Kabanata 12

5.6K 237 12
                                    

Sabay kaming kumain ni Ethan. Kahit nag-usap na kami, hindi ko alam kung naniwala ba siya sa sinabi ko. Janella is his friend kaya siguro gano'n na lang ang reaksyon niya. Ibang impact iyon sa akin since his friend stole my Dad and she ruined our family. Of course, Daddy is the one to blame from the start, pero kung hindi pumatol ang babaeng iyon, hindi sana gano'n.

"I will ask Janella about it, okay?" mahinahon niyang sambit at sinalinan ako ng tubig sa baso ko. "I will ask. Kung gusto mo, magkita kayo-"

"Baka masabunutan ko lang iyon, Ethan," matamlay kong sambit at ininom ang tubig sa baso. "J-Just ask her."

He sighed and looked at me. "Sarah..."

"Do you think she will tell the truth? Of course you will believe her, Ethan, since kayo ang matagal na magkasama at nililigawan mo lang ako," I said bitterly.

Umawang ang kanyang labi. "You are important to me. Kung gusto mong iwasan ko siya, gagawin ko-"

"Bakit mo naman iiwasan ang kaibigan mo, Ethan?" Tinaasan ko siya ng kilay. "I was hurt. Matagal ko rin hinanap ang kabit ni Daddy. But she is still your friend."

Niliitan niya ako ng mata. "You told me earlier to stop pursuing you. Now, I know it's because of her."

Hindi ako nagsalita at saka nag-iwas na lang ng tingin. That's true. Ayaw kong ma-involve sa mga taong malapit sa mga nanakit sa amin ni Mommy. My Mom deserves better and I know that I also deserves better. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa tao, eh.

But Ethan...

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Ethan. He sat beside me and cupped my face.

"Don't push me away, okay?" pagsusumamo niya. "I waited for a year to finally hold you. Alam kong hindi pa tayo pero I will always wait. I will always chase you, Sarah."

"E-Ethan..."

Nanubig muli ang mata ko. Siya na mismo ang nagpunas sa luha ko at saka ngumiti siya sa akin.

"We will fix everything. Para mapanatag ka..."

Tumango ako at saka hinayaan siya na yakapin ako.

Gabi na nang umuwi si Ethan sa kanila. Sabi niya ay babalik daw siya bukas dito. Wala ba siyang trabaho? Iyon agad ang nasa isip ko. Ethan made me crazy. Gabi-gabi, hindi na siya mawawala sa isip ko. Medyo na-guilty ako na iniwasan ko siya dahil lang sa kaibigan niya ang kabit ni Daddy.

Hindi ko dapat ginawa iyon. Masyado akong naging childish sa part na iyon. Ngayong nakausap ko na siya, gumaan muli ang loob ko pero hindi pa rin mawawala ang galit at inis ko sa babaeng iyon.

***

Kinaumagahan ay maagang bumisita si Ethan. Nagulat ako dahil halos magdala na siya ng damit. Ang sabi niya ay mag-o-outing daw kami. Hindi man lang niya sinabi sa akin.

"Hindi ko naman alam na may plano ka pa lang mag-outing!" sarkastiko ko na sabi sabay tingin sa mga dala niya.

He chuckled and kissed my cheek. "I'm sorry, alright. Kagabi ko lang din ito plinano. Mag-a-outing tayong dalawa ng ilang araw."

Uminit ang pisngi ko at bahagyang lumayo sa kanya. Parang hinaplos ang puso ko sa nalaman. Kaya ba hindi siya nagte-text sa akin kagabi dahil nag-plano siya?

"Puwede ako mag-swimsuit, right? Two piece?"

Ngumiti siya sa akin sabay tango. "Of course. I actually bought you a swimwear."

Namilog ang mata ko at napatingin sa kanya. He smiled at me at kinuha niya ang isang paper bag na nilapag niya kasama ang kanyang bag kanina sa sahig. He handed me the paper bag.

"I hope you will like it."

Malapad na ngumiti ako at saka tinanggap ang paper bag. Sinilip ko ang laman at namangha ako na swim suit nga. May lotion pa at iba na pandagat. Inangat ko muli ang tingin ko sa kanya sabay ngiti.

"Thank you!"

"You're welcome, Sarah Jade."

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang saglit na katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa. Tumikhim ako at saka bahagyang lumapit sa kanya.

"Sincere na pasasalamat ito, Ethan," dagdag ko na ikinatigil niya. "Ang dami mong ginawa para sa akin. Thank you for making me feel good. Thank you for waiting. Alam kong magiging worth it din ako sa iyo."

He caressed my cheek and his eyes became serious. Mas lalo lamang akong napalunok.

"You are worth waiting for," he said in a serious tone at automatic na napapikit ako nang unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. "At saka na lang kita hahalikan kapag sinagot mo na ako."

He chuckled and stepped back. Namilog ang mata ko at gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Uminit ang buong mukha ko at napayuko na lamang.

Bakit ka pumikit? Gage, kakahiya iyon!

Magsasalita na sana ako ngunit biglang sumilip si Tita Lera sa loob. Nang nakita kami ay tumango siya.

"Tapos nang linisan ang kotse mo," sabi ni Tita.

"Thank you, Tita Lera," Ethan said in a formal way before he looked at me again. "Mag-e-enjoy tayo sa ilang araw na bakasyon natin, Sarah Jade. And we will go home with a smile on your face."

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: May 04 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Chasing StarsKde žijí příběhy. Začni objevovat