'Yung mga bagay na nasa paligid ko,
'yung mga bagay na palaging nakikita ko,
'yung mga bagay na ninanais ko.
Kung gaano kabilis ko nalaman ang mga iyon,
Ganoon din kabilis naglaho ang katulad mo.
Mga ngiting hindi nabibili,
mga tawang hindi mo mapipilit,
mga luhang hindi mo na maibabalik.
Sa una lang pala masarap pakinggan,
mga salitang 'di mo pinaninindigan.
Masaya balikan ang ating mga alaala,
mga panahong masigla,
kung saan handa tayong hamukin ang lahat.
Buong akala natin ay tayo'y magtatagal,
'yun pala hanggang doon lang.
Hinayaan ko ang mga pagkukulang mo,
pinagbigyan ko ang mga kasalanan mo,
binalaan kita sa mga kinikilos mo.
Lahat ng tanong ko sinasagot mo ng 'oo',
pero hindi ka nagpapakatotoo.
Handa naman ako umintindi,
handa akong tulungan ka,
handa akong gawin ang lahat.
Gusto ko lang ay maging masaya ka,
pero hindi sa piling ng iba.
Lagi mo akong sinasamahan sa gala,
sa mga lakad nating kay saya,
mga panahong tayo ay nalilibang.
Akala ko dahil ay kasama mo ako noon,
![](https://img.wattpad.com/cover/112963105-288-k563634.jpg)
YOU ARE READING
One-Shot Fiction Stories
General FictionIf you were to make a story about a color, what would it be? Collection of one-shot fiction stories. Stories are written in English (for the first 3 chapters) and in Filipino (the remaining chapters). If there are any scenes that resembles others wo...