Kabanata 3

8K 315 33
                                    

Tiningnan ko ang kanyang reaksyon habang nakatingin siya sa mga kahoy sa bakuran. Nakaawang ang kanyang labi habang nakatingin doon. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagprotesta pero wala na siyang magagawa dahil hindi naman siya ang sasagot kundi ako. 

I crossed my arms and arched my brow. "As I said, paghirapan mo."

He looked at me in disbelief. Napalunok siya at tinuro ang mga kahoy. "You mean--"

"Oo, tama ang nasa isip mo! Ipagsisibak mo kami ng kahoy!" I said in a cheerful tone of voice. Kinuha ko ang nakahandang ax at inilahad sa kanya. 

Bumalik ang tingin niya sa mga kahoy bago sa akin. What do you expect from a rich guy? Siyempre, hindi siya magsisibak ng kahoy dahil may gagawa no'n para sa kanila. Baka hindi nila kailangan ng kahoy dahil kuryente ang gamit nila. 

Akala ko nga ay tatanggi siya at magba-backout sa gusto ko pero napaawang na lamang ang labi ko nang tinanggap niya ang ax mula sa akin. I was slightly shocked. Tiningnan ko ang kanyang mukha. Mukha naman siyang hindi napipilitan. Just his usual face. 

"Sige, if you want me to court you traditionally..." He paused a bit and looked at me with a serious face. "Then I will."

Namilog ang mata ko at agad tumalikod sa kanya nang bigla siyang maghubad ng pang-ibabaw na damit nang hindi nagpaalam sa akin. 

"B-Bakit ka naghuhubad?" I yelled as I covered my face using my palm.

"Mainit, eh, hindi ako puwede magdamit kapag nagsisibak, Sarah Jade."

My lips parted and slowly looked at him. Hindi ko mapigilan ang mapagmasdan ang kanyang katawan habang nakatalikod siya sa akin. Hindi ko akalain na may ganito pala siya na pangangatawan. Hindi halata sa pananamit niya.

"Ate, baka maglaway ka sa sobrang hot!"

Naibalik ako sa katotohanan nang bigla kong narinig ang mapang-asar na boses ni Diana. May dala na siyang bag. Mukhang uuwi yata siya sa kanila.

"Che!" I glared at her. "Baka gusto mo siyang tulungan!" 

Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagngisi niya kaya inis ko siyang inirapan at saka naikrus ang mga braso.

"Ay! Puwede naman!" she grinned. "Pero kailangan ko nang umalis. Kuya, Ethan! Aja! Fighting!" At umalis na siya.

Mabuti naman.

Nang ibinalik ko ang atensyon ko kay Ethan ay napabusangot ako nang nakita kong nakatunganga lang siya sa harap ng maraming kahoy na pinakuha ko kay Josh. Binigyan ko pa iyon ng pera para lang ikuha ako ng ganiyan karaming kahoy.

"Oh, bakit ka nakatunganga riyan? Hindi mo kaya, ano?" hamong tanong ko.

Sa tindig niya pa lang, sigurado ako na hindi pa ito nakahawak ng ax. Siguro kahit putik, hindi pa siya nakahawak. How sad.

Binalingan niya ako sabay ayos sa kanyang T-shirt na nasa kaliwang balikat na niya at inilapag ang ax sa kakahuyan.

He sighed. "You know, if you like me to do this one, I will. But in this modern world, ang pagsisibak ng kahoy ay hindi patunay na seryoso ang isang tao. Maybe someone was just pretending to be industrious just to have you."

I nodded and walked towards him. I raised my brows and glared at him.

"So, you are pretending?"

He chuckled. "I am not pretending. Kung gusto mong gawin ko ang gawaing bahay, kaya kong gawin."

Napailing ako sa sinabi niya. "Sabihin mo na lang kasi na ayaw mo talagang magsibak ng kahoy. Maiitindihan ko naman iyon since you are born rich kaya siguro nakahiga ka sa salapi since birth."

Chasing StarsWhere stories live. Discover now