NAGSAWANG MAGPAASA AT MANGGULO NG AKING ISIPAN.



Parehong florist ang magulang ko.

Kaya noon pa lang, hilig ko nang magmasid ng mga bulaklak.

Lalo na 'yung Red Rose.


Sa sobrang hilig ko doon, lahat ng damit ko RED.

Lahat ng notebooks ko RED.

Lahat ng gamit ko RED.


Pati 'yung damit na suot niya nung nakilala ko siya RED.



Second year ako sa college nung una ko siyang nakita.

Nag-shift siya mula BS Biology papunta sa course ko, BS Chemistry.

Syempre, wala siyang kakilala sa block ko.

One-Shot Fiction StoriesWhere stories live. Discover now