Kabanata 8

5.4K 256 23
                                    

“Ethan!” Hinawakan ko ang kanyang palapulsuhan. “Let’s go!”

"Alright."

Ngumiti siya sa akin at tinanggal ang kamay ko sa palapulsuhan niya. Kumunot ang noo ko ngunit napasinghap nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ito.

“Let’s hold hands, baka mawalay ka sa akin,” he said at siya na mismo ang naghila sa akin sa loob ng mall.

We are planning to spend out time together sa rooftop. May rooftop kasi ang apartment kaya napagdesisyonan namin na doon na lang mag-stay. Kaya ngayon, narito kami sa grocery section, namimili ng mga pagkain at inumin. Mukha kaming magjowa dahil magkahawak-kamay kami. Nabitiwan nga lang niya nang kumukha kami ng cart.

I am wearing a gray spaghetti croptop, and a high waist short. Suot ko rin ang puting rubber shoes ko at may hairpin ang maikli kong buhok.

“Gusto ko maglasing ngayong gabi,” I told him and smile. “Gusto ko magsaya ngayong gabi.”

Nakita ko na pinagmasdan niya ako at saka tumango. “Alright, we will do that. We will make that happen.”

Ngumiti ako sa kanya at tinulak ko na ang cart. Marami akong kinuha. Mga junk foods at saka mga beer in can.

“What about fries?” I pouted. “I want to eat fries. Date natin ngayong gabi, hindi ba? Dapat may fries!”

Nagningning ang kanyang mga mata na nagpatigil sa akin. “You mean it, right? That today is our date?”

Tumikhim ako.  “Oo naman. You want to spend you day with me, right?”

Mahina siyang napasinghap. “I thought…”

“I like you,” diretsahan kong sinabi. Namilog ang mata niya sa sinabi ko. “But liking you is not enough for me to say yes. That’s why you need to prove yourself para worth it ang pagsagot ko sa iyo."

Nauna na akong naglakad sa kanya nang matulala siya. Tumigil nga lang nang may naalala ako. Binalingan ko siya at ngumuso ako.

“Ethan, bumili ka ng fries, ah! May kukunin lang ako. Magkita na lang tayo sa counter!” I said and waved at him.

Tinulak ko na ang cart ko at nagtungo na sa mga ingredients area. Excited ako dahil mag-iinuman kami ngayong gabi. Sana naman ay hindi uulan para makita ko muli ang mga bituin. Plano ko rin ang gumawa ng spaghetti ngayon. Sabi niya, isa sa paborito niya ang spaghetti kaya gusto ko siya gawan.

Bumuntonghininga ako at saka tumungo sa mga naka-display na mga cheese.

“I need to get cheese first,” I said to myself.

Ngumiti ako at akmang kukunin ko na sana ang cheese nang maunahan ako ng isang kamay. Agad kong ibinaling ang tingin ko sa nauna. Isa itong babae na mukhang may lahing Chinese dahil na rin sa mata.

"Hala! Sorry..." Ibabalik niya na sana ang cheese ngunit pinigilan ko siya.

"Naku. Okay lang, Miss." I smiled at her. "Marami naman. Hindi ko kailangan makipag-agawan."

Ngumiti muli ako sa kanya at kumuha na lang ng ibang cheese at saka inilagay sa cart.

“Janella, matagal ka pa ba riyan? Let’s go, I am hungry.”

Nakuha ng aking atensyon ang isang pamilyar na boses. Parang kilala ko ito dahil automatic na nag-react ang puso ko. Nang tingnan ko ang babaeng intsik na nagngangalang Janella ay ngumiti ito sa tumawag sa kanya.

“Okay, Honey!”

Mahinang tumango ang babae sa akin at saka nilagpasan ako tulak ang kanyang cart. Nanginig ang kamay ko at sinundan ko siya ng tingin. At muntik na akong matumba at napasinghap nang makita ko ang lalaking tumawag sa babaeng iyon. He was smiling habang nakahawak na ngayon sa babaeng lumapit sa kanya. Papalayo na sila ngunit ang aking mga mata ay nakatuon pa rin sa lalaking unang bumasag sa puso at tiwala ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa aking mata. Para akong sinaksak ng harap-harapan. Hindi ko in-expect na makikita ko muli si Daddy at mukhang iyon ang kabit niya. I wanted to shout. Gusto kong sumunod sa kanila pero ayaw gumalaw ng paa ko. Ayaw akong pahakbangin.

"D-Dad..."

Pinagtitinginan na ako ng ibang mga customers dahil umiiyak ako. Nangangatog ang binti ko at akmang uupo na sana sa sahig nang may humawak sa bewang ko. Bumungad sa akin ang nag-alalang si Ethan.

He cupped my face. “Why are you crying? May masakit ba sa iyo?”

Umiling ako at mas lalong naiyak.

“Sarah…”

Today, I saw my Dad again with his mistress. Nakaharap ko pa. Maganda siya at inosente ang pagmumukha. Parang hindi makabasag ng pinggan. I suddenly felt disgusted dahil pumatol si Daddy sa halos kaedad ko lang.

"Sarah, It's okay. Don't cry, hmm?" He kissed my forehead. "I'm here. You can tell me your problem."

Napapikit ako at hinayaan siyang yakapin ako. Nagmumukha na kaming tanga dahil pinagtitinginan kami ng mga customer na dumaraan. I don’t know kung ano ang masasabi ko sa babaeng iyon kung may lakas lang ako. Masyado akong nabigla. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Dad sa Mall na ito kasama ang babae niya. Ang kapal naman ng mukha nila.

Umuwi kami sa bahay matapos ang insidenteng iyon. Nakayakap pa rin si Ethan sa akin habang patuloy sa pag-agos ang luha sa mata ko.

“Tell me, Sarah," mahinang wika niya sa akin. Nasa sofa kami ngayon. Nakasandal ako sa kanyang dibdib. “What made you cry, Sarah Jade?"

Bakit ko sasabihin? Ayaw kong masali ang kung anong meron kami ngayon sa problema ko.

“If you won’t tell me, hahalikan kita hanggang sa hindi ka makahinga," banta niya at hinalikan pa ako sa pisngi kong basang-basa.

“Ethan,” I called his name. “K-Kung sasagutin kita, you won't hurt me, right? You will not cheat on me? Y-You will not abandon me and you will not force me to h-have s-sex with y-you, right?”

Biglang gumalaw si Ethan sa kanyang inuupuan at saka dinungaw ako. Napalunok ako dahil malamig na ang kanyang tingin sa akin.

“Is that what you think of me?” he asked.

“H-Hindi…” Umiwas ako ng tingin. “Nagtanong lang naman ako.”

Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. "Hindi naman ako magpapa-basted ng ilang beses para lang saktan ka. I won't force myself in your life if that's my only goal. I am not a cheater, Sarah Jade. And why would I force you to have sex with me? I'm not a rapist and I respect you. We will do that when you're ready."

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Seryoso siya at wala akong nakikita na pagbibiro. He was sincere with his words.

Hinaplos niya ang basa kong pisngi. "Kung gusto mong magpakasal muna tayo bago gawin iyon, I will respect that, Sarah Jade, because I am in love with you."

Chasing StarsWhere stories live. Discover now