Simula

20.3K 531 62
                                    

"You may now kiss the bride," the priest announced. 

Tumayo kaming lahat at pumalakpak nang hinalikan ni Zachary ang aking kaibigan na si Hazel sa harap ng mga bisita. Sa wakas, nakahanap na rin siya ng lalaking magmamahal sa kanya hanggang sa huling hininga niya. Masaya ako para sa kaibigan ko dahil hindi rin biro ang kanyang pinagdaanan sa usapang pag-ibig. 

Matapos ang kausap, nauna na akong nagtungo sa reception. Kasama ko ngayon si Zellor dahil busy ang bagong kasal sa pag-entertain sa mga bisita habang si baby Monday ay nasa kanyang lolo't lola. 

"Tita!" tawag ni Zellor sa akin habang hinihila ang laylayan ng gown ko. 

Nagbaba ako ng tingin sa kanya. "Bakit, baby? May masakit ba sa iyo?" 

Umiling siya at may itinuro. Nang tingnan ko ito, napairap na lamang ako sa iritasyon. Walang ibang itinuro si Zellor kundi si Ethan. 

Napabuntonghininga na lamang ako at saka nag-iwas ng tingin. Ginulo ko ang kanyang buhok at mahinang pinisil ang kanyang pisngi. "Don't mind him, baby." 

Sinulyapan ko muli si Ethan na ngayon ay nasa akin pa rin ang tingin. Napailing na lamang ako at saka muling nag-iwas ng tingin. 

I don't like the way he stares at me. Para kasi akong matutunaw sa mga tingin niya. Alam ko naman na normal lang iyon sa kanya ngunit para sa akin, naiilang ako. Parang tinutugis niya ang puso ko. Na dapat ay maakit ako sa mga tingin niya. O baka masyado lang akong asyumera sa mga tingin niya. After all, siya naman itong habol nang habol sa akin. 

Hindi siya katulad sa mga lalaking nakasalamuha ko. Hindi siya katulad sa mga lalaki sa libro na nabasa ko. He is beyond perfect! Hindi ako makapaniwala na gusto niya ako. After I saw him with other woman before? Nah, definitely not my taste. 

Siguro na-challenge lang siya sa akin kaya hindi niya ako tinitigilan. Anim na beses ko ba naman siyang binasted, sino ang hindi macha-challenge? He thought I wouldn't reject a man like him. But, yeah. I let him taste what it feels like to be rejected. 

Bukod doon, ayaw ko rin sa nararamdaman ko ngayon kaya gusto ko na tumigil na siya para tumigil na rin ito. I don't want to fall again. Ayaw kong mahulog sa mga matatamis niyang salita. Ayaw kong masaktan muli. 

Siguro nadala ko na ito sa present dahil sa trauma na naranasan ko sa dating boyfriend ko na pinagpalit ako sa isang malandi. Sumakabilang puday na kasi hindi pinagbigyan. Kaya gano'n din ang tingin ko kay Ethan. Hangga't hindi niya ako nakukuha, hindi siya titigil sa akin. Masasaktan ang ego niya.

"Congratulations, Sis!" I cheerfully greeted my friend and hugged her. "I am so happy for you." 

Nang humiwalay ako sa yakap ay nginitian ko siya.

"Salamat," sagot niya at saka ngumiti sa akin pabalik. 

"Uuwi na pala ako," paalam ko sa kanya at saka binalingan si Zachary na nasa tabi lang ni Hazel. "Salamat at congratulations ulit. Huwag mong lusyangin ang kaibigan ko, ah?"

Tumawa si Zachary at ngumisi. "Sure!" At niyakap niya si Hazel mula sa gilid.

Medyo yumuko si Hazel sa ginawa ni Zachary, siguro dahil sa hiya. 

Naku! Ito talagang kaibigan ko, nahihiya pa rin. Asawa na nga iyan, eh!

Napangiti na lamang ako at saka umalis na sa hotel. I need to go home. I am jobless right now. Isang taon na akong walang trabaho dahil nagta-travel ako. Oh diba? Walang trabaho pero nakapag-travel a lot. 

Ipon ko kasi iyon at ang iba ay bigay ni Mommy. Ayaw ko kasing manatili sa bahay o kung saang lupalop ako nakatira ngayon kapag may pera ako. I want to travel at alam ko na kulang pa iyon. But now, I need to stop for a while. Iiwan ko muna ang bisyo ko ngayon at maghahanap muli ng panibagong trabaho. 

Inangat ko ang gown ko dahil hindi ako kumportable. Kasalukuyan akong naghihintay ng bus na masasakyan. Gusto sana akong ipahatid ni Hazel pero tumanggi ako. Ayaw ko kasi na pati ang driver nila ay mapupurwisyo sa akin. May pamilya din iyon at need din ng pahinga.

Huminga ako nang malalim at saka maglalakad na sana palayo nang biglang may huminto na isang mercedes benz sa gilid ko. Napasinghap ako sa gulat at nabitiwan ko ang laylayan ng gown ko. Umatras ako at saka kumunot ang noo nang lumabas si Ethan sa kotse.

Sa kanya ba ito? Bakit iba ulit? Ang yaman, ah?

Binuksan niya ang pinto ng kotse sa passenger's seat at saka malamig akong tiningnan. "Get in."

Inirapan ko na lang siya at saka nagpatuloy na lang sa paglakad palayo sa kanya. Inangat ko ang laylayan ng gown ko para maayos akong makapaglakad sa gilid ng kalsada.

Binasted ko na siya, ah? Ano pa ba ang hinabol-habol niya sa akin? I bet, marami pa siyang babae na pagpipilian. Hindi siya mauubusan kaya why would he waste his time para dito?

Masyado siyang halata. Hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari 3 months ago. Habang nasa Greece ako, I saw him hiding his face on a newspaper while eating in a restaurant. Ang sabi niya, coincidence lang daw dahil may business meeting siyang pinuntahan sa Greece. At hindi lang iyon, he even flooded my Instagram posts!

Kaya hindi ko maiwasan ang mapatanong sa sarili kung ano ang nagustuhan niya sa akin. I know myself. Madali akong mahulog at madali ring mauto't masaktan. Kaya gagawin ko ang lahat para tigilan na niya ako. Ayaw ko na mas lalalim pa itong nararamdaman kong paghanga sa kanya.

"Sarah Jade!" mariin niyang tawag sa pangalan ko at sinundan ako.

Natigilan ako sa paglalakad at saka nilingon siya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Why?"

"I said, get in!" iritado niyang sambit.

"Ayoko."

At saka nagpatuloy ako sa paglalakad sa gilid ng kalsada na naka-gown at naka-takong. Akala ko ay titigil na siya dahil tinanggihan ko ang offer niya pero napatili na lamang ako nang bigla akong umangat sa ere at bumaliktad ang paningin ko.

"Ibaba mo ako!" natataranta kong sabi at saka sinapak ang kanyang likod. "Ibaba mo ako, Ethan!"

"Shut up!"

Napasinghap ako.

"B-in-asted na kita, ah?" singhal ko at saglit na natigilan nang makita ko na papalapit na kami sa kotse niya. Hinila ko ang buhok niya sa inis. "Kaya tigilan mo na ako! Kapag tinanong mo ako ulit, pang-pitong basted mo na!"

Ngunit hindi niya pinakinggan ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa may kotse niya. Binuksan niya ang pinto at saka inupo ako sa front seat. Tinulak ko siya matapos niya akong maiupo ngunit itinulak niya ako pabalik kaya napasandal ako sa upuan.

"Ayokong sumama sa iyo!" sambit ko at saka sinampa ko ang magkabilang palad ko sa kanyang dibdib sabay tulak nang malakas.

Marahas akong napasinghap nang hawakan niya ang magkabila kong kamay at idiniin niya ito sa upuan kaya wala na akong kawala. Lumapit ang kanyang mukha sa akin at walang sabing hinalikan niya ako sa aking labi.

Namilog ang mata ko at nanigas sa aking puwesto. Hindi ako makapaniwala na sa halik niya lang ay tatahimik ako. Hindi ko akalain na ang halik niya pala ang magpapahina sa akin and I don't like it!

Tahimik niya akong nilagyan ng seat belt bago niya sinara ang pinto at umikot patungo sa driver's seat. At habang bumabyahe, walang iba ang lumabas sa aking isip kundi ang halik ni Ethan.

Napasinghap ako at napailing. No. I won't fall for him! Never! 

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon