Kabanata 6

6.1K 253 51
                                    

Pagdating ko sa bahay, I stared at the bracelet he gave me. Ngiting-ngiti ako habang tinitingnan iyon. My interview didn't go well pero nagawa niya pa ring pagaanin ang loob ko sa simpleng regalo na ito.

Naririnig ko ang sariling pagtibok ng puso ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na isang araw, i-acknowledge ko ang nararamdaman niya sa akin. Na ma-appreciate ko ang efforts niya.

"Darling, you know you can work in our company, right? Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Mas magiging desente ang buhay mo if you help our company," ani Mommy sa kabilang linya.

She called me matapos kong kumain ng dinner. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina so she was a bit concern about it.

Yes, may company ang pamilya namin and my mom convinced me to work there.  Isa kasi si Mom sa mga owners aside from her brother na kasalukuyang namamahala sa negosyo nila.

"Mom, I am totally fine. And I want to start from the bottom." I chuckled. "Para lang iyang aakyat ng hagdan. If you want to reach the top, start from the bottom. Iyon ang paniniwala ko, Mom."

Napabuntonghininga si Mommy sa sinabi ko. "Alright. I cannot really convince my independent daughter, huh. But if you change your mind, call me. You are always free to come back."

That was the last thing she said before she ended the call. Nailapag ko na lamang ang phone ko sa side table at humiga sa kama. Kailangan ko nang magpahinga dahil baka papasok na naman sa isipan ko si Ethan at hindi na naman ako makakatulog nito.

***

The next day, Ethan visited me. Kumunot tuloy ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Wala ka bang work?" tanong ko habang pinagkrus ko ang aking braso. "Why are you  here?"

“Wala man lang ba akong yakap diyan?” he teased. “I am here because I want to see you.”

I rolled my eyes. “Oo na.”

Ngumiti siya nang pinapasok ko siya sa loob. Ako lang ang mag-isa kasi hindi pa rin bumabalik si Diana. Ewan ko rin sa babaeng iyon, lakwatsera iyon, eh.

“Ano ang gusto mo?” tanong ko nang umupo siya sa sofa.

“Ikaw.”

Napasinghap ako. “H-Huh?”

“Ikaw ang gusto ko,” he said in a serious tone. Tinapik pa niya ang katabi niyang upuan. “Sit here. I don’t want anything except you.”

I frowned. “Seryoso ako, Ethan. Ang aga-aga mo. It’s still 6 am in the morning!”

He laughed. “But I want you. Iyon lang. Can you at least grant my wish? Gusto ko lang naman makausap nang masinsinan ang nililigawan ko.”

Tiningnan ko siya nang matagal bago ako bumuntonghininga at saka hinakbang ang paa ko patungo sa kanya.

“You didn’t even remind me that you will come here! Wala pa akong ligo!” I pouted and sat beside him.

He grinned. “I told you, I want to see your morning face!”

Binalingan ko siya. “What’s with my morning face? Gusto mong makita ang muta ko?"

He leaned closer to me. “Ang ganda mo. Wala pa yang ligo, ah?”

I blushed and slightly pushed him away from me.  “Bolero mo talaga!”

He pouted. “I’m not.”

“Wala ka bang trabaho?” tanong ko at saka inilagay ang kamay ko sa hita ko. "May time ka kasing bumisita dito nang ganito kaaga!"

“Of course. I am here because I want to ask you out.”

Chasing StarsWhere stories live. Discover now