Kabanata 10

5.3K 227 13
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula nang mag-usap kami. Matapos ang rooftop date namin ay naging busy na ulit si Ethan at naintindihan ko naman iyon. Hindi na rin ako umasa na matanggap sa Empire dahil sa walang kuwenta kong sagot.

Kaya ngayon, pagala-gala muli ako sa mall. Pero hindi katulad ng dati, naging conscious na ako sa paligid ko dahil baka makita ko na naman si Dad at ang babae niya.

Naalala ko ang kanyang mukha. Chinita siya at hindi maipagkaila na maganda siya. Maiisip ko lang na may relasyon sila ni Daddy ay nasusuka na ako. Nandidiri.

I decided to buy a new clothes since bored ako. Gusto ko ng bago at magagamit ko na naman ang pera ko. Gusto ko kasing bisitahin si Mommy and I want to give her a present.

Habang tinitingnan ko ang mga dresses at ang presyo nito, nasulyapan ko ang masamang titig sa akin ng babae. Binalingan ko siya dahilan ng pagkatalon niya sa gulat.

"May problema ka ba?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Why are you glaring at me like that?"

Nakita ko na nataranta siya sa sinabi ko kaya napailing na lamang ako.

"Don't worry, hindi naman ako narito para mag-window shopping lang." I rolled my eyes. "Narito ako para bumili. Huwag mo akong tingnan ng masama na parang magnanakaw. Hindi ko ugali iyon at I could buy anything in here."

Yumuko ang babae at hindi na nagsalita. Lumapit naman ang isang staff sa akin.

"Ma'am, may problema po ba?" magalang na tanong sa akin ng babae na tingin ko ay empleyado rin dito.

"Wala naman," matabang kong sinabi at ibinalik ang atensyon ko sa dress na nagustuhan ko. "Gusto ko nito."

"Okay, Ma'am..."

I paid the dress at saka umalis na. Hindi ko na nilingon ang babaeng iyon dahil naiinis ako. I am planning to text Ethan about my whereabouts pero naisip ko na masyado akong pabebe at baka hindi niya magustuhan. At saka isa pa, hindi ko pa siya boyfriend pero siguro pagkatapos kong makipagkita kay Mommy, I am planning to ask him out at doon ko na siya sasagutin.

Napangiti na lamang ako sa naisip. Alam ko naman na may feelings na rin ako sa kanya. Ngayong kumpirmado na, hindi na ako natatakot na magpapasok muli ng lalaki sa buhay ko. Lalabas na sana ako ng mall nang may nahagip ng aking tingin.

Umusbong ang inis at galit sa puso ko nang makita ko ang babaeng iyon. Ang kabit ni Daddy. May kinakawayan siya at sobrang lakinng ngiti niya. Sinundan ko ang kanyang tingin at nang makita ko kung sino ang kanyang kinakawayan, tumigil ang mundo ko.

"W-What?"

Kilala niya ba si Ethan? Kumalabog nang husto ang puso ko at mas lalong umusbong ang galit sa akin. Bago pa man ako makalapit, lumapit ang kabit ni Daddy kay Ethan at saka niyakap niya ito.

Tuluyang nalaglag ang panga ko at ang puso ko sa nakita. Ilang beses akong napakurapkurap thinking na hindi totoo itong nakita ko. Nang matapos yakapin ng babae si Ethan ay sabay silang pumasok sa isang restaurant.

Agad akong naglakad para sundan sila. Kasabay no'n ay ang pagngilid ng luha sa aking mata. Ethan is hanging out with my dad's mistress. Hindi ko alam na magkakilala sila. Para akong natraydor sa hindi malamang dahilan.

Pumasok din ako sa restaurant na iyon at pumwesto sa malayo. Nagmumukha na akong stalker.

Magkakilala ba talaga sila? Why? Hindi niya ba alam na kabit ang babaeng iyan? O baka naman...baka naman pagod na si Ethan sa akin dahil matagal ko siyang sinagot.

Hindi ko pa talaga kilala si Ethan. And I am not his girlfriend kaya wala akong karapatang manggulo o sumingit . Hindi ako gano'ng klaseng babae ngunit nagsimula na akong mag-doubt kay Ethan mula nang makita ko siya ngayon kasama ang babaeng iyan.

Bakit ako nandito? Bakit ko sila sinusundan? This is not me. Hindi ako ganito.

Nang mabalik na ako sa reyalidad, tumayo na ako at umalis because this is not right.

I trust Ethan pero bakit siya nakipag-usap sa gano'ng klaseng babae? Magkaano-ano ba sila?

I bit my lower lip at pinigilan ang sarili na maluha. Gusto ko pa naman magkaroon ng lalaking magmamahal sa akon na walang ibang kinahuhumalingan. Kahit kaibigan pa niya iyon, hindi ko matanggap, dahil ang babaeng iyon ang isa sa mga naging dahilan kung bakit nasira ang masayang pamilya namin noon.

Alam ko na alam niya na may asawa na si Daddy pero masyadong makapal ang mukha niya at pumatol pa siya sa halos tatay na ang edad. Kinuyom ko ang kamao ko at sa sobrang lutang ko ay hindi ko sinasadyang mabangga ang isang lalaki na mukhang nagmamadali pa yata.

Namilog ang mata ko nang mahulog ang mga gamit niya dahil sa banggaan namin.

I gasped. "Hala, sorry!"

Agad-agad akong yumuko para pulutin ang kanyang mga gamit.

"No, you don't have to-"

"Pasensya ka na talaga!" Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha at ngayon ko lang na-realize na kita pala ang cleavage ko. Bigla tuloy akong nahiya.

Umayos ako ng tayo at saka inilahad sa kanya ang kanyang mga gamit.

"Ito na ang gamit mo, pasensya ka na..." At umalis na ako sa lugar na iyon.

Ang plano na kitain si Mommy ay hindi natuloy. I locked myself in my room at hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Ethan. I don't think makakausap ko siya ngayon ng matino matapos ko siyang makita kasama ang kabit ni Daddy.

Kahit naman wala siyang ginawang masama, masakit pa rin sa akin lalo na't manliligaw ko siya. Alam niyang may kabit ang Daddy ko at alam niya rin na malaking epekto iyon sa akin. Pero hindi niya rin naman kasalanan kasi hindi niya naman alam na ang babaeng iyon ay ang kabit ng Daddy ko.

Sa yakapan pa lang nilang dalawa, tingin ko ay close sila. What a small world, huh? Baka kapag nakita ko ulit ang babaeng iyon na kasama si Daddy, baka hindi na ako makapagpigil at masabunutan na siya.

Kung magiging masama man ako sa lahat, wala akong pakialam basta makabawi lang ako sa sakit na binigay nila sa akin.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon