Kabanata 11

5.3K 256 13
                                    

Janella Santos.

Iyon ang pangalan ng kabit ni Daddy. Magkaibigan sila ni Mike Ethan simula noong bata pa sila. Paano ko nalaman? I stalked Ethan's social media accounts na dati ko namang hindi ginagawa. Hindi naman mahirap hanapin dahil kahit inactive si Ethan sa social media, madali lang dahil sa naka-tag sa kanya.

Nagu-guilty ako dahil iniiwasan ko siya ngayon. Grabe ang plot twist, huh. Kung kailan ko na siya balak sagutin, saka ko naman malalaman na nakapaligid lang pala sa kanya ang babaeng nagpadanas sa amin ng sakit. Sana masabi ko iyon sa kanya. Pero ano naman ang sasabihin ko? Iwasan ang babaeng iyon na nauna pa sa buhay niya?

Of course hindi ko sasabihin iyon. Hindi naman puwedeng iiwasan niya ang matagal na niyang kaibigan para sa akin. But still, I could stand it. Kapag naging kami, sigurado ako na maghaharap kami ng babaeng iyon at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't masabunutan ko pa siya sa sobrang gigil.

Sumisikat na ang araw ngunit hindi pa rin ako bumabangon. Kumukulo na rin ang tiyan ko pero tinitiis ko talaga dahil wala akong ganang bumangon.

Gusto ko munang linawin ang aking isipan. Ang pakalmahin ang sarili ko. Kasi kung pauusbungin ko ang emosyon ko, baka makakapagdesisyon ako na pagsisisihan ko sa huli.

Pinikit ko ang aking mata dahil sa hapdi. Hindi ko na talaga kaya. Siguro babangon na talaga ako at magluluto. Wala pa akong planong mamatay. Ayoko ring mamatay na virgin kaya huwag muna.

Akmang babangon na sana ako nang marinig ko ang boses ni Tita Lera. Namilog ang mata ko at humiga muli sabay takip ng kumot sa buong katawan.

"Hijo, nag-away ba kayo ni Sarah?"

"No...I don't know, Tita. She's avoiding me. Ilang araw na ang lumipas."

Kumirot ang puso ko at mas lalo lamang na-guilty. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin matapos ko siyang makita na kasama ang babaeng iyon. Hindi naman puwede na magbulag-bulagan ako.

"Do you have a spare key? I think she lock the door," narinig kong sambit ni Ethan.

Namilog ang mata at biglang nataranta. Hinigpitan ko ang kapit ko sa kumot at saka pumikit. Magpapanggap na lang siguro ako na tulog para hindi na niya ako iisturbohin. Pikit na pikit ang aking mata habang mariin kong kinagat ang aking labi.

Kailangan kong tiisin ang gutom ko para umalis na si Ethan. Umuwi ka na muna. Pero bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko ang pagbukas ng pinto ko. Mas lalong dumiin ang kapit ko sa kumot.

Nang marinig ko ang kanyang mahinang yapak ay tahimik akong nagdasal na sana umalis na siya. Sana epektibo itong pagpapanggap ko.

"Sarah," he huskily said. "Sarah..."

Hindi ako nagsalita at halos pinipigilan ko na ang sarili ko na huminga.

Umalis ka na, Ethan. Tulog ako at-

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang tiyan ko. Namula ang buong mukha ko sa hiya at alam ko na rinig na rinig iyon ni Ethan.

As expected, narinig ko na naman ang kanyang mahinang tawa.

"Tsk. You are going to starve yourself just to avoid me, huh?" sarkastiko niyang sambit at tinikom ko nang mariin ang labi ko nang puwersahan niyang hinila ang kumot palayo sa akin.

Tinakpan ko ang mukha ko nang umupo si Ethan sa sahig at saka inilapit ang kanyang mukha sa akin. Pilit pa niyang hinihila ang kamay ko palayo sa mukha ko.

"Ano ba?" Tinampal ko ang kamay niya at saka ibinalik ang isang palad ko sa mukha ko. "Umalis ka nga?"

"What makes my baby angry, hmm?" he asked and kissed the side of my hand.

Napalunok ako at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bumuntonghininga siya at saka may isang paper bag na inilapag sa kama ko. Sumilip ako sa kamay ko.

"I bought a breakfast meal sa Mcdonalds. You avoided me kaya hindi na ako mapakali, Sarah Jade."

"Huwag mo na akong ligawan. Umalis ka na," malamig kong sinabi at saka tumalikod sa kanya ng higa.

"N-No!" pagpoprotesta niya. "Can you explain to me why? Wala akong nakikitang rason kung bakit pinapatigil mo ako, Sarah Jade. Bigla ka na lang naging ganiyan."

Mahinahon ang kanyang boses kahit sa ganitong sitwasyon namin, mahinahon pa rin siya.

"Umuwi ka na muna," mahina kong sabi sabay pikit.

"No, I am not going. Not until you explain to me!"

Kinuyom ko ang kamao ko. Kumirot ang puso ko. Hindi na kasi mawala sa isip ko. Bigla na lamang akong nag-iba. Natatakot lang siguro ako.

"Sarah..."

"S-Sino ang babaeng iyon?" mahina kong tanong.

Narinig ko ang kanyang pagsinghap. "What?"

Sa inis ko ay bumangon ako at hinarap siya na may luha na sa aking mata. Nagulat siya sa ginawa ko.

"'Yong kasama mo sa mall! Iyong babaeng iyon! Hindi mo ba alam?"

"Who? Si Janella ba ang tinutukoy mo?"

"Oo! Hindi mo ba alam kung gaano sinira ng babaeng iyon ang buhay namin ng Mommy ko?"

Umawang ang labi niya. "She's a friend-"

"Kabit iyon ng Daddy ko!" umiiyak kong sinabi.

Namilog ang mata niya at napatayo.

"Huh? What are you talking about, Sarah Jade?" naguguluhan niyang tanong.

Tingnan mo? Hindi maniniwala hindi ba?

Nag-iwas ako ng tingin at mahinang natawa. Pinunasan ko ang sariling luha ko.

"Umalis ka na, Ethan. Kung ayaw mong maniwala sa akin, wala akong magagawa." Pumikit ako sabay lunok. "Hindi ko ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw maniwala sa akin. Siguro hindi ka makapaniwala because you are her friend. Wala na akong magawa. Umalis ka na sa buhay ko. Ayaw kong makonekta sa babaeng iyon dahil baka masampal ko iyon."

I gasped when he cupped my face. Naimulat ko ang aking mata at gulat siyang tiningnan. Nakaluhod na ang isa niyang tuhod sa kama ko habang pinunasan gamit ang kanyang daliri ang aking luha.

"S-Sarah..."

"U-Umalis ka na!"

Sinubukan ko siyang itulak pero nagmamatigas siya.

"Bakit ba ayaw mong umalis? Bakit ba ayaw mo akong tigilan?" Sinapak ko ang kanyang dibdib. "Ano ba ang meron sa akin, ha? Lolokohin mo rin ako katulad ng ginawa ni Dad kay Mommy!"

Umiling siya. "I will not do that. I won't cheat on you. I will not gonna be like your father."

"Sinasabi mo lang iyan ngayon," sabi ko sabay singhap.

"Not all men are cheaters. Hindi lahat ng lalaki ay katulad ng Daddy mo, Sarah Jade. Ibahin mo ako, please..."

Pumikit na lamang ako nang naramdaman ko ang kanyang labi sa noo ko. Tinulak niya ang likuran ko upang mayakap ako sa kanya.

"Sabi ko nga, Sarah. Share your burden with me," bulong niya sa tainga ko.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now